00:00Nagkabit ang mga otoridad ng Fireline papasok sa Financial Management Records Room ng DPWH Cordillera.
00:07Ito'y matapos sumiklab ang sulog sa kanilang opisina kahapon.
00:11Yan ang ulit ni Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera.
00:16Alas 5.25 ng hapon ng sumiklab ang apoy sa opisina ng Department of Public Works and Highways Cordillera Regional Office sa Engineers Hill, Baguio City.
00:27Unang gumamit ng fire extinguisher ang mga security personnel at driver ng DPWH upang makontrol ang sunog.
00:36Hanggang rumisponde ang mga bumbero.
00:38Tuluyang naapula ang sunog ng 5.43 ng hapon.
00:43Ang nasunog, isang metro kwadradong bahagi ng Financial Management Records Room.
00:49Dahil sa pag-agaran ng pag-responde ng mga empleyado, is na-prevent natin, na-prevent nila lumaki,
00:55and tinorn over na lang nila sa mga responding unit natin during the pagdating ng mga Baguio City Fire Station personnel.
01:02Makikita dito sa ating likuran ang fireline na ikinabit ng mga otoridad papasok sa Financial Management Records Room ng DPWH Cordillera na nasunog kahapon.
01:12Matatagpuan dito ang mga dokumento ng expenses, assets, at liabilities ng ahensya.
01:20Wala namang empleyadong nasaktan sa insidente, ngunit tinatayang na sa 35,000 piso ang halaga ng pinsala.
01:28Patuloy pa ang ginagawang investigasyon ng BFP upang malaman ang dahilan ng sunog.
01:34This is under investigation pa rin, so nagkakuha pa rin tayo ng mga needed na evidence and materials na nakuha natin doon,
01:43and i-hand carry po natin papunta sa National Headquarters for laboratory examination.
01:49Sinubukan ng PTV News Team na kunin ang pahayag ng mga opisyal ng tanggapan,
01:55ngunit hindi na sila nagbigay ng komento.
01:58Hindi patukoy kung ano-ano ang mga apektadong dokumento.
02:01Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
02:04hindi pinapayagan ang sino mang empleyado ng DPWH na makapasok sa fire site,
02:10habang hinihintay ang investigador mula sa DPWH Central Office.
02:15Nakabantay rin ang mga pulis upang masigurong walang makakapasok sa lugar ng sunog.
02:21Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansag TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment