Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
Palasyo, nilinaw na dadaan muna sa masusing beripikasyon ang mga impormasyong isiniwalat ni Sen. Lacson kaugnay sa umano'y maanomalyang flood control projects | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binigyang D.A. ng palasyon ng anumang aligasyon ay dapat patunayan muna sa pamagitan ng verifikasyon at konkretong ebidensya bago ito husgahan.
00:09Ikaugnay sa naging tayag ni Sen. Lacson na mali umano ang pagre-report ni dating DPWH Secretary Bunuan sa ilang flood control projects.
00:19Inang ulat ni Kenneth Paciente.
00:20Nilinaw ng Malacanang nadadaan muna sa masusing verifikasyon ng mga impormasyong isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng umano'y mga irregularidad sa ilang flood control projects.
00:33Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro,
00:37hindi maaaring agad umanong magbigay ng konklusyon, batay lamang sa paunang impormasyon kung wala pang sapat na ebidensya.
00:44Tugon niya ng palasyo matapos ang pahayag ni Sen. President Pro Tempore Ping Lacson na sinadya umanong magbigay ng maling datos sa Malacanang ni dating Department of Public Works and Highway Secretary Manny Bunuan.
00:55Giit ni Lacson, ang naturang maling impormasyon ay may kaugnayan sa mga anomalya sa flood control projects na pinunduhan ng pamahalaan.
01:02Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lacson na aabot sa mahigit 421 flood control projects ang umano'y may maling grid coordinates o lokasyon.
01:10Ayon sa Senador, sinadya umanong baguhin ang mga detalye ng lokasyon ng mga proyekto upang mailigaw o ma-mislead ang Pangulo
01:17at maging mahirap na matukoy kung aktual bang umiiral o na ipatupad ng maayos ang mga proyekto.
01:22Mahirap pong i-generalize. Dapat specific po tayo kung anong project yung sinasabi.
01:27May mga pagkakataon po na nandiscovery po mismo si Pangulo na may ghost projects at may mga anomalya ang flood control projects.
01:35Verified na po yun. Pero kung iba pa po at very general po yung sinasabi natin ngayon, hindi po maku-confirm.
01:41So kailangan po po natin i-verify yung mga ibang sinasabi ni Sen. Lacson.
01:46Hiningan namin ang pahayag ang dating kalihim pero wala pa itong tugon sa ngayon.
01:50Samantala tiniyak ng palasyo na hindi makalulusot sa pananagutan ang sino mang mapapatunayang sangkot sa umano'y anomalya,
01:56kahit pa ang ilan sa kanila ay wala na sa bansa.
01:58Ayon kay Castro, may mga umiiral na legal na mekanismo upang panagutin ang mga individual na tatakas sa hostesya.
02:05Kahit sila yung nasa ibang bansa, haabulin pa rin sila ng batas ng Pilipinas.
02:09At kung nakailangan silang sampahan ng kaso at kung may papakitang ebidensya,
02:13mananatili po silang akusado kapag hindi po sila bumalik sa Pilipinas.
02:17Kaugnay nito, nagbigay din ng pahayag ang palasyo hinggil sa sinabi ni dating Sen. Laila de Lima
02:22na mas risonable umano ang pagpapauwi sa bansa kay dating akobical party list representative Zaldico
02:27sa pamamagitan ng deportation.
02:29Ayon sa Malacanang, malinaw ang direktiba ng Pangulo na gamitin ang lahat ng legal na pamamaraan
02:34upang matiyak na haharap sa imbesigasyon ng mga sangkot,
02:37kabilang na ang pakikipag-ugnayan sa international law enforcement agencies.
02:42Ang inutos po talaga ng Pangulo ay gawin lahat ang legal na pamamaraan
02:46para mapabilis ang pag-uwi at pagbabalik ni Zaldico dito sa Pilipinas.
02:51Hindi extradition, kundi pakikipag-usap sa bansang Portugal
02:56at pati po paggamit po at pakikipag-cooperate sa Interpol.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended