Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bukod sa pag-alboroto ng Bulcang Mayon, dagdaghamon din sa mga residente na malapit sa bulkan ang posibleng pag-agos ng Lahar dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Ada.
00:10May ulat on the spot si Ian Cruz.
00:13Ian?
00:16Yes, Rafi, una nga itinaas ang signal number one sa Timog Silangang, bahagi ng Albay, pero hindi kasama.
00:23Sa inisyal, ang kinaroonan natin ngayon, ang bayan ng Ginobatan.
00:28Pero Rafi, ramdam na natin dito yung medyo may kalakasang ihip ng hangin bagamat hindi pa nga umuulan dito dahil ang abiso naman ng pag-asa ay maaring bukas pa magsimula itong mga pag-ulan.
00:41At Rafi, sa anunsyo nga ng Public Information Office ng Albay, inatasan na ng LGU na tiyaking mailikas ang nasa vulnerable areas lalo na ang may mga potensyal na magkalahar flow.
00:52Kaya naman, dalawang hamon ang kinakaharap ng mga residente rito bukod nga sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon at ang pagdating naman ng Bagyong Ada na maaring mag-trigger ng lahar flow kung malakas ang ulan.
01:06Kaya nga dito sa bayan ng Ginobatan. Kaya inaasahan na ng kanilang alkalde na si Anong Hoko na darami pa ang kanilang evacuees kapag kasi malakas ang ulan.
01:15Aagos ang lahar at pusibling malubog ang daanan sa Maninila gali. Malulubog at masisira din ang daan pati na sa masarawag gali.
01:24Kaya ang barangay ay na-isolate. Kaya gusto ng munisipyo na ilikas na ang mga nasa barangay Maninila.
01:30Ngayong nagbabantanga ang pagdating ng Bagyong Ada. Lumilikas din ang nakatira sa bahagi ng Ginobatan Mayon Road dahil may mga tumatagos din lahar doon kag napupuno ang masarawag gali.
01:46Wala rin makadaang sasakyan dahil sa tubig na may kasamang makapal na buhangin.
01:50At ang sabi nga ng Alkadi na Ginobatan ay talagang kitiyakin nila na walang tao doon.
01:56Ang Philippine Coast Guard naman sa station ng Albay sinuspindi na ang lahat ng operasyon ng lahat ng klase ng sea vessels at watercraft sa Ligaspi City, Manito at Rapu-Rapu
02:06na nakapalob nga sa inisyal na wind signal number one dahil sa parating na Bagyong Ada.
02:12Nanatili naman Raffi sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.
02:16Kanina bago nagliwanag nagpakita pa nga ng aktividad ang Bulkang Mayon na patuloy nga na sa alert level 3
02:23dahil sa mga aktividad nito kaya ng pag-agos ng pyroclastic materials at rockfall.
02:29Raffi, itong kinaroonan natin, ito yung tinatawag na masarawag gali at ito yung nalulubog kapag malakas ang agos ng lahar.
02:40At ang tabi nito na barangay ay nais nga ilikas ng munisipyo para kung sakaling lumakas ang agos ng lahar
02:50ay hindi sila ma-isolate mula dito nga sa malaking bahagi ng ginubatan.
02:55Yan muna ang latest. Balik sa'yo, Raffi.
02:57Iyan dun sa mga nabanggit mong lugar na posibleng maapektuhan ng lahar.
03:00Gaano kalaki yung populasyon nito?
03:01At meron pa bang lugar downstream na maapektuhan pa nitong posibleng lahar flow?
03:06Well, Raffi, hindi pa na ibigay sa atin ng ginubatan municipality yung total number talaga.
03:18Pero ang sinasabi nila kapag itinaas sa alert level 4 itong Bulkang Bayon ay baka less than 12,000 pa ang kailangan nilang ilikas.
03:28Pero magdaragdag pa.
03:30Raffi, kasi ang mangyayari, ang sinasabi nila sa atin,
03:33kung ang potensyal ng lahar ay hindi lamang nakakonsentrate hanggang 8 kilometers,
03:40posible daw mag-reach ito beyond 9 to 10 kilometers.
03:44Kaya maaaring baka mas marami pa doon sa bilang na yan ang mailikas.
03:50Pero syempre, tinitingnan nila at depende rin talaga sa sitwasyon, Raffi,
03:53kung magpapalakas ba ng pagbaba ng tubig na may kasama ng mga sediments,
03:59ng pyroclastic materials at iba pang volcanic materials,
04:03yung parating na bagyo at kaya nakamonitor ang lokal na pamahalaan sa mga latest na kaganapan
04:10at sa magiging lakas ng bagyong ada sa pagdaan nga dito sa ating bansa, Raffi.
04:17Okay, maraming salamat at ingat kayo dyan, Ian Cruz.

Recommended