Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dinidinig na ng Korte ang hiling ng mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa na makapagpiyansa sa kasong malversation
00:07kaugnay sa maanumalya umanong proyekto kontrabaha sa Oriental Mindoro.
00:12Dawit po sa naturang kaso si dating Congressman Zaldico na hinahanap pa rin ng mga otoridad.
00:18Saksi si Mackie Pulido.
00:23Gumulong na ang bail hearing ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa
00:28kaugnay ng proyekto kontrabaha sa Nauhan Oriental Mindoro.
00:32Non-bailable talaga ang hinaharap nilang kasong malversation of public funds.
00:36Pero paniwala ng kanilang mga abogado, mahina umanong ebedensya kaya gusto sana nilang payagan sila makapagpiyansa
00:43para pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kaso.
00:46Ang iba namang mga kapwa akusado sa kaso at large pa rin.
00:50Gaya ni dating Congressman Zaldico, official ng construction company na Sunwest Incorporated
00:55at isa pang taga DPWH Mimaropa.
00:58Kanina, hinarap ng prosekusyon ng Legal Counsel ng Securities and Exchange Commission
01:04para pagtibayin ang mga Articles of Incorporation at General Information Sheet
01:09ng Sunwest Inc. mula 1997 hanggang 2024.
01:14Walang tumutol sa panig ng depensa kaya't hindi sumalang sa cross-examination
01:18si Atty. R.J. Bernal ng SEC.
01:21Marathon hearings.
01:22Ang gaganaping mga bail hearings simula lunes sa susunod na linggo
01:25kung saan inaasang isasalang ng prosekusyon
01:28ang mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council,
01:31Independent Commission for Infrastructure
01:33at si Edita Babaran, ang OIC Regional Director ng DPWH Mimaropa.
01:39Gusto rin ipresinta ng prosekusyon si na dating DPWH Yusek Roberto Bernardo,
01:44DPWH Bulacan Henry Alcantara at DPWH Secretary Vince Dizon.
01:50Pero pagde-decisionan pa ng Korte, kung papayagan ito dahil pumalag ang depensa.
01:55Sabi ng depensa, wala naman daw kasi ang mga pangalang ito
01:58sa unang isinumiting Supplemental Pre-Trial Order.
02:02Noong November 24, 2025 pa, nakakulong ang mga akusado
02:05pero iginiit na wala silang kasalanan ng basahan noon ng sakdal.
02:10Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:20Sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended