24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Jesus, Jesus Nazareno
00:30Emil, habang parami ng parami ang mga debotong natutungo rito sa Kirino Grandstand para sa pahalik ng puong Jesus Nazareno, ay tinutumbasa naman daw yan ng sapat na dami ng mga polis para maniguro sa kanilang kaligtasan.
00:45Hindi naman maiwasang may maitakbong mga deboto dito sa medical treatment area, kasunod nga po na makaramdam sila ng mga iba't ibang mga sakit kasunod ng kanilang masidhing pamamanata.
01:00Sa drone shot ng Civil Defense Action Group, kita nga aabot na sa Rojas Boulevard, Corner Katigback Drive, ang pila para sa pahalik as of 1pm.
01:10At hindi lang ito single file, kundi apat na hilera ng mga debotong hahalik sa puong Jesus Nazareno.
01:16Sa dami na ng mga tao at sa tagal din ang paghihintay, may ilang inabutan na ng pagkahilo sa pila, gaya ng 15 anyos na si Lian Marl Asamudio.
01:26Agad siya itinakbo sa treatment area.
01:27Bigla na lang po ako nakaramdam po ng hilo, bigla na lang po sumuka.
01:31O nakaramdam po ako ng sakit ng tiyan, tinitiis ko lang po yung butong po kanina.
01:37Napagalamang mataas ang kanyang blood sugar at blood pressure.
01:40Alauna pa siya ng madaling araw na nakapila.
01:43Para po magpasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng bagong buhay.
01:47Na-hospital po ako, ilang beses po ako na aksidente na ano po ako ng mga kotse.
01:51Latang-lata at hindi naman makabango ng 52 anyos na si Noel Santos nang dalhin siya sa treatment area.
01:58Naglakad daw siya ng nakayapak mula Cavite simula alas 3 kahapon.
02:02Dumaan muna siya sa 15 simbahan kabila ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o ang simbahan sa Quiapo.
02:10Bago nagtungo rito sa Quirino Grandstand para sa pahalik.
02:13Ano nangyayari sa parampuninan?
02:15Ma'am, pumutok po. Nagkaroon po ng malaking paltos.
02:17Mga basag na malilit na bote, ma'am.
02:21Tapos yung mga espalto, yung mga bato na matutulis, ma'am.
02:26Ma'am, hilo, pagod, gutom.
02:29Pero sa kabila nito, wala raw siyang pagsisisi.
02:31Basta manali ka lang sa Nazareno, ma'am.
02:34Sa mahal na birin, sa mahal na santonin niyo, sa mahal na ama.
02:38Hindi mo na mararamdaman niyo, ma'am.
02:40Hindi naman halos makahinga ang 76 anyo sa Sirita Villarba,
02:44kaya siya itinakbo sa treatment area.
02:46Kwento niya, nawalan pa siya ng wallet at senior ID
02:49na matulog sa Quiapo bago magtungo rito.
02:52Dahil sa galit, kung kaya posiblian niyang tumaas ang presyon niya.
02:55Hinihingal po ko. May dati po ako in Paisima.
02:59Lord, tulungan niya ako na magbagong buhay.
03:02Gusto ko lang, may edad na ako, kumamatay ako.
03:07May makatikim, may makakita ko malang kung ano ito ang mga itsura nila.
03:11As of 2.30pm, umabot na raw sa tatlong po ang medical and trauma cases
03:15na inireport sa incident command team.
03:18Dalawa ang kinailangan itakbo sa ospital dahil na stroke.
03:21Mostly, hypertension, iba talagang dehydrated, and stroke patients.
03:30Natutumba, or yung iba, hindi nakapagdala ng kanilang mga medication,
03:36nakapila pa since morning, it will take you around 4 to 5 hours
03:41kung nandoon ka pa sa, ang last na pila mo is if you're in the Katigbak Road,
03:48Rojas Boulevard.
03:50Kaya pinapayuhan ang mga deboto na magdala ng pagkain,
03:53inumin at mga gamot, at hanggat maaari, pumunta ng may kasama.
03:57Ilagay sa ID ang blood type, medication, address, at contact number
04:01para madaling matugunan sakaling may emergency.
04:04Ngayong hapon, nagtaos ng band parade.
04:07Emil, as of 7.30pm ay nasa 48 na raw yung mga pasyenteng dinala dito sa medical treatment area.
04:20Mula pa yan alas 5 kahapon.
04:21At sa ngayon naman, ay ongoing yung praise and worship hanggang alas 11 na po yan ng gabi.
04:26Kung kailan magsisimula naman po yung paghahanda na para sa Misa Mayor na mangyayari ng alas 12 ng hating gabi.
04:32At dahil nandito naman daw po tayo para mamanata at magdeposyon, paalala ng mga kinauukulan,
04:38e dagdagan pa natin ang ating pasensya at pagditiis para mapanatili ang kabanalan ng pahalik sa pong Jesus Nazareno.
04:45Emil?
04:45Maraming salamat, Maris Umali.
04:50Pinalagan ni Senate President Tito Soto at ilang kapwa senador ang aligasyon ni Senadora Aimee Marcos
04:56na may mga ipinagbabawal kaugnay ng imbistigasyon ng Senado sa flood control scandal.
05:03Nakatutok si Ivan Mayrina.
05:04Pinalagan ni Senate President Tito Soto ang pahayang ni Senadora Aimee Marcos
05:11na hindi na siya umaasang may patutunguhan pa kung ipagpapatuloy ng Senado ang imbistigasyon sa flood control projects.
05:18Ang aligasyon ni Marcos, pinipigilan sila kapag umaakit na kay dating Speaker Martin Romualdez
05:23o mas mataas pa ang imbistigasyon.
05:26Imposible ayang kay Soto sa may tawag sa bintang na imbento.
05:30So, nauna ng sinabi ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na unfair,
05:35walang katotohanan at walang basihan ang aligasyon na ayaw na niyang patulan.
05:40Pinabulaanan din ito ng Vice Chairperson ng komite.
05:43Wala akong naririnig na pinagsasabihan na pag si Sen. tungkol kay Speaker Romualdez.
05:51Wala akong naririnig. Number two, hindi naman kasi nagmimit.
05:54Sinabi rin ni Senadora Marcos na bubuwagin na sa susunod na buwan ang Independent Commission for Infrastructure.
06:01Hindi nagpakita ng ebidensya sa Senadora Marcos o nagdetalya sa kung paano niya nakuha
06:06informasyon na pinabubulaanan ngayon ng palasyo.
06:09Kahit nga nagsipagbitaw na mga miembro at ang chairman na lang ang natira,
06:13patuloy ang paghimok sa mga may informasyon sa katiwalian na magsumbong sa komisyon.
06:17Wala po na pag-uusapan kung magkakaroon ng replacement, pero nagpapatuloy pa rin po ang ICI.
06:23Walang abisos sa kanila kung sila ay bubuwagin. Kaya patuloy din po ang katilang pag-iimbestiga.
06:28Pero ang in-expect po ng Pangulo ay magkaroon din po ng batas para magkaroon ng Independent Commission.
06:33Dumistansya naman ang palasyo sa informasyon na nakuha rin naman na Senadora Marcos
06:36na ilang datit kasalukoy ang senador at mga kongresista
06:39ang sunod na kakasuhan na taarestuhin kaugnay ng flood control scandal.
06:43Sabi nga po ng Pangulo, baka masayang yung effort sa kakamadali.
06:47Pero, mandidismiss lang po. Aga, ayaw natin pangunahan kung ano magiging trabaho ng Ombudsman at ng DOJ.
06:54Nasa kamay na po ng Ombudsman niyan kung ano po yung timeline nila.
06:58Patuloy namang pinabubulaanan ng palasyo ang mga ugong ng malawak ang balasan sa gabinete.
07:03Sa ngayon.
07:04Lagi namang tumitingin, nagmumonitor ng Pangulo, ini-evaluate niya yung trabaho ng bawat membro ng kabinete.
07:10So, ngayon, sa araw na to, opo.
07:15So, sa mga susunod na araw, hindi natin masasabi kung sabay ay hindi masasatisfy sa trabaho ng isang cabsex.
07:22Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
07:40Sa ilalim kasi nito, may sumuksok na makamandad na cobra.
07:45Saan kaya hantong ang pagtugis sa nagtagong ulupong?
07:53Sa dinami-dami ng mga naisagawang rescue operation ng snake rest girl mula sa Albay na si Mark John,
07:59Isa raw to sa pinakamahirap, ang sinusubukan daw kasing ng pinaahas na isang mamanding makamandad na Philippine cobra.
08:06Sumuksok sa mga butas ng sahig ng isang bahay.
08:09Ayang pumatay sa loob ng 30 minutes lang.
08:12Para daw makuha ito, kinakailangan na raw nilang wasakin ang sahig ng bahay.
08:16Pumingi po kami ng consent sa may-ari kasi yung longga po ng cobra is nakasiksik po.
08:21Doon mismo sa ilalim po ng kanilang bahay.
08:24So, pumayag naman po sila.
08:25Dahan-daan daw din at tilibag ang sahig hanggang sa...
08:29Ano?
08:30Uy, ay, favorite pag-iwaga!
08:31Parigol!
08:34Isus yan ang cobra!
08:36Nasilayan na nila ang nagtatagong cobra.
08:39Yung Philippine cobra po is kasing laki na rin po ng braso ng bata.
08:44Para mapalabas ito, sinubukan itong sunkitin ni Mark John.
08:48So, gumagamit po kami ng mga snake tongs, snake clips, tsaka snake hook.
08:52Importante rin po yung pagbubuts natin para in-peace po.
08:55Matuklaw tayo ay sabots po muna tatama yung kanilang kagat.
09:00Ang ahas tinangkapang tubakas.
09:02Hanggang sa, tuluyan na itong nahuli ni Mark John.
09:05Ang cobra, dinalan nila sa gilid ng kalsada at doon sinuri.
09:09Kapag po kasi may suga at yung cobra o matamlay,
09:12dinadala po namin ito sa rescue center
09:14para mabigyan po ng lunas ng ating mga veterinaryan.
09:17Minsan naman po ay tina-turnover po natin ito sa DENR para mas alam po nila kung saan po i-release.
09:25At dahil fit o nasa maayos na kondisyon naman daw ang cobra,
09:28nilagay na muna ito ni Mark John sa sako.
09:30Bago ito ni-release o binalik sa natural itong tahanan.
09:33Agad po natin itong dinala sa kanilang natural habitat para po maibalik doon po sa kanilang tahanan.
09:40Paalala naman ng mga eksperto, huwag daw magtataka kung mapapadalas ang paglabas ng mga cobra.
09:45Breeding season daw kasi na mga ito ngayon.
09:47Usually, breeding season nila lang sa start from January to April
09:51kasi mas stable ang condition eh para magmate sila, hindi pa bago-bago yung weather.
09:56Expect natin na marami talagang maghahanap ng makakain at maghahanap din ang mga partners nila
10:03since yung mga females nagkakalat din yun ng pheromones sa paligid.
10:08And hindi lang isang male yung na-attract.
10:11Pwedeng maraming males ang sumunod kaya nagkakaroon tayo ng increased na sightings.
10:16Kaya minsan buwaba ba sila sa bundok, nakikita natin sila sa mga daan, minsan malapit sa ating mga bahay.
10:22Pero kung sakaling mang may makainkwentro tayong makamandag ng cobra sa ating lugar,
10:26ano ba ang dapat gawin?
10:28Kula-kail!
10:29Ayan na!
10:34Sakali mang may makita o makasalubong tayong cobra pareho nito,
10:38huwag magpanik at huwag na huwag itong lalapitan.
10:41Huwag din nating tank kainas, sakta o patayin ng mga ito.
10:44Paglabag kasi ito sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
10:51Sahalip, bigyan natin sila ng safe space para sila'y makaalis
10:54o di kaya i-report agad ng sightings sa kinaukulan gaya ng DNR na siyang mas maalam sa kung ano ang dapat gawin.
11:02Sa pandala, para malaman ang trivia sa likod ng viral na balita,
11:04i-post o i-comment lang,
11:06Hashtag Kuya Kim!
11:07Ano na?
11:08Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
11:11Ako po si Kuya Kim at sangot ko kayo 24 oras.
11:14Kung dito po sa Maynila, Viva Nazareno!
11:25Ang marirunig hanggang bukas sa Cebu,
11:28Pitsenyo ang pagtupuday lalo palapit na ang pista ng Senyor sa Tuninyo.
11:33At kanina ba, libo-libo ng lumahok sa Penitential Walk with Jesus.
11:38Nakatuto si Fe Marie Dumabo ng GMA Regional TV.
11:42Alas tres ng madaling araw pa lang,
11:48maraming diboto na ang naghihintay sa kahabaan ng Osmeña Boulevard sa Cebu City
11:52sa pagsisimula ng Penitential Walk with Jesus.
11:56Lalo pang naramdaman ang dibosyon ng marami
11:59nang umusad ang posisyon alas quatro ng madaling araw.
12:03Mula Fuente Osmeña Circle, papunta sa Basilica Minor del Santo Niño.
12:12Ang mga anak d'yo.
12:13Palangbaga?
12:14Oo.
12:15Masa'y pupadalagi niyo.
12:18Kanangkuan, maiglawat, mahintog akong pamilya, kanan-kanan.
12:22Nagro rosaryo ang mga diboto habang nagpo-prosesyon.
12:27Bit-bit ang kanikanilang imahin ng Batang Jesus at sinindihang kandila.
12:31Ang iba naman, binihisa ng kanilang anak ng damit na tulad ng sa Santo Niño.
12:36Isa sa kanila ang anim na buwang sanggol na si Amelia Ken na ayon sa kanyang mga magulang ay isang miracle baby.
12:44Itoan nila ang kanilang paraan ng pagpapasalamat kay Santo Niño.
12:49Miracle wow, natungguhan.
12:51Kaya ako lang ipa-isipasalamat ko.
12:56I-abay ninyo.
12:57Pasado alas 5 ng umaga nang dumating ang imahin ng Santo Niño sa kainang caroza sa Basilica Minor del Santo Niño.
13:04We need to be one, one community of believers marching onwards through one faith to the one and only God, Senyor Santo Niño.
13:17Puno rin ang mga diboto ang simbahan at pilgrim center ng Basilica Minor del Santo Niño.
13:23Kaya nalagpasan ang 5,000 maximum capacity ng kumpang dyan ng simbahan.
13:28Kaya hanggang sa labas, may mga diboto na nakikinig sa misa sa pamamagitan ng mga LED wall.
13:35Libo-libong pulis, bumbero, sundalo, iba pang uniformed personnel at mga force multiplier ang nagbantay para tiyakin ng siguridad.
13:45May mga medical station at personnel sa paligid at sa loob ng compound ng Basilica.
13:50Simula ngayong araw, may labing isang novena masses kada araw hanggang January 16.
13:57Naging payapa ang buong penitensyal walk with Jesus.
14:01Ayon sa Cebu City Police Office, umabot sa mahigit 240,000 na mga diboto ang lumahok sa prosesyon
14:08mula Fuente Ospena Circle hanggang sa Basilica Minor del Santo Niño.
14:12Para sa Jamie Regional TV at Jamie Integrated News, ako si Femery Dumabuk, nakatutok 24 oras.
14:24Abante si Pinay Tennis Rising Star Alex Iara sa quarterfinals ng 2026 ASB Classic sa New Zealand.
14:34Sa gitna yan, ang pagpapatuloy ng kanyang winning streak matapos talunin si dating world number one junior player at Croatian Petra Marcinko.
14:46Nanalo siya sa score na 6-love sa isang set at 6-2 sa isa pa.
14:51Lalaban din si Iala sa quarters ng Women's Doubles Competition kasama ang American tennis player na si Eva Iovic.
15:00Aksidente po ang pagkamatay ni Duenas Iluilo Vice Mayor Amy Paz Lamasan, ayon po yan kay Interior Secretary John Vic Remulia.
15:12Lumalabas sa investigasyon na aksidente yung nakalabit ng BC Alcalde ang gatilyo ng kanyang race gun habang inililigpit ito.
15:20Dagdag ni Remulia, hindi sangkot ang BC Alcalde sa anumang anomalya.
15:24Wala rin anyang kinalaman sa kanyang pagkamatay ang live-in partner nitong si Lord Byron Torrecarion.
15:31Patuloy pa rin ang investigasyon sa aksidente.
15:34Sa alibing kahapon, hindi naman napigilan maging emosyonal ni Torrecarion sa pagkamatay ng kanyang kinakasama.
15:41I tried when I'm sorry.
15:49Pwede ko siya na-say.
15:54I tried when we take.
15:59We all tried.
16:02Even at the last minute, kapabangkak kami sa bakto.
16:07What else could we do?
16:10Inalis na ang ban sa pag-angkat ng bigas pero hindi agad-agad makakarating sa pamilihan ang imported rice.
16:19Mahalagang umabot na yan sa palengke para maiwasan ang pagtaas ng presyo.
16:25Nakatutok si Bernadette Reyes.
16:26Mula ng ipatupad ang import ban sa bigas noong Setiembre, hanggang limang piso na ang itinaas ng bigas sa pwesto ni JM.
16:37Kaya good news sa kanila, ngayong pwede na muli ang rice imports.
16:42From 45 naging 50 siya ngayon.
16:44Kunti-unti naman yan, hindi naman biglaan na taas.
16:47Ayon sa Department of Agriculture, lean months ang buwan ng Enero at Pebrero.
16:52Ibig sabihin sa mga buwang ito, walang ani.
16:54Kaya naman, mahalagang makarating na sa mga pamilihan ng imported na bigas para maiwasan ang pagtaas ng presyo.
17:01Pero hindi pa agad-agad nakakarating sa mga pamilihan ng imported rice.
17:06Problema yan sa mga retailer na halos wala na rin mabiling local rice.
17:11Piling-pili na po talaga.
17:13Nagpunta kami sa rice mill, halos wala nang laman ang mga rice mills.
17:18Pag lumabas yung rice imported, sana ibababa din nila para susunod din ang local.
17:26Sa monitoring ng DA, bahagya lang naman ang naging pagtaas sa presyo ng bigas.
17:31Ang tumaas ng konti, yung well-milled na imported.
17:35From 46 naging 47.
17:38Wala naman kaming ine-expect na mataasan na pagtaas kasi naging maganda naman yung production.
17:46Pero ramdam pa rin ang pagmahal na ito.
17:49Ang dati mong budget is kunyari 300, magiging 400 or 500 na iyon.
17:57Mabigat na ho sa amin dahil senior.
17:59Sinasalo rin ang pagmahal ng karindiriyang ito dahil hindi maitaas ang presyo ng kanin.
18:04Pag nagtakal kami ng ano, yung talagang kailangan isakto talagang takal para kumita naman.
18:12Gayunman, ayon sa Department of Agriculture, hindi ganon kalaki ang iminahal ng bigas.
18:17Kahit pa kumonti ang ini-import na bigas nitong 2025 kumpara noong 2024.
18:23Napatunayan na natin na kahit walang imported na bigas, walang talagang mabilisan na pagtaas.
18:34Ibig sabihin, yung pumapasok na bigas is beyond what the country needs.
18:39Inaasahang makakatulong din sa pagmura ng mga agri-products sa mga farm-to-market roads.
18:45Para hindi matulad sa ibang ghost projects, pwede silang imonitor ng publiko sa transparency portal na nasa testing stage na.
18:54Nakalagay po dyan magkano ang pondo natin, kailan nagsimula ito, sino ang contractor natin, so everything ito ba ay ilang percent na accomplishment.
19:04Ito ang tinatawag na farm-to-market road transparency platform.
19:09Bukod sa makikita dito ang updates kaugnay ng iba't ibang proyekto, maaari rin ditong magreklamo ang mga mamayan.
19:16I-click lang ang i-report, i-click ang report new issue, at dito maaari na kayong mag-upload na mga photos at videos bilang patunay sa mga proyektong nais niyong i-reklamo.
19:29DA na rin, imbis na DPWH, ang magpapatupad na mga ito. Gayunman,
19:35The DA may enter into a memorandum of agreement with LGUs, with DPWH, in areas na kagaya nga nabanggit ni Director Christie, for example sa barn, where we have limitations.
19:51Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
19:56Gumuho ang lupa sa Binaliw Landfill sa Cebu City kaninang hapon.
20:03Bumigay ang struktura sa landfill at nabagsaka ng mga sasakyan at kagamitan doon.
20:08Apektado rin ang admin office ng landfill facility.
20:12Ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archibal, base sa mga unang ulat, ay may mga taong na-trap sa guho.
20:19Nag-padala na ang City Hall ng Disaster Response Team para sa rescue operations at para suriin ang kaligtasan sa lugar.
20:28Mga kapuso, wala pong bagyo pero maging handa pa rin sa posibleng pag-ulan bukas.
20:39Base po sa datos ng Metro Weather, umaga bukas ay may tsyansa ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands, Apayaw, Cagayan, Isabela, Quezon, Catanduanes at ilang bahagi ng Samar.
20:51Magpapatuloy po yan sa hapon at may mga pag-ulan na rin sa Central Zone.
20:57May malalakas na buhos ng ulan na posibleng magdulot ng baha o landslide.
21:02Posibleng na rin ang kalat-kalat na ulan sa Mimaropa, Bicol Region, pati po sa Visayas at Mindanao.
21:09Para naman sa Metro Manila kung saan isasagawa ang prosesyon bukas ng puong Jesus Nazareno,
21:15may tsyansa rin ang ulan pero hindi po malawakan at maaring mga panadalian lamang.
21:21Amihan, easterlies at sheer line pa rin ang makakaapekto at magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
21:29Samantala, bukod sa malamig na ihip ng hangin, may epekto rin ang amihan sa mga baybayin.
21:35Nakataas ang gale warning sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
21:39Ibig sabihin, magiging maalon at dalikadong pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.
21:51Mas palaban, mas matatag at mas confident, ito na raw si Chris Bernal na nagbabalik showbiz pagkatapos ng kanyang three-year hiatus.
21:59Ang mga abangan sa kanya lalo sa pagbibidahang bagong kapuso series na House of Lies,
22:05ibinahagi niya sa pag-upo sa GMA Integrated News Interviews.
22:09Narito ang chika ni Nelson Canlas.
22:11Matapos ang tatlong taong hiatus mula sa showbiz, nagbabalik si Chris Bernal.
22:20But this time, she's fearless and she knows what she wants.
22:23Mas palaban ako ngayon at saka mas firm siguro ako sa gusto kong mangyari sa career ko, sa buhay ko.
22:30Nilagyan ko na rin ang boundaries yung sarili ko.
22:32For so long kasi, naging sunod-sunuran din ako.
22:36Less na ang fear mo ngayon?
22:37Ngayon, less na. Siguro dahil nga mas confident na rin ako at mas stable na rin.
22:44What I get from her is like when you're contented and when you have a good full support group at your back
22:50and when you work as a team, as a family, there's no need balance, there's no need to be scared
22:56because you know that you have a good support.
23:00Contentment.
23:00Content ka.
23:01And the baby is really, the baby made her stronger.
23:05Iba talag pag mami ka na eh.
23:07Mag-nana yan, no?
23:08Yeah.
23:0918 years ang itinagal ni Chris sa showbiz bago siya nag-asawa.
23:12Hindi man niya inamin dati.
23:14The peak of her career became too much for her.
23:18Nagkaroon ako ng time na gano'n, na-burn out ako.
23:20Then, siguro pinagdasal ko din, Lord, gusto kong magpahinga.
23:26Gusto ko ng break.
23:27And then, feel ko yung binigay sa akin ni Lord, itong anak ko.
23:32Parang siya yung naging break ko.
23:34Siya yung, ah, may pwede pa pala akong ibang gawin.
23:38May iba pa palang mundo outside of showbiz.
23:40Tapos, ah, yun.
23:42Ngayon naman, na-miss ko.
23:43Na-miss ko yung grind.
23:45Tapos sabi ko, ito pa rin.
23:46Ang saya pa rin nga gawin.
23:48Sabi mo, nag-asawa ka tapos nagka-anak ka.
23:50Iba na yung demands nun eh.
23:51Unlike before, ah, solong katawan ka lang.
23:54Mm-mm.
23:55How's that?
23:56Like, parang how's that for your husband?
23:58Siyempre, yung kid mo, demanding yan.
24:00Two years old pa lang.
24:00Struggling pa rin ako.
24:02Kasi, I'm still breastfeeding.
24:04Pero yun kasi yung bonding namin ng ano ko.
24:06That's why, it's hard for me to let go of breastfeeding din.
24:09In terms naman of my husband,
24:10very supportive kasi yung husband ko eh.
24:12Like, whatever you want, whatever your choices are,
24:15game lang ako.
24:17Pipita ngayon si Chris kasama si Beauty Gonzalez
24:19sa House of Lies.
24:21A story of a picture-perfect family.
24:24Pero...
24:24Each one may kasinungalingan na tinatago.
24:27Mm-mm.
24:28Na if it will be revealed,
24:30it can break a family,
24:31it can break a relationship.
24:33So, gano'ng katagal mo,
24:35hakawakan, kakargahin yung
24:37kasinungalingan na yun sa buhay mo.
24:39Mm-mm.
24:39Mapapanood na sa January 19
24:41sa GMA Afternoon Prime.
24:44Kasama rin ang powerhouse cast
24:45ni Martin Del Rosario,
24:48Mike Tan,
24:48Cocoy De Santos,
24:49Snooki Serna,
24:51Jackie Loblanco,
24:52Lito Pimentel,
24:53at marami pang iba.
24:55May sapakan ba dito?
24:56Ay, marami.
24:57Oh my God.
24:58Marami.
24:58Nasakal nga ako dito eh.
25:00Oh, graphing ka!
25:01Nakugaran ako.
25:02Ang lakas ni Beauty.
25:03Hindi kasi...
25:03Dahil rin kasi...
25:04Oh, hindi ka naman kasi sinaktan.
25:06Ang lakas talaga ni Beauty.
25:07Ang tangkat ko,
25:08ang cute niya,
25:08ang payat pa niya.
25:10Kaya ko lang siya sa isang kamay.
25:11Oh, oh.
25:12Ay, naman mga gano'ng eksena.
25:13Well, surprise.
25:15Surprise na lang.
25:16Surprise.
25:16Ang mga away-away namin.
25:17Talagang grabe.
25:18Sukukudo sa...
25:20Pero hindi naman gito sinukta.
25:21Nasaktan mo gito.
25:21Hindi naman.
25:22Pero ang lakas na talaga.
25:2424 oras naman to.
25:25Pagkailan mo naman ako report.
25:26Isang ganun na lang,
25:27ano na ako,
25:27lumipad na ako dun sa kabilang kantor.
25:29Pero ganun,
25:30ang lakas niya.
25:31Pero maingat siya.
25:32Maingat siya.
25:33Maingat siya sa ano.
25:33Lumipad niya naman ako ah.
25:35Pero kasi,
25:36alam mo,
25:36si Beauty kasi ang tangkat din.
25:38Oh, oh.
25:39You're 5'8 ba?
25:405'7.
25:415'7?
25:425'1 lang ako.
25:43Oh my gosh.
25:44Oh, ayan o si Nakalo.
25:45Ang ganda naman ah.
25:47Nelson Canlas
25:48updated sa Showbiz Happenings.
25:52And that's my chika
25:53this Thursday night.
25:54Ako po si Ia Adeliano.
25:55Miss Mel,
25:56Miss Vicky Emile.
25:57Nice to you.
25:59Salamat, Ia.
26:00Mayroon na.
26:00God bless.
Be the first to comment