00:00.
00:30Magpapatupad ng Comprehensive Security at Crowd Management Plan
00:35ang Philippine National Police para sa Traslasyon 2026.
00:39Kabilang sa maigpit na baumantayan ng PNP,
00:41ang mga kriminal na mananamantala sa aktividad.
00:44Partikular na dito ang mga susubok magbenta at gumamit ng iligal na droga.
00:49Meron tayong mga kababayan na talagang magiinom bago magiinom.
00:55Of course, kailangan nila ng pampagising.
00:58Kaya yung possibility na merong gagamit at gagamit.
01:03So kami po, yung proactive measures na ginagawa natin,
01:08involved din po yan, not only yung sa firearms,
01:12of course, yung kung anong violation.
01:15Ayon naman kay Manila Police District Spokesperson Police Major Philip Ines,
01:19umiiral na ang liquor ban sa lungsod ng Maynila.
01:22Sinimuran itong ipatupad kaninang madaling araw at magtatagal ito hanggang January 10.
01:27Bukod dito, ay umiiral na rin ang gun ban sa lugar.
01:31Epektibo ito mula 12.01 kaninang madaling araw at magtatagal hanggang 12.01 ng January 11.
01:37Magpapatupad daw ang PNP ng maximum tolerance laban sa mga pasaway na deboto.
01:42Partikular na ang mga deboto na susubok sumampas sa andas ng imahe ng Jesus Nazareno.
01:48Pinakamataas na antas po ng pagtitimpi, tulad po ng binanggit ko,
01:52ang totoong deboto sumusunod po sa mga tagubilin po ng simbahan at ng otoridad.
01:56Hindi bababa sa 18,000 polis ang itatalaga para masiguro ang siguridad ng prosesyon.
02:02Kabilang dito ang mga operatibang nakasibilyan at intelligence units
02:06para pigilan ang mga insidente ng pandorukot, pagnanakaw, panlilinlang,
02:10at iba pang uri ng pananamantala at krimen sa panahon ng pahalik.
02:14Bukod dito, ay nagtalaga rin ng mga police assistance desk at dedicated na mga tauhan
02:19para tungulong sa mga senior citizen, persons with disabilities, kababaihan at mga bata.
02:25Tagal po ang preparasyon nito at taon-taon po ginagawa natin dito.
02:29At patuloy po tayo nakikiusap sa kanila na ito po yung panahon na sabi nga natin pagninilay-nilay.
02:34Ito po yung panahon na sabi nga natin, tignan po natin na yung ating pagkilala po ating lumika.
02:42Ipakita po natin na tayo po talaga ay diboto.
02:44Simula kaninang madaling araw, ay umabot na daw sa mahigit 5,000 ang nakisa sa pahalik sa Crino Grandstand.
02:52Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments