24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00Depensa rao para sa yumaong si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:10at hindi ebidensya ng katiwalian ang tinugriang Cabral files ayon po iyan sa kanyang abogado.
00:17Pero nawawala na ito bago pa ma-turn over sa kanila.
00:21Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Para raw sa yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:31ang mga hawak niyang dokumento na tinatawag ngayong Cabral files
00:34hindi ebidensya ng katiwalian kundi ebidensya na wala siyang kinalaman sa anomalya sa flood control projects
00:41ayon sa kanyang abogado.
00:43Ito raw ang dahilan kaya mag-turn over dapat siya ng 6 nakahong puno ng dokumento
00:48kina Atty. May Divinagrasia.
00:50Pero sabi ng kanyang abogado, hindi raw ito na-turn over sa kanila at ngayoy nawawala.
00:56Those documents would show na talagang she was just really following orders.
01:00Coming from Secretary Bonoan, those orders, mga instructions,
01:06telling, directing her to vet and review certain projects if it's qualified for funding.
01:16Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, itinuro si Cabral ni dating DPWH Undersecretary for Operations, Roberto Bernardo,
01:24bilang mastermind ng kickback scheme sa DPWH.
01:28Sinabi rin noon ni Bernardo na may kapangyarihan si Cabral na magdagdag, magsingit,
01:33o magbawas na mga proyektong popondohan sa National Expenditure Program.
01:38Itinanggiraw ito ng kanyang kliyente, ayon kay Divinagrasia.
01:41Ang sanasabi niya, hindi niya alam kasi kung meron man, mangyayari yan sa awarding or sa implementation,
01:52but hindi kasi siya naging ano eh, she was never a district engineer, she was never a director,
02:00she was, kumbaga never siyang naging ano, so hindi niya alam yung nangyayari sa mga district engineering offices and regional offices.
02:09Ang merong jurisdiction dito, the person who has supervision and control over these offices are the undersecretaries for operation.
02:23Wala rin daw tinanggap na kickback si Cabral, wala raw mga mansyon si Cabral at simple lang ang buhay ng kanyang dalawang anak.
02:31I went to their house in Tatalon. Hanggang namatay siya doon sila nakatira.
02:36Kung meron siyang 20 billion, meron siyang house in Forbes, meron siyang house in Corinthians,
02:41bakit niya patitirahin doon yung mga anak niya?
02:44And you can also verify saan nagtatrabaho yung mga anak niya.
02:48Yung isa, ang description niya sa sarili niya, I'm just a cook in a hotel.
02:54Not even a chef.
02:55Yung isa naman is a salary grade 11 employee of the government.
03:00Bago siya natagpo ang patay sa ilalim ng bangin sa Benguet noong Disyembre,
03:05may mga nauna na raw ginawang tangka sa kanyang buhay si Cabral,
03:08matapos siyang idawit ni Bernardo sa Senate hearing.
03:11Lagi niyang tinatanong sa akin,
03:15pinapatawag ba si Secretary Bonoan?
03:18Bakit merong mga offers of immunity doon sa mga tao who already admitted their participation in the scheme?
03:32She felt abandoned, parang she felt that she was being made a scapegoat.
03:37Sabi rin ang abogado ni Cabral,
03:39handa raw sana siyang humarap sa pagdinig noon ng ICI,
03:42pero hindi raw nito natanggap ang imbitasyon ng komisyon.
03:45Sumulat pa sila noong December 15 sa ICI para iparating ito.
03:49Tatlong araw matapos nito, namatay na si Cabral.
03:52Para sa GMA Integrated News,
03:54Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended