00:00Sa pagpasok ng bagong taon, ibinahagi ni Philippine Olympic Committee President Abraham Bambol Tolentino
00:06ang kanilang mga plano na magbibigay ng malaking ambag sa sport at turismo sa bansa.
00:12Para sa detalyan, naiyong report ni Paolo Salabatis.
00:18Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng dalawang malalaking international competition sa huling bahagi ng taong 2027
00:24at unang bahagi ng taong 2028 ayon sa Philippine Olympic Committee.
00:29Isang araw matapos i-anunsyo ang pag-uhos ng Maynila sa kauna-unahang Southeast Asian Plus Youth Games,
00:36kinumpirma ni POC President Abraham Bambol Tolentino na gaganapin din sa bansa ang Asian Beach Games.
00:43Ayon kay Tolentino, matapos ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Olympic Council of Asia
00:48na pagdesisyon ang ibaos ang C Plus Youth Games sa huling bahagi ng 2027 imbis na unang bahagi ng 2028.
00:56Samantala, bagamat wala pang konkretong lokasyon, ang Asian Beach Games naman ay inaasahang gaganapin sa unang bahagi ng taong 2028.
01:06Ayon pa kay Tolentino, ang pag-uhos ng mga international events ay alinsunod at kaakman ang pinayigting na sports tourism campaign
01:14ng Fulabin Sports Commission na pinungunahan ni PSC Chairman Patrick Pato Gregorio.
01:20Gaganapin sa Tashkent ang mahalagang General Assembly ng OCA na tatalakayan din ang pag-uhos ng Uzbekistan sa 2029 Asian Youth Games.
01:30Magkatugma rin ang pananaw ng POC at PSC sa sports tourism na sinuportahan ng paglikha ng National Sports Tourism Interagency Committee
01:38na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. noong nakarang taon.
01:43Dagdag pa ni Tolentino, mataas din ang inaasahan para sa paglahok ng mga Pilipinong atleta sa Milano Cortina Winter Olympics.
01:50Game din sa Asian Beach Games na gaganapin mula April 22 hanggang 30 sa Sanya, China.
01:56Kasama rin sa kalendaryo ng POC ang Nagoya Asian Games sa Setiembre at ang Jedha Asian Ender and Martial Arts Games.
02:04Ang C-Plus Youth Games ay para sa mga atleta ang may edad labing pito pababa na lalahok sa mga regular sports,
02:10mga Olympic sports, Asian non-Olympic sports at isang tradisyonal na palaro.
02:15Si Tolentino ang tagapagtatag na pangulo ng C-Plus Youth Games na binubuo ng mga bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, Laos, Cambodia, Myanmar, Vietnam at Timor Leste.
02:27Ang plus ay tumutukoy sa pag-imbita ng hindi bababa sa isang Asian National Olympic Committee mula sa iba pang rehyon sa Asia upang mapalakas ang kompetisyon sa grassroots level.
02:39Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.