00:00Samantala, mas pinigting ng Philippine National Police ang internal discipline at crime prevention noong 2025,
00:06nagresulta po sa libo-libong kasong administratibo at pagbaba ng focus crimes.
00:11Si Floyd Bren sa report.
00:15Ipinakita ng Philippine National Police ang mas pinigting at sistematikong kampanya
00:20para sa disiplina sa loob ng organisasyon at proteksyon at kaligtasan ng publiko noong 2025.
00:27Sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio Sinartates Jr.,
00:34matagumpay na naisara ang halos nasa 4,000 administratibong kaso na kinasangkutan ng nasa halos 6,000 tauhan mula sa iba't ibang antas ng organisasyon.
00:45Kabilang dito ang mga police commissioned officers, police non-commissioned officers at non-uniformed personnel
00:51na nagpapakita na walang pinipiling ranggo o posisyon sa pagpapatupad ng pananagutan.
00:57Mahigit kalahati ng mga kasong ito ay nagresulta sa iba't ibang uri ng parusa
01:02mula sa reprimanded suspension hanggang sa demotion at tuluyang pagkatanggal sa servisyo.
01:08Ipinapakita nito ang PNP ay mahigpit laban sa katiwalian,
01:12ngunit makatarungan at patas sa paghusga.
01:15Alinsunod sa prinsipyo ng due process at hindi basta-bastang nagpaparusa ng walang sapat na batayan.
01:22Kasabay ng mga hakbang para sa internal discipline,
01:25iniulat din ng PNP ang malaking pagbuti ng peace and order situation sa bansa.
01:29Sa kabuhan po ng January to December, kumpara po natin 2024 up to 2025.
01:37From 40,771 na focus crime noong 2024, bumaba po siya ng 35,000 plus
01:45o bumaba po ng 5,000 na insidente sa 2025 o bali po ito binubuo ng 12.40%.
01:52Halos sa lahat ng pangunahing uri ng krimen ay nakapagtala ng pagbaba kabilang ang rape,
01:58murder, homicide, robbery, physical injury, carnapping at theft.
02:03Malinaw na indikasyon ng mas efektibong pagpapatupad ng batas at mas ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan.
02:10Pinatunayan nito na ang pinagsamang disiplina sa loob ng PNP at pinaigting na crime prevention strategies sa komunidad
02:17ay may direktang positibong epekto sa kaligtasan ng publiko at sa tiwala ng mamamayan sa kapulisan.
02:24Floyd Brents para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.