00:00Kaya araw, inaasampi pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 6.793 trillion pesos na budget para sa 2026.
00:09Pero isang grupo at ilang kongresista may mga kinu-question pa rin alokasyon sa budget.
00:13May unang balita si Mav Gonzalez.
00:18Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 6.793 trillion peso 2026 national budget.
00:25Sabi ng grupong bayan, ang budget, anilay para lang sa mga kurakot na political dynasty, mambabatas, pinapaborang kontraktor at mga kapitalista.
00:35Sa National Expenditure Program pa lamang daw ng Pangulo, marami ng discretionary at lump sum item at mga alokable.
00:42Dinagdagan pa ito ng anilay pork barrel at patronage funds ng kongreso.
00:46Tinukoy ng bayan ang 243 billion pesos na unprogrammed appropriations,
00:51200 billion na soft pork na nakalagay sa mga programa tulad ng AICS, MAIFIP at TUPAD,
00:57bilyong-bilyong pisong halaga ng infrastructure projects at 11 billion na confidential at intelligence funds.
01:03Anila kung may ilang item na i-vito ang Pangulo, naniniwala silang ito ay para lang pakalmahin anila ang publiko,
01:10hindi para i-reforma ang pambansang pondo.
01:13Kukwestyonin din ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice sa Korte Suprema kung may unprogrammed appropriations sa budget.
01:20I-popush ko yun. Kung hindi ibibito ng presidente, yun ay para magkaroon na ng definite na decision
01:27ang Korte Suprema tungkol dito sa mga unprogrammed appropriations.
01:31Yan yung aking purpose na questioning yan sa Korte Suprema.
01:35Para kung deklarang unconstitutional, hindi na magamit yan sa mga susunod pa.
01:42Napakalaki raw kasi ng unprogrammed appropriations o yung mga wala pang tukoy na pagkukunan ng pondo.
01:47May mga inilagay dyan sa unprogrammed appropriations na dapat sana sa programmed appropriations na ilagay.
01:57Kain man, sabi ni Erice, mas madaling bantayan ang 2026 budget.
02:01Compared to the three previous years budget, ang 2026 budget ay malayo na mas maayos.
02:08Hindi ko sinasabing walang mga nakalusot dahil sa dami ng mga items yan.
02:17Pero ang masasabi ko lang, mas madaling ngayon na makita ito ng oversight.
02:23So mas madaling hanapin sa implementation.
02:27I-pinost naman ni Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Facebook ang summary ng 2026 budget ng Kamara.
02:36Dati na niyang quenestyon ang 18 bilyon na nakalaan para sa MOE o Maintenance and Other Operating Expenses ng mga kongresista.
02:44Bagaman bahagi raw nito ay makatwiran, gaya ng pambayad ng supplies at utilities,
02:48malaking bahagi raw nito ay napupunta sa mga gastuseng walang resibo, kaya mahirap suriin.
02:54Ayon kay Leviste, nasa 47 million pesos ito kada kongresista.
02:59Kabilang aniya sa mga di kailangang resibuhan ay gastus sa biyahe, komunikasyon, training, scholarship, advertising, representation, at professional services.
03:09Hirit ni Leviste, kabilang barito ang sahod ng social media consultants o keyboard warriors.
03:14Umaasa si Leviste na ilalabas ng House Committee on Accounts ang detalyadong breakdown ng budget ng Kamara.
03:21Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.