Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagahanap ngayon ang nasa likod ng napakalakas na pagsabog sa Tondo, Manila.
00:05Ilang minuto matapos sa lugungin ang bagong taon.
00:08Nasugatan ng isang senior citizen at isang bata at napinsala ilang bahay at sasakyan.
00:13Saksi si Ian Cruz.
00:18Nabulabog ang kasiyahan sa Nara Street sa barangay 227 Tondo, Manila.
00:23Ilang minuto pa lang ng taong 2026 ang luminipas.
00:30Pagkita, masabi sa lamin o.
00:36Umalingaw-ngaw ang napakalakas na pagsabog.
00:43Sa isa pang video, di nga magkasunod na pagsabog.
00:51Tatlong bayan direktang naapektuhan.
00:54Buhasak ang bahagi ng mga dingding at bintana.
00:56Ang tricycle naman ng Pamilya Palma na tukla pang bubong.
01:00At napinsala rin ang upuan.
01:02Sa lakas ng pagsabog, itong tricycle na nakaparada doon sa bandang dingding ay umusad nga ng halos isang metro.
01:10At ang ipinagtataka ngayon o miari ng bahay, may nakita pa na isang malaking paputok na hindi sumabog sa bubong ng tricycle na ito.
01:18Nasira pati washing machine ang kanilang pamilya.
01:21May bumagsak ding debris sa loob ng kanilang bahay na nagdulot ng sugat sa harap ng binti ni Joseph.
01:27Pagkaputok na dyan yan, hindi siguro nasin diyan, dumakbo.
01:34Pero malamang mas malaki pa yung pinaputok dyan, biru mo na lakas.
01:39Ang nabalitaan daw ng kanyang misis.
01:41Ang sabi po nung mga nakakita, may nag-hagis daw po.
01:44Natalsikan din ang debris at nasugatan ang isang babaeng sampung taong gulang.
01:50Naglulusis po kami.
01:51Tapos?
01:52May biglang sumabog po.
01:54Tapos bigla po tumakbo kami doon.
01:57May nakita ba kayo may mga naghihicha ng malalakas sa paputok dito?
02:01Wala po.
02:02Naglulusis lang po kami.
02:03Si Chiba, tumatawi daw sa daan ang mangyari ang pagsabog, pero hindi siya napuruhan.
02:09Pero napinsala ang bintana at screen door ng kanilang bahay.
02:13Napundi rin ang insidente, ang ilaw ng kanilang refrigerator.
02:16Umano lang yung parang yung tenga ko, parang nabingin siya, konti.
02:21Tapos yung ano yung kala ko nga yung dito ko kasi, pero nawala naman din siya.
02:28Nasira rin ang isang motorsiklo.
02:30Ayon sa barangay, isang lalaki ang nakita umanong nakatambay sa tapat ng mga nasirang bahay.
02:36Ilang segundo bago ang pagsabog.
02:38Naka kulay itim, hindi namin alam kung ano yung nilagay o ano about sa bahay, about sa motor.
02:48Tingin ko, paputok talaga.
02:53Kaya lang, malakas. Malakas talaga.
02:57Paputok ang tiniting ng mitsa ng insidente base sa post-class investigation ng pulisya.
03:03Low explosive ang component daw nito at patunay ang anilay pushing effect sa tricycle.
03:10Titignan natin kung talagang sinadya niya ba talagang ilagay yun para masira yung mga kagamitan doon.
03:17Hinahanap pa kung sino ang nasa likod ng pagsabog.
03:21Ayon sa Department of Health, 235 cases ang naitalang firecracker-related injuries mula noong December 21.
03:2842% na mas mababa yan kumpara sa naitalang kaso sa pagsalubong sa 2025.
03:35Pero sa Tondo Medical Center, tumaas ang bilang ng mga naputukan.
03:39Mula sa 46 victims noong nakaraang taon, umakyat ito sa 70 sa bispiras ng 2026.
03:47Lima sa mga biktima na putulan ng bahagi o buong daliri.
03:51Usually ang mga nabibiktima is mga bata.
03:55Ang karamihan ay passive, around 61% yung passive namin.
04:01Baka hindi rin nagpapaputok ang karamihan sa 70 biktimang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
04:08Ang isa, nagme-makeup lang daw sa loob ng kanilang bahay ng tamaan ng paputok.
04:13Mata po yung natamaan.
04:15Napauwi naman po, nag-irrigate lang po tayo o nilinis lang yung mata.
04:19Pitong pasyente naman ang dinila sa East Avenue Medical Center sa Quezon City sa buong magdamag.
04:25Karamihan, mga nanonood lang ng paputok.
04:28Ang pinaka-severe na nakita namin which required admission was yung naputulan ng part ng daliri.
04:35So yun lang naman. The rest are minor injuries.
04:39Muling paalala ng otoridad kahit pa sa mga minor o maliit lang ang tinamong sugat dahil sa paputok,
04:45ipatingin pa rin ito agad sa doktor.
04:47Dirty wound kasi yan at baka kailangan ninyong maturukan ng anti-tetanus prophylaxis.
04:54Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:00Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:03Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended