00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:06Ilang minuto pa lang matapos ang masayasan ng pagsalubong sa bagong taon.
00:11Problema agad ang sumalubong sa ilang tagatondo sa Maynila.
00:14Nasira kasi ang ilang bahay, motosiklo at tricycle.
00:18Kasunod ng nambulabog doong napakalakas na pagsabog.
00:22Tingin ng mga otoridad, paputok ang mitya ng insidente pero tinutukoy pa kung anong uri ito.
00:28Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Jomer Apresto.
00:45Malakas na pagsabog ang umalingaungaw sa Nara Street, Barangay 227 sa Tondo Maynila,
00:50sampung minuto matapos ang salubong sa bagong taon.
00:53Sa lakas ng pagsabog, wasak ang bahagi ng ilang bahay na halos katabilang mismo ng Barangay Hall.
00:59Nasira rin ang isang motor at isang tricycle dahil sa pagsabog.
01:03Sinubukan naming makipag-ugnayan sa isa sa mga may-ari ng bahay pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
01:09Ayon sa Barangay, hindi pa nila matukoy kung anong uri ng paputok ang sumabog.
01:14Pero isang lalaki raw ang nakitang nakatambay sa tapat ng mga nasirang bahay ilang segundo bago ang insidente.
01:21Nakakulay itim. Hindi namin alam kung ano yung nilagay o ano about sa bahay, about sa motor.
01:30Tingin ko, paputok pa rin.
01:34Kaya lang, malakas. Malakas talaga.
01:39Pero dismayado ang barangay dahil sa matagal umanong pagresponde ng polisya.
01:44Ang problema ko, tumawag na ako sa presindo 7. Hanggang ngayon, hindi pa dumarating.
01:48Mag-aalas dos na ng madaling araw nang dumating ang TMRU ng MPD.
01:52Sinusubukan pa namin kunin ang bahayag ng polisya tungkol dito.
01:56Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
02:04Jomer Apresto nakatutok.
Comments