Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasira naman ang ilang bahay at sasakyan sa Tondo, Maynila
00:03dahil sa isang malakas sa pagsabog habang sinasalubong ang bagong taon.
00:08May unang balita si Jomer Apresto.
00:21Malakas na pagsabog ang umaling-aungaw sa Nara Street, Barangay 227 sa Tondo, Maynila
00:2610 minuto matapos ang salubong sa bagong taon.
00:30Sa lakas ng impact, nawasak ang bahagi ng ilang bahay na yan na halos katabi lang ng mismong barangay.
00:36Maging ang motorsiklo at tricycle na yan, nasira rin sa pagsabog.
00:40Sinibukan namin makipag-ugnayan sa isa sa mga may-ari ng bahay pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
00:45Ayon naman sa barangay, hindi pa nila masiguro kung anong klase ng paputok ang sumabog
00:50pero isang lalaki raw ang nakita na tumambay sa tapat ng mga nasirang bahay ilang segundo bago ang insidente.
00:57Nakakulay itim, hindi namin alam kung ano yung nilagay o ano about sa bahay, about sa motor.
01:07Tingin ko, paputok talaga.
01:11Kaya lang, malakas. Malakas talaga.
01:16Sa kabila nito, wala namang napaulat na nasakta noong nasugatan sa nangyari
01:20pero dismayado ang barangay sa pulisya dahil sa matagal umanong pagresponde.
01:24Ang problema ko, tumawag na ako sa Presinto 7. Hanggang ngayon, hindi pa dumarating.
01:29Mag-aalas dos na ng madaling araw nang dumating ang TMRU ng Manila Police District.
01:33Sinusubukan pa namin silang hingan ng pahayag.
01:36Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:41Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
01:47para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended