Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sugata ng isang binatilyo matapos ma-hit and run sa kasagsagan ng Thanksgiving procession ng Simbahan ng Quiapo.
00:06Balita natin ni Jomar Apresto.
00:11Sa body cam video, kita ang pag-responde ng Raja Volunteer sa isang nakahandusay sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila,
00:19pasado alas 12 ng hating gabi kanina, ang 13-anyos na lalaki, biktima raw ng hit and run.
00:25Naganapang aksidente sa kasagsagan ng Thanksgiving procession ng Simbahan ng Quiapo.
00:29Ayon sa rescue volunteer na nagbigay ng paunang lunas sa biktima,
00:33tumawid sa Center Island ng bata papunta sa direksyon sana ng Simbahan para abangan ang pagdating ng andas.
00:39Wala raw kasamang magulang ang bata, sabi ng rescue volunteer.
00:43Kasama niya po yung mga kaibigan niya po.
00:45Pagkatawid po ng bata, yun po, na hit and run na po siya ng taxi.
00:49Devoto po yung bata po.
00:51Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at mga galos sa katawan.
00:54Agad namang nilapatan ang paunang lunas bago siya dinala sa ospital.
00:58Assessment namin, medyo critical po yun kasi head po siya.
01:02And yun po yung pinakadeligadong part ng tao.
01:05Naikipagugnay na raw ang mga otoridad sa magulang ng bata para maipaalam ang nangyari.
01:10Magkakaroon naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlahan ng taxi driver.
01:16Ganyan karami ang mga deboto na dumalo sa prosesyon ng Nazareno.
01:20Pasado alas 11.30 kagabi na magsimulang gumalaw ang andas mas maaga kumpara sa schedule na dapat sana ay alas 12 pa ng hating gabi.
01:28Dahil dito, mas maaga rin natapos ang prosesyon.
01:32Dakong alauna, Jess, ng madaling araw nakabalik sa simbakan ng Quiapo ang replika ng Nazareno.
01:37Yung ruta parehas noong nakarantaon, pero mas mabilis o ito.
01:41Primarily, ang tingin mo namin dito, nagwa-work yung effort ng simbahan na pakiusapan ng mga deboto na mas maging solemn ang pagdiriwang.
01:55Sa ngayon ay wala pang datos ang Quiapo Church pero basis sa Manila Police District, abot sa 8,000 ang bilang ng mga deboto.
02:02Maliban sa insidente ng hit and run, naging payapa raw sa kabuuan ang naging prosesyon.
02:06Dahil na rin po ito sa pagtutulungan ng simbahan at ng kapulisan po natin.
02:10More or less, around 600 po yung ating dineploy na personnel from Manila Police District and of course from NCRPO.
02:18Kasunod nito, patuloy ang paghahanda ng pulisya para sa nalalapit na traslasyon ng Puong Nazareno sa ikasya ng Enero.
02:26Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended