00:00Susuriing mabuti ng Office of the Ombudsman ng mga dokumento o file na pag-aari umanong ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:09Kabilang sa kanilang titignan ang mga kopya na hawak ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:16Si Gabby Liga sa detalye.
00:18Magsasagawa ang Ombudsman ng Digital Forensic Examination sa CPU ng yumaong si dating Department of Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
00:31Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano, makikipagtulungan sila sa Commission on Audit, Department of Public Works and Highways at PNP Anti-Cybercrime Group upang matiyak ang integridad ng buong proseso.
00:43At present, the Central Processing Unit or the CPU is now secured, sealed, and under the custody of the Office of the Ombudsman.
00:55And the office considers this a critical development as it allows the investigation to proceed on the basis of an original digital piece of evidence.
01:06Sinabi rin ni Clavano na dapat matukoy alin sa mga ito ang orihinal na ebidensya at alin ang mga duplicate copies.
01:13Dagdag pa ni Clavano, ang mga soft copy na hawak ng third party, lalo na ang mga nakalagay sa Word o Excel file, ay nawawala ng evidentiary credibility dahil maaaring baguhin o manipulahin ang nilalaman nito.
01:26The best and most reliable source of documents are actually the agencies and individuals who had custody, who had control, and even authorship of the computers, the storage devices, and the files themselves.
01:46Evidence that is derived directly from these sources will naturally carry far greater evidentiary value.
01:53Marami ring anyang lumapit sa Ombudsman upang magbigay ng Cabral files bukod pa sa hawak na kopya ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
02:03Matatandaan na noong December 19 nang isinwalat ng mambabatas na mayroong manong listahan si Cabral ng lahat ng proponents ng insertion sa panukalang budget ng DPWH.
02:13Nilabas rin ni Leviste sa kanyang Facebook post noong December 24 ang budget ng DPWH sa bawat distrito na ibinigay umano sa kanya ni Cabral noong ito ay nabubuhay pa.
02:25Sa isang pahayag, sinabi ni Leviste na ipinakita niya ang files sa Ombudsman noong pang November 26 at noong November 19 at 20 sa ICI.
02:34At nanawagan pa ito na protektahan si Cabral at ang mga files nito noong November 19, 20 at 21.
02:40Sinabi rin ito na hindi na nagkaroon ng follow-up tungkol rito matapos ang kanilang mga pagpupulong at noong December 23 lamang umano na i-handover ng DPWH sa Ombudsman ang mga files.
02:53Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments