00:00Arrestado ang isang babae sa Surigao City dahil sa tangkang pagdukot sa isang sanggol.
00:06Ayon sa plisya, hindi magkakilala ang nanay ng sanggol at ang sospek.
00:12Nag-aluk-umano ang sospek sa nanay ng sanggol na bilhan sila ng damit bilang pamasko matapos magpakilalang isang vlogger.
00:20Nang nagsusukat na ng damit ang nanay, kinuha ng sospek ang sanggol at saka tumakas.
00:25Matapos magsumbong ang nanay sa mga pulis sa mall, agad naglagay ng checkpoint at ni-review ang mga CCTV sa mall
00:32para matukoy kung saan nagpunta ang sospek at ang tinangay nitong sanggol.
00:37Kalaunan, naaresto sa pantalan ang sospek na papunta na sana sa Siargao Island.
00:42Pag-amin ang sospek sa pulisya, nagawa niya ang krimen dahil sa pressure mula sa kanyang kinakasama na gusto ng magkaanak.
00:50Mahaharap sa karampatang reklamo ang sospek.
00:52Sinusubukang punan ng pahayag ang pamilya ng sanggol.
Comments