Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling nangalampag ang mga animal lover at animal welfare group para sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon,
00:06lalo't ang ingay ng pagsasaya ng mga tao may epekto po sa kalusugan ng mga hayop.
00:11Nakatutok si Von Aquino.
00:19Ang maingay na pagsalubong sa bagong taon, stress ang dulot sa mga hayop lalo na sa mga alaga.
00:26Ayon sa isang veterinaryo, mas malakas ang pandinig ng mga hayop tulad ng aso at pusa kaysa tao.
00:32Kaya higit pa sa gulat ang pwedeng idulot sa kanila ng mga pagsabog.
00:37Nagtitremble sila, nanihinig, naglalaway, hingal na hingal po sila, yung iba nagtatago, yung iba naninigas na lang, yung iba sobrang aligaga.
00:48And then dahil na sobrang aligaga nila, gusto na nila pong tumakas.
00:51Iba naman po, pag may underlying na viral condition, mag-mumutate yung virus sa kanilang katawan kapag na-stress sila.
01:00Delikado rin sa mga hayop ang mga kemikal na taglay na mga paputok.
01:04May taglay na heavy metal, may toxic ito, bukod dun sa pulbura.
01:09Humahalo sa hangin yung harmful effects nito.
01:15Kaya muling ipinanawagan ang mga animal lover ang pag-iwas sa pagpaputok sa bagong taon.
01:27Paulit-ulit na panawagan ng mga environment at animal advocates,
01:30huwag sanang isangkalan ang kalikasan, kalusugan ng mga tao maging ng mga hayop,
01:36para lang sa panadali ang kasiyahan sa darating na pagdiriwang ng bagong taon.
01:40Di ba?
01:42Kung mag-iingay na lang, magpukpuk na lang tayo ng kaldero natin, magtorotot.
01:48Sa community namin, nag-anak kami ng awareness na yun na nga,
01:53kung may iwasan natin dito sa area natin na huwag na tayo magpaputok.
01:58Ang ilang pet owners, sinusunod ang payo ng mga eksperto na huwag palabasin ang mga alaga.
02:03Tinatago sila sa loob ng kwarto.
02:05At the same time, nilalagyan na lang namin ang music.
02:08I-open sana namin yung gate namin for mga street dogs.
02:12Pwede silang pumasok ko lang kasi kawawa din naman.
02:15Nung second year na medyo ano pa siya, ikka-second year, bumili lang ako ng earmuffs.
02:21So yun ang medyo nakatulong sa kanyang.
02:25Bukod sa earmuffs, pwede rin suotan ang mga alaga ng coming wrap
02:28para tila niyayakap sila at mabawasan ang kanilang takot.
02:33Mag-start tayo, i-wrap yung chest.
02:36So mag-start tayo dito.
02:39Ika-cross natin sa back.
02:42Tapos we go around the girth.
02:47Hopefully umabot siya.
02:49So ikot lang natin around the girth.
02:58Makailang beses.
03:00Kailangan nito mahigpet.
03:03Mahigpet enough na snug talaga siya, nakadikit talaga sa aso.
03:09Pero hindi naman to the point na hindi na makahinga yung aso natin.
03:11Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended