Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Ilang OFWs, biyaheng ibang bansa ngayong Pasko at Bagong Taon para magtrabaho; DMW at OWWA, pinaigting pa ang mga programang mangangalaga sa kanilang kapakanan at karapatan | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, pinayigting pa ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers' Welfare Administration
00:05ang pagpapalakas sa iba't ibang programang magbibigay proteksyon at mga ngalaga sa mga OFW.
00:11Ang detalye sa report ni Bien Manalo.
00:16Bumabangon ako para sa aking pamilya, sa mga gusto kong tulungan.
00:24Pamilya, ang naging kalakasan ni Evelyn para magpatuloy sa buhay.
00:35Siya ang tumatayong breadwinner. Mahigit dalawang dekada siyang naging overseas Filipino worker.
00:42Walong taon siyang nagtrabaho bilang domestic helper sa Syria, tatlong taon sa Dubai at walong taon naman sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:49At sa darating na December 30, ang nakatagdang flight niya pabalik ng Riyadh.
00:54Malungkot man, dahil hindi sila magkakasama sa pagsalubong ng bagong taon, kailangan niyang magpatuloy alang-alang sa kanyang anaka.
01:02Hindi kayang pinansya tapos gusto namin makaahon din kahit konti.
01:08Kulang pa rin kasi pag dito ang trabaho namin.
01:11Nag-try na ako dito noon pero hindi pa rin.
01:15Kulang pa rin po.
01:16Pero masaya na rin ako at least nakakatulong po.
01:20Habang kaya pa, okay lang po.
01:22Plano na niyang tapusin ang kanyang kontrata sa Riyadh at manatili na lang dito sa Pilipinas,
01:27makapag-ipon at magtayo ng sariling negosyo.
01:31At ngayong kapaskuhan, ang tanging hiling niya.
01:33Wish ko lang po maging healthy ang pamilya, maging okay po.
01:39O lang po, ano, yun lang po. Sana po, tumagal, mas matagal pa po ang, ano, maging malakas pa, habang buhay, kaya pang trabaho.
01:53Hanggat kaya pa po, magkatrabaho pa rin.
01:57Gaya ni Evelyn, pamilya rin ang inspirasyon ni Catherine para bumangon at lumaban sa buhay.
02:04Bukod sa kanyang anaka, sinusuportahan din niya ang kanyang mga magulang at kapatid.
02:08Pero di gaya ni Evelyn, wala pa siyang balak huminto sa pangibang bansa para mabigyan na magandang kinabukasan ng kanyang anaka.
02:16Mag-isa lang ako bububuhay sa kanya, kaya kailangan po pang mag-ipon pa.
02:21Kailangan mag-extend na mag-extend.
02:22Sa pamilya ko po, sana po, lagi po silang nasa maayos na kalagayan.
02:28At saka sa anak ko rin po, ganun din po.
02:33Walong taon siyang nagtrabaho bilang waitress sa isang five-star hotel sa Jeddah, Saudi Arabia.
02:39At mismong sa araw ng bagong taon, ang nakatakda niyang flight pabalik roon.
02:43Gumabangon na po para po sa pamilya ko.
02:46At sa anak ko po, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko.
02:52At para rin po sa buong Pilipinas.
02:57Ilan lang si Evelyn at Catherine sa mga tinagurianga bayani sa modernong panahon
03:03ang ating magigiting na overseas Filipino workers na nakikipagsapalaran sa ibang bansa,
03:08mabigyan lang ng magandang kinabukasan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
03:12Ang Department of Migrant Workers kaagapay, ang Overseas Workers Welfare Administration,
03:18pinaigting pa ang mga programang kakalinga at mga ngalaga sa kapakanan at karapatan ng mga OFW.
03:24Katunayan, nasa sampung bilateral labor agreements ang nilagdaan ng DMW ngayong taon
03:31na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino na nais magtrabaho abroad.
03:37Mayroong mahigit apat na pong migrant workers offices sa ngayon sa iba't ibang panig ng mundo
03:42ang umaalalay sa mga OFW.
03:45Tuloy-tuloy din ang paghatid ng tulong ng ahensya, lalo tigit sa mga distressed OFW,
03:49sa pamamagitan ng action fund na nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos.
03:55Mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon,
03:58umabot na sa 2.18 billion pesos ang naipamahaging tulong ng DMW
04:03sa mahigit 160,000 OFWs,
04:06kasama na dyan ang mga lubhang naapektuhan ng gulo sa gitnang silangan.
04:10Tuloy-tuloy din ang kanilang repatriation program.
04:13Ngayon taon lang, umabot na sa mahigit 4,000 OFWs ang na-repatriate na.
04:18Kabilang sa kanila, ang mga naapektuhan ng giriana sa pagitan ng Syria at Hamasa,
04:23OFW mula sa Sudan at Lebanon.
04:26We continue our efforts based on the directive of the President to help our OFWs,
04:31especially those in Israel who are affected by the continuing missile attacks by Iran upon Israel.
04:37We are working on sheltering those who need homes.
04:43Pag nagdesisyon na sila na gusto na nilang magbumalik ng Pilipinas,
04:49isang tawag lang at we will facilitate the repatriation and their eventual reintegration
04:56through financial assistance at yung programa po ng gobyerno.
05:00Patuloy din pinalalakas ng DMW ang kanilang digital services para sa mga OFW.
05:06Umabot na sa mahigit kalahating milyong digital transactions ang naitala ng ahensya sa rollout ng OFW PAS.
05:13Aabot naman sa mahigit 100,000 beneficaryo ang nahatira ng tulong medikal ng OFW Hospital sa Pampanga
05:20na kasalukuyang nasa level 2 na.
05:22Aabot sa mahigit 50,000 returning OFWs ang natulungan ng reintegration programa
05:28kasama na rito ang mahigit 600 OFW teachers na nakakuha ng trabaho sa mga pampublikong eskwelahan
05:35sa ilalim yan ng sa Pinas Ikawang Bumser Program.
05:39At mahigit 800,000 OFWs naman ang naservisyohana ng OFW lounges sa Dinoy Aquino International Airport
05:47na bahagi ng mandato ng ehensya ang maging tahanan ng mga OFW saan man sa mundo.
05:54BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended