Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mabigat na naman po ang daloy ng trapiko ngayong gabi sa ilambagin ng EDSA Pasay
00:04at sa gitna po yan ang 24 oras na rehabilitasyon sa EDSA.
00:09At sa C-Live, si Jamie Santos.
00:12Jamie!
00:16Pia, Paskong Pasko, pero tuloy-tuloy ang pagkatrabaho sa pagsasayos ng EDSA.
00:22Kaya naman kahit marami ang nakabakasyon, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko kanina.
00:30Gabi na at Pasko pa, pero todo kayod sa pagtatrabaho ang mga taungan ng DPWH
00:37na inabutan namin na nagkukumpuni ng kalsada sa bahagi ng EDSA Pasay Corner, Rojas Boulevard.
00:44Bahagi ang lugar sa isinasagawang EDSA Rehab.
00:47Binabakbak ang bahagi ng kalsada dahil re-blocking na gagawin.
00:50Kaya naman nagiging mabagal ang usad ng mga sasakyan.
00:54Alas 4 ng hapon, bumagal din ang daloy ng trapiko sa bahagi ng southbound ng EDSA sa Guadalupe.
01:00Isinara rin sa bahaging ito ang bus carousel lane
01:03kaya napipilita ng mga bus na makisiksik sa lane ng mga pribadong sasakyan.
01:08Nagsasagawawin ang asphalt overlay sa inner lane ng EDSA.
01:22Halos dalawang lane na lamang ang nadaraanan.
01:25Umabot hanggang buwendiya ang traffic sa southbound lane kanina.
01:29Sa northbound naman, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko
01:32ang mga galing o dumaan sa Ayala flyover.
01:35Pagbaba kasi rito, sasalubong ang mga gumagawa ng asfalto sa naturang bahagi ng kalsada.
01:41Nakadagdag pa sa pagsisikit ng daloy ng trapiko
01:44ang mga nakaparadang track at sasakyan ng mga tauhan na nagsasagawa ng roadworks.
01:49Para sa gabay ng mga motorista, may social media post ang DPWH
01:54sa apektadong lugar na magkakaroon ng concrete re-blocking.
01:57Magkakaroon din ang asphalt overlay sa southbound lane.
02:00Ang DPWH nagbigay na rin ang updated schedule ng 24 oras na repair works
02:07mula December 28 hanggang January 5, 2026.
02:12Apektado ng concrete re-blocking ang ilang lanes
02:15ng EDSA TAP hanggang FB Harrison southbound
02:18at sa gawing Ayala underpass exit.
02:22Sa northbound, apektado ang EDSA Rojas Boulevard hanggang Sergeant Mariano
02:26at sa gawing EDSA Orense.
02:28May asphalt overlay naman sa ilang bahagi ng northbound lane ng Tramo
02:32hanggang E. Rodriguez, E. Rodriguez hanggang Kalayaan,
02:36Rojas Boulevard hanggang FB Harrison,
02:39FB Harrison hanggang Tramo Bus Station
02:41at Ayala underpass hanggang Urdaneta subdivision.
02:45Gayun din sa southbound ng Loring Street hanggang Rojas Boulevard,
02:49Ayala underpass hanggang Tramo Bus Station
02:52at Palm Drive hanggang Ayala underpass.
02:58Pia, pinapayuhan ng DPWH ang ating mga motorista na kung maaari gumamit ng alternatibong ruta
03:06para makaiwas sa posibleng pagbibigat ng daloy ng trapiko
03:09at magingat po sa kanilang biyahe ngayong Kapaskuhan.
03:12Maligayang Pasko, Pia, at sa ating mga kapusong at live mula rito sa EDSA Pasay.
03:18Para sa JMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:23Merry Christmas din sa iyo, Jamie.
03:25Samantala mga kapuso, inuntog, sinakal at hinalay ang isang dalagita sa Laguna
03:31at ang suspect ang kanyang amain na tinutugis ngayon.
03:35Saksi si Chino Gaston.
03:41Tuguan, balisa at halos hindi makausap ng datna ng mga pulis sa Pamila Guna
03:46ang dalagitang ito habang nakaupo sa tabing kalsada alas 9 ng umaga kahapon, December 24.
03:52Ayon sa sumbong sa pulisya, pagkabang na lumabas ang babae
03:56mula sa isang water pumping station malapit sa lugar.
03:58Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa bahay nila sa bayan ng Mabitak
04:03ang minoridad na biktima para bumili ng pangregalo sa kalapit na bayan ng Siniloan nitong Martes.
04:10Pero imbis na dumiretsyo sa Siniloan, dinala siya ng amain sa isang masukal na lugar at doon hinalay.
04:16Inuntog paumanon ng sospek ang ulo ng biktima at sinakal habang hinahalay.
04:22Pagkatapos ng pangahalay, dinala siya ng amain sa water pumping station at doon iniwan.
04:27Nananatili sa paggamutan ng biktima na isang high school student.
04:32Patuloy namang tinutugis ang 33 anyos na amain ng biktima.
04:37Pinuntahan na rin na mga pulis ang bahay ng dating ginakasama ng sospek pero hindi nagpapakita doon.
04:43Para sa GMA Integrated News,
04:45Sino gasto ng inyong saksi?
04:48Bulihing ang inimbisigahang ugat ng pagpatay ng isang security guard sa dalawang kapwa niya gwarda sa Quezon City.
04:55Inihanda ng reklamang murder at robbery laban sa naarestong sospek.
04:59Saksi si Juntena Reson.
05:00Hawak na ng pulis siya at kasama sa embesigasyon ang kuhang ito sa magpasok ng isang lalaki sa service lounge ng isang car dealership sa Quezon City.
05:12Nilapitan niya ang isang natutulog sa sofa at binaril ang malapitan.
05:15Pagkatapos ay binaril din ang isa pang natutulog.
05:21Kalmado siyang umalis pero ilang sandali lang ay bumalik din at tila sinili pa ang mga biktima.
05:27Ang lalaking na maril, kinilala bilang security guard sa car dealership.
05:32Mga kapwa niya rin secure ang mga biktima.
05:35Matapos ang pamamaril, pumara siya ng taksi na kuha na naman sa isang dash cam video.
05:40Sa biyahe, tila balisa ang sospek habang kausap ang taksi driver.
05:56Nahanap ng mga pulis ang taksi at nakausap ang driver.
06:00Kaya nagkaroon sila ng magandang lead sa embesigasyon.
06:02Dalawampong oras matapos ang krimen.
06:04Naaresto sa Tondo, Maynila ang sospek kaninang umaga.
06:10Dahil po sa parang binubuli po siya nung dalawang victims natin.
06:17At before the incident, parang nagkaroon po ng suntukan.
06:23At hindi niya yata kinaya.
06:25Kaya inabangan niyang matulog, magpahinga at doon niya nagawa po ang krimen na ito.
06:32Sabi ng Quezon City Police District, bago lang sa trabaho ang sospek.
06:36Nagtanim daw ito ng galit sa mga biktima na masinyo sa kanya bilang gwardya.
06:41Dahil sa pambubuli at panglalamang sa trabaho na sinasabing naging dahilan kaya siya na maril.
06:47Ang isang biktima, may tama ng bala sa ulo.
06:50Sa lieg naman na punuhan ang isa pa.
06:52Hawak na ng mga otoridad ang service firearm na ginamit ng gwardya sa pamamaril.
06:57Base sa embesigasyon, nag-inuman ang mga biktima at ang sospek bago pamamaril.
07:01Nang makatulog ang mga biktima, nakahanap ng siyempong sospek para umanugumanti.
07:06Pag putok doon sa unang biktim, hindi po naggising agad yung second eh.
07:12Halos magkatabi lang siya.
07:14Kaya kung hindi ka lasing, siguro pag narinig mo yung ganong kalakas na putok,
07:19katabi lang, mga 2 meters away lang, eh magigising ka, makakapag-react.
07:23I-tinanggi naman ang livery ng isa sa mga nasawing gwardya,
07:27ang aligasyong pangbubuli na ibinasi niya sa mga kwento ng kinakasama bago mamatay.
07:32Ang totoo, minasama o manunong sospek ang pagkakatalaga sa partner niya
07:36bilang officer in charge ng mga gwardya.
07:38Super close sila ay bakit sasabing bully na para silang magkakasama lang na wala sa trabaho, share share sa ulam.
07:46Binalak pa naman ang kinakasama ni Miley na mag-under time
07:49para sa seliling lang salo-salo sa bahay kahapon.
07:52Pero sa halip na masayang pagsasama-sama, sapon nila rin sila ngayon magpapasko.
07:57Sana naman makonsensya ka, nandyan na yan, ano pang magagawa namin
08:01pero kailangan mo rin pagdusahan dahil nagdudusa ang pamilya niya ngayon.
08:04Paskong Pasko, 24, inaantay ng pamilya niya yung pala ganun na.
08:08Inihahanda na ang reklamong two counts of murder at robbery laban sa sospek
08:13na sinusubukan pa namin makuha na ng pahayag.
08:16Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon ng inyo, Saksi.
08:20Nanawagan ang Makabayan Block sa Office of the President
08:24na i-vito ang Confidential at Intelligence Funds sa ilalim ng 2026 National Budget.
08:30Sa kanila pong pagsusuri, maygit isang bilyong piso umano
08:33ang inilobo ng pondo sa berisyon ng Senado.
08:36Saksi, si Mav Gonzalez.
08:38Ikinahalarman ng Makabayan Block ang maygit isang bilyong pisong itinaas
08:46ng Confidential at Intelligence Funds sa panukalang 2026 National Budget.
08:51Hindi pa nila nasilip ang buy conversion,
08:53pero sa pinag-aralan nilang bersyon ng Senado,
08:56lumobo ang Confidential Funds mula P4.37 billion sa P5.25 billion,
09:02habang lumaki ang Intelligence Funds mula P6.4 billion sa P6.63 billion.
09:09Ayon kay ACT Teachers Party List Representative Antonio Tino,
09:12dahil walang transparent audit,
09:14ay madaling makurakot ang Confidential at Intelligence Funds.
09:17Nakita na natin kung paanong yung Confidential and Intelligence Funds
09:23ay napakataling abusuhin.
09:26Hindi dapat pinalaki sa halipan,
09:28dapat ka pinanggal na Confidential and Intelligence Funds.
09:32Dapat lahat ng pondo ng gobyerno
09:34dumadaan sa transparent audit process.
09:37Para sa 2026, pinakamalaki ang nakuha ng Office of the President
09:42na aabot sa P4.56 billion na pinagsamang Confi at Intel Funds.
09:47Sa kalahati ng Intelligence Funds ay nasa presidente.
09:52May ibang paraan para mapaprotektahan
09:54yung mga national security and other concerns.
09:59Hindi sa pamamagitan ng paggawang secret
10:03ng paggamit sa pondo.
10:05Naging triple naman ang Confidential Funds ng Bureau of Customs
10:09at DILJ Office of the Secretary
10:11sa bersyon ng Senado mula sa National Expenditure Program.
10:14Dumobla naman ang Confi Funds ng DOJ Office of the Secretary
10:18at National Bureau of Investigation.
10:20Sa unang pagkakataon,
10:22may Confi Funds na rin ng Anti-Red Tape Authority.
10:25Tumaas din ang Intel Funds ng Philippine National Police
10:28at Armed Forces of the Philippines.
10:30Sinisika pa namin hinga ng komento
10:31ang mga nasabing ahensya.
10:33Pino na rin ang makabayan block
10:35na habang lumaki ang Confi at Intel Funds,
10:37tinipid naman umano ang pondo para sa edukasyon,
10:39kalusugan at ibang serbisyong panlipunan
10:43na kailangang-kailangan ng mamamayan.
10:45Panawagan nila,
10:46Hinihingan pa namin ang komento
10:59sa Senate Finance Committee Chairman Sen. Wim Gachalian
11:02kaugnay ng tumaas ng Confi at Intel Funds.
11:04Para sa GMA Integrated News,
11:07ako si Mav Gonzalez,
11:08ang inyong saksi.
11:10Halos 700 matagal ng wanted
11:12ang inaresto ng mga polis kalabasyon
11:14sa magkakahiwalay na operasyon.
11:17Saksi, si John Consulta Exclusive.
11:24Nang makumpirman ng mga polis
11:26na pasakay na ng Roro ang kanilang target
11:28sa Dinahican Port sa Infanta Quezon,
11:31agad silang kumilos para hulihin ito.
11:32Ikaw ay may kanapatang manahinip
11:34sa walang ibok.
11:36Ano man ang iyong sasabi
11:37yung pwedeng pagkailangan sa'yo.
11:39Arestado ng Regional Intelligence Division Calabar Zone
11:41ang lalaking may warat
11:43sa kasong illegal drugs.
11:47Sa Quezon pa rin,
11:49paalis na sana sa papasajeron tricycle
11:50ang isang wanted
11:51para sa kasong statutory rape
11:53ng maharang ng mga operatiba.
11:55Bahagi ito ng panguhuli
11:56ng Calabar Zone Police
11:57sa mga may warat of arrest
11:58na nagtatangkang umuwi sa kanilang kanak
12:00ngayong Kapaskuhan.
12:01Ito yung project past tulong natin
12:04na yung mga kapulisyan natin
12:08is magkagalugad
12:09not only here in Calabar Zone
12:12but in other regions
12:13doon sa mga most wanted natin.
12:15Sa Ilo-Ilo,
12:18kinailangan bang tubawid ng dagat
12:19ang mga operatiba
12:20para mahuli ang wanted deal
12:22sa kasong rape.
12:22Wala rin kawala
12:31ang wanted personality na ito
12:33nang tangka yung magbenta ng baril
12:34sa undercover ng Calabar Zone.
12:36Nagtaka yung mga polis natin
12:38bakit ang mahal.
12:38Ang sinasabi nung
12:39nagbibenta ng baril
12:41is ito ay tested na
12:44ng tatlong beses.
12:46Kaya nga ang pressure niya
12:47is 47,000.
12:48Mula December 1 hanggang kahapon
12:50bispiras ng Pasko
12:51umabot sa 670
12:54ang mga wanted personality
12:56na inaresto ng Calabar Zone Police.
12:58Kahit saan pa nagtago
13:00yung wanted person na yan
13:02is pupuntahan at pupuntahan
13:03ng polis natin.
13:05Para sa GMA Integrated News,
13:07ako si John Consulta
13:09ang inyong saksi.
13:10Mga kapuso,
13:13maging una sa saksi.
13:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News
13:16sa YouTube
13:16para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended