Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iba't ibang tradisyon ang nagbibigay kulay sa Paskong Pinoy.
00:04At bawat pamilya may sarili rin mga nakagawian.
00:07At iba-iba man ng paraan ng pagdiriwang,
00:10ang mahalaga, buhay,
00:12ang pagmamahalan para sa pamilya at sa kapwa.
00:16Ating saksihan!
00:19Tatlong malalaking pailaw ang itinampok sa pagsanubong sa Pasko
00:24sa St. Joseph the Worker Parish sa Malinawa Clan.
00:28Dalawang malaking parol na hugistala at isang parol na tila kumeta
00:32ang nagmula sa altar at itinawid sa loob ng simbahan.
00:38Sinisimbolo raw nito ang tatlong haring mago na dumalo kay Jesus sa Sabsaban.
00:45Tuwing Pasko, iba't ibang tradisyon ang nasasaksiyan ng mga Pilipino.
00:51Nariyan ang tradisyonal na panununuyan
00:53o ang pagsasadula ng pagkahanap ni na Birhing Maria at San Jose
00:57nang matutuluyan sa Bethlehem.
01:00May mga simbahan din na nagsasagawa ng pahalik sa imahen ng Batang Jesus.
01:06Di rin nawawala sa mga simbahan ang klasik bibingka at puto bumbong.
01:12Buhay pa rin ang caroling.
01:14At syempre, pusog sa pagkain at kwento sa mga reunion tuwing Noche Buena.
01:20Habang may kantahan, exchange gift at pinagsasaluhan ang lechon.
01:29Ang iba naman, tradisyon ang mamasyal kasama ang pamilya sa mismo araw ng Pasko.
01:34Dagsang mga tao sa Luneta, maging sa Dolomite Beach sa Manila Bay.
01:40Ilang namasyal sa Dolomite Beach ang dumayo pa mula Bulacan.
01:44At dahil si Jesus ang sentro ng pagtiriwang,
01:48mahalagang tradisyon ang pagsimba sa mismong araw ng Pasko.
01:52Sama-sama ang mga pamilya at magkakaibigan sa Capo Church.
01:57May mga batang na bigyan pa ng aginaldo mula sa mga pulis.
02:02Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended