Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mabigat na naman po ang daloy ng trapiko ngayong gabi sa ilambagin ng EDSA Pasay
00:04at sa gitna po yan ang 24 oras na rehabilitasyon sa EDSA.
00:09At sa C-Live, si Jamie Santos.
00:12Jamie!
00:16Pia, Paskong Pasko, pero tuloy-tuloy ang pagkatrabaho sa pagsasayos ng EDSA.
00:22Kaya naman kahit marami ang nakabakasyon, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko kanina.
00:30Gabi na at Pasko pa, pero todo kayod sa pagtatrabaho ang mga taungan ng DPWH
00:37na inabutan namin na nagkukumpuni ng kalsada sa bahagi ng EDSA Pasay Corner, Rojas Boulevard.
00:44Bahagi ang lugar sa isinasagawang EDSA Rehab.
00:47Binabakbak ang bahagi ng kalsada dahil re-blocking na gagawin.
00:50Kaya naman nagiging mabagal ang usad ng mga sasakyan.
00:54Alas 4 ng hapon, bumagal din ang daloy ng trapiko sa bahagi ng southbound ng EDSA sa Guadalupe.
01:00Isinara rin sa bahaging ito ang bus carousel lane
01:03kaya napipilita ng mga bus na makisiksik sa lane ng mga pribadong sasakyan.
01:08Nagsasagawawin ang asphalt overlay sa inner lane ng EDSA.
01:22Halos dalawang lane na lamang ang nadaraanan.
01:25Umabot hanggang buwendiya ang traffic sa southbound lane kanina.
01:29Sa northbound naman, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko
01:32ang mga galing o dumaan sa Ayala flyover.
01:35Pagbaba kasi rito, sasalubong ang mga gumagawa ng asfalto sa naturang bahagi ng kalsada.
01:41Nakadagdag pa sa pagsisikit ng daloy ng trapiko
01:44ang mga nakaparadang track at sasakyan ng mga tauhan na nagsasagawa ng roadworks.
01:49Para sa gabay ng mga motorista, may social media post ang DPWH
01:54sa apektadong lugar na magkakaroon ng concrete re-blocking.
01:57Magkakaroon din ang asphalt overlay sa southbound lane.
02:00Ang DPWH nagbigay na rin ang updated schedule ng 24 oras na repair works
02:07mula December 28 hanggang January 5, 2026.
02:12Apektado ng concrete re-blocking ang ilang lanes
02:15ng EDSA TAP hanggang FB Harrison southbound
02:18at sa gawing Ayala underpass exit.
02:22Sa northbound, apektado ang EDSA Rojas Boulevard hanggang Sergeant Mariano
02:26at sa gawing EDSA Orense.
02:28May asphalt overlay naman sa ilang bahagi ng northbound lane ng Tramo
02:32hanggang E. Rodriguez, E. Rodriguez hanggang Kalayaan,
02:36Rojas Boulevard hanggang FB Harrison,
02:39FB Harrison hanggang Tramo Bus Station
02:41at Ayala underpass hanggang Urdaneta subdivision.
02:45Gayun din sa southbound ng Loring Street hanggang Rojas Boulevard,
02:49Ayala underpass hanggang Tramo Bus Station
02:52at Palm Drive hanggang Ayala underpass.
02:58Pia, pinapayuhan ng DPWH ang ating mga motorista na kung maaari gumamit ng alternatibong ruta
03:06para makaiwas sa posibleng pagbibigat ng daloy ng trapiko
03:09at magingat po sa kanilang biyahe ngayong Kapaskuhan.
03:12Maligayang Pasko, Pia, at sa ating mga kapuso
03:15at live mula rito sa EDSA Pasay.
03:18Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:22Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:26Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended