Skip to playerSkip to main content
Sa lungsod na puno ng mga Christmas tree naman nagpasko ang marami. Pero hindi lang maginaw na klima ang meron sa Baguio city, meron ding kastilyo na tila dinala ka raw sa United Kingdom?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa lungsod na puno ng mga Christmas tree, nagpasko ang marami.
00:05Pero hindi lang maginaw na klima ang meron sa Baguio City.
00:09Meron din kastilyo na tila dadalhin ka raw sa United Kingdom.
00:13Mula sa Baguio, nakatutok live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:19Sandy?
00:22Mel, madilim na dito sa Baguio City.
00:25Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita dito sa Wright Park
00:29para bisitahin ang Reflection Pool at The Mansion.
00:36Kanya-kanyang ganap at gimmick ang ilang bakasyonista sa Baguio ngayong Pasko.
00:41Mag-aalas 7 pa lang kaninang umaga, dagsana ang mga tao sa Burnham Park.
00:45At dahil trip ng ilan na mag-joyride, mag-relax.
00:49At lumayo muna sa dagsanang maraming tao sa Central Business District,
00:52swak sa kanilang bucket list ang lugar na ito.
00:55Kung paupasyalan din lang ang pag-uusapan,
00:58nandito pa lang sa barangay Irisan, Baguio City,
01:00ay matatagpuan na ang isa sa mga tanyag na pupasyalan
01:04dahil sa kakaiba nitong Windsor Castle themed
01:07na pagkakadesenyo ng Batong Palacio.
01:10In fairness, mas maganda siya in real life rather than sa social media po.
01:14May mga picture perfect na kuweba, estatwa at view deck
01:18kung saan maaari raw matyempohan ang sea of clouds tuwing umaga at hapon.
01:22Inspiration ng father ko is nung pumunta siya sa Windsor Castle year 2022
01:28tapos parang nakita niya na parang kaya rin niya palang gawin yata to
01:35kasi may mga ano siya parang nakita niya na parang yung similar sa riprap ng mga taga cordillera
01:46kaya naisip niya na dun i-adapt itong castle.
01:52Dinadagsari ng ilan pang tourist spots sa Baguio tulad ng Wright Park
01:55kung saan binabalikan ang horse riding.
01:58Gayun din ang the mansion at ang reflection pool
02:01na matatagpuan din sa mismong tapat nito.
02:03Mel, paminsan-minsan ay nakararanas tayo ng pag-ambon dito sa siyudad
02:12pero hindi ito nagiging hadlang sa mga bakasyonista
02:15para mamasyal at maglibot-libot dito sa City of Pines.
02:18Extended din ang operation hours ngayon dito sa The Mansion hanggang alas 8 ng gabi.
02:23Ganon din bukas at sa weekend ng hanggang alas 10 naman ng gabi.
02:28Mel?
02:28Maraming salamat at maligayang Pasko sa inyong lahat dyan sa Baguio.
02:32Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended