00:00Goal mo rin ba sa 2026 na magkaroon na ng sariling tahanan?
00:05Bakit hindi sulitin ang super sale na pag-ibig fund para sa kanilang acquired assets na extended pa?
00:12Kung hanggang kailan yan, alamin natin sa sentro ng balita ni Clay Zalpardia.
00:19Sanda MacMacman ang gastusin ngayong holiday.
00:23Sinisikap ng admin assistant na si Arisa na makatipid para makabili ng sariling bahay.
00:29Nag-iipon po ako sa Alacantia. Pag pupunta ko sa work ko, naglalakad ako, tapos may baon ako, nagdiluto ako sa bahay para po makaipon ako ng gusto ko pong dream house.
00:39Ang good news sa mga nais magkaroon ng sariling bahay, pinalawig pa ng pag-ibig ang acquired assets super sale hanggang December 31.
00:50Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:54Nagawing mas abot kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay para mas maraming Pilipino ang makinabang.
01:01Aabot sa 40% ang diskwento sa mga alok na bahay ng pag-ibig.
01:06Pinababa ang paunang bayad sa 3% mula sa dating 5% para mas magaan ang simula ng pagbili.
01:14Pinayagan na rin ang mga buyer na mag-bid sa hanggang tatlong property habang pinasimple ang mga panuntunan sa pagbili ng mga foreclosed na bahay.
01:24Sa ngayon ay may 44,000 bids, 18,000 na ang nanalo.
01:30Papalo sa 5,000 bahay at lupa ang ipapaskil para sa auksyon bago matapos ang taon.
01:37Maaring mag-apply sa pamamagitan ng online public auksyon ng pag-ibig fund sa pag-ibigfundservices.com gamit ng cellphone o komputer.
01:48Kaleizal Pordelia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!
Be the first to comment