00:00Mahigit sandaang libo na ang bilang ng mga pasayarong lumipad mula sa tatlong terminal na Nino Aquino International Airport kahapon, batay sa datos ng MIAA.
00:10Mas mataas yan kumpara noong 2024.
00:13Kung may umaalis, may mga dumating din sa paliparan gaya ng ilang OFW na nakatanggap pa ng sorpresa.
00:20Live mula sa NEA Terminal 3, may unang balita si EJ Gomez.
00:26EJ!
00:30Igan, good morning. Nagsisimula na nga na dumagsa ang mga kapuso nating bibiyahin ngayong Pasko dito sa NEA Terminal 3.
00:38May uuwi na mga probinsya. Ang iba naman, patungong ibang bansa.
00:46Maluwag ang pila ng mga sasakyan sa driveway ng departure drop-off area ng NEA Terminal 3 mag-aalas 9 kagabi.
00:54Ganyan din sa arrival area ng terminal.
00:56Kaya mabilis ding nakakaalik sa mga sasakyang nagsusundon ng mga pasaherong dumating sa NEA.
01:01Pasado alas 12 ng madaling araw nang magsimulang dumami ang mga sasakyan at nagkaroon ng traffic sa departure drop-off area ng Terminal 3.
01:09Masusing chinitshek ang mga dokumento ng mga pasaherong pumapasok sa paliparan.
01:13Sa datos ng Manila International Airport Authority o MIAA, umabot sa mahigit 170,000 ang bilang ng mga pasaherong lumipad mula sa mga Terminal 1, 2, at 3 ng NEA.
01:25Mas mataas yan ang mahigit 5% kumpara sa kabuang bilang na naitala sa parehong araw noong 2024.
01:31Para iwas traffic at averiya, ang mag-inang sina Maribel at Patricia, bumiyahin na mula tay tay Rizal patungong airport ng madaling araw kahit alas 12 pa nang tanghali ang kanilang flight.
01:44Excited din daw kasi sila na makita muli ang kanilang haligi ng tahanan na isang OFW sa Riyad noon pang 2009.
01:51Inagahan namin kasi baka ma-traffic.
01:54First time na mag-spend ng holidays, Christmas doon sa work niya, sa Riyad.
02:01Napaka-excited po, napaka-excited po talaga.
02:04Considering na this would be my first time flying again and after so many years.
02:09Ginhawa naman para sa maraming pasahero ang mga bagong lagay na self-check encounter.
02:14Wala pa raw kasing sampung minuto ang kailangan sa pag-scan ng kanilang mga passport bago makakuha ng mga boarding pass.
02:22Hindi pa puno ng pasahero ang departure area pero humaba na ang mga pila sa mga check-in counter.
02:27Madamdami naman ang mga tagpo sa arrival area.
02:30Mainit na sinasalubong ng mga kaanak ang mga mahal nila sa buhay na naggaling ng probinsya.
02:36Gaya ni Shelo, nasabik daw sulitin ang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.
02:41Ang galing po kami sa Tacloban, malis kami doon mga 7 ng gabi.
02:46The flight was nice.
02:49Two of my children are studying here in Manila.
02:51So malaking bagay na holiday ngayon, magsasama-sama ang pamilya, lalo na at Pasko with my siblings who are also here in Manila.
03:00I feel very happy because I get to spend Christmas with my family and I get to have a fun time with them.
03:05I just want everyone to be happy with me.
03:07Ang iba namang matsagang naghintay tulad na lang ng pamilya ni Sab.
03:11May pa banner at balloons pa para raw isurprise ang pagdating ng Ate Pichi nila na galing pa ng Amerika.
03:20Surprise lang to para sa kapatid ko galing USA kasi 3 years bago umuwi at first time niya magkikrismas ulit dito at New Year.
03:28So gusto niya ma-experience naman.
03:30Sinalubong nila ng yakap at halik ang kanilang Ate Pichi.
03:36Merry Christmas, Pilipinas!
03:38Igaan yung nakikita nyo ngayon na yan yung tila ng mga sasakyan dito sa driveway ng departure drop-off area ng Terminal 3.
03:54Yan yung eksena no, simula pa kaninang pasado alas 12 ng madaling araw.
03:58May mga nakikita tayong airport security na nagbomonitor naman sa lugar para maibsan kahit pa pano yung traffic dito sa driveway
04:05at maiwasan yung pag-park ng matagal ng ilang sasakyan lalo na kapag nagbababa sila ng kanilang mga pasahero at yung kanilang mga bagahe.
04:14Inaabisuhan din yung mga kapuso natin na nagsisidatingan dito na i-ready agad yung kanilang mga dokumento
04:21para ma-check agad sa may entrance nitong departure area para hindi humaba yung pila dito sa entrance ng departure area ng Terminal 3.
04:31Igaan yan muna ang latest mula rito sa Pasay City.
04:36EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
04:40Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments