Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bagamat hamon ngayon, ang pagbabudget na sa mahal ng bilihin,
00:04hindi pwedeng mawala ang hamon sa Nochibuena ng marami.
00:07Kaya para-paraan lang ang ilang mamimili sa Quiapo, Maynila.
00:10Ito po is scrap one-four, is sliced. Ito po one-four.
00:14Ito po, kung may matitira, matihatiin na lang para marami.
00:20Ang nabili niyang one-fourth scrap ham, nasa 450 pesos.
00:25Habang 470 pesos naman ang one-fourth na sliced ham.
00:28Papatak sa 1,800 pesos ang isang kilo.
00:32Unapong budget para walang magkaroon ng mesa namin.
00:38Para pagdating ng Pasko, happy-happy together kami.
00:42Tumaas ng 20 hanggang 40 pesos per kilo ang presyo ng mga binibentang ham sa Quiapo.
00:48Nagmahal naman ng halos 2,000 piso ang lechon sa Laloma, Quezon City,
00:53kung ikukumpara noong nakaraang taon.
00:55Ang regular size na 10 to 11 kilos na lechon, 16,500 pesos na mula sa dating 14,500 pesos.
01:03Nasa 1,700 pesos naman ang per kilo nito.
01:07Tumaas po kaya lang, pagtawad-pagtawad ng customer,
01:10galingan ito matumal.
01:11Kahit tumabla o malugi ng konti, bigay po eh, para huwag lang matira.
01:17Pati sa Divisoria, hindi maiwasan ng ilan na magreklamo dahil matumal.
01:21Reklamo ng mga tindera na uunahan na sila ng online shopping.
01:25Kaya ang pantapat nila...
01:26Pati, lima, 100!
01:29Medyo abot ka po yung presyo dito sa taas eh, sa may bodega.
01:35Kaya nagpunta po kami.
01:37Mas gusto ko po kasi yung nakikita eh.
01:39Doon sa personal para mas okay po.
01:42Pag sa online kasi mas matagal pa.
01:44Eh dito, bibilihin mo na lang, tapos andyan na agad.
01:47Ayon sa Banko Sentral, hinihikayat nilang gumamit din ang mga ninong at ninang ng e-wallet
01:52dahil mas ligtas at mas madali.
01:55Pero patuloy naman daw ang paggawa ng malulutong na perang papel
01:58na hinahanap-hanap ng mga inaanak kapag Pasko.
02:02Tinanong namin ang mga kapuso online kung ano ang mas gusto nilang matanggap.
02:06Pera ba?
02:07E-money?
02:07Regalo?
02:08O kung sapat na ba ang presents ni naninong at ninang,
02:12miski walang present?
02:13Sagot ng isa, mas gusto niyang personal na iabot ang pera para may mano sa mga inaanak.
02:19Sang-ayon din ang isa dahil baka hindi raw magustuhan ng inaanak ang regalong ibibigay nila.
02:23Siguro ano na lang, mas maganda na yung cash kasi para sila na yung mamili kung anong gusto nilang bilhin.
02:30Para sa akin lang ano, mas mabuti yung cash.
02:33Kasi yung cash kasi yung mama na lang yung pahala nun kung ano ang bibili niya.
02:39Ang iba, team E-money. Para kahit malayo, may pamasko.
02:44Ayaw naman ang ilan ng E-money dahil tila katamaran na raw ito.
02:48Ang iba, mas gusto pa rin ng regalo para di raw masanay ang mga bata sa pera.
02:53Akain na lang po kasi para sa akin, mas maganda yung praktikal.
02:57Katulad ng damit, magagamit po nila kesa sa laroan.
03:01Hindi naman mapili ang ilan.
03:03Ang iba, sumagot ng all of the above.
03:06Okay na rin sa kaunting salo-salo, lalot ang Pasko raw ay para sa pamilya at para sa Panginoon.
03:12Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
03:17Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:20Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended