00:00Hi guys, Humba Recaps here. Ang video ang tatalakayin natin ngayon mula sa isang short film na pinamagatang, Part of the Family.
00:12Disclaimer lang po, ang video na ito ay para lamang sa recap, review at commentary, alinsunod sa Fair Use.
00:19Wala kaming pag-aangkin na mga larawan, eksena o tunog mula sa pelikula.
00:24Sa isang marangyang tahanan, tahimik na namumuhay ang isang mayamang pamilya kasama ang kanilang masipag na kasambahay.
00:32Ngunit sa likod ng katahimikang iyon, unti-unting umuusbong ang isang lihim na pag-ibig, ang anak nilang si Zedrick, palihim na nahuhulog ang loob sa kanilang kasambahay.
00:43Nagsimula ang lahat ng magpaalam ang mag-asawa na aalis sila patungong bakolod ng halos isang linggo.
00:49Iniwan nila ang allowance ng anak at mahigpit na bilin sa kasambahay, bantayan si Zedrick, at bawal magpasok ng barkada sa bahay.
01:00Pag-uwi ni Zedrick galing eskwela, nadatnan niya ang kasambahay na bagong ligo.
01:05Ipinabatid niya na wala ang kanyang mga magulang, at sa biro niya ay tila masusolo nila ang bahay.
01:11Nag-alala ang kasambahay, paano kapag nalaman ang mga magulang niya na may namamagitan sa kanila.
01:17Ngunit siniguro ni Zedrick na siya ang bahala.
01:20Sabay inabot niya ang happy month series na pasalubong, na nagpatunaw ng puso ng kasambahay at nagkaroon ng mainit na encounter sila ay nag-ana-ana.
01:29Dito nagsimula ang mas matibay nilang koneksyon, hindi lang pag-ibig, kundi pagtitiwala at pakiramdam na sila ay tunay na magkasama.
01:38Lumipas ang ilang araw, masaya nilang sinulit ang panahong wala ang mga magulang.
01:43Hanggang sa bumalik ang mag-asawa mula sa bakasyon at may napansin silang kakaiba sa kasambahay, madalas itong magsuka at hindi maayos ang pakiramdam.
01:51Paglaon, nalaman ng kasambahay na siya ay buntis.
01:57Pinag-isipan niya itong mabuti at nagpa siya na umuwi muna sa probinsya.
02:02Nagulat ang mag-asawa sa biglaan niyang pag-alis at agad siyang kinumpranta, may problema ba?
02:07May namamagitan ba sa kanila ng anak nilang si Zedrick?
02:11Sa wakas, umamin ang kasambahay, buntis po ako, at si Zedrick po ang ama.
02:17Tinawag ng mag-asawa ang kanilang anak at kinumpirma naman ni Zedrick ang lahat.
02:22Handa niyang panagutan ang magiging anak nila.
02:25Nagulat man ngunit na natiling bukas ang puso ng magulang ni Zedrick.
02:29Sa halip na paalisan ang kasambahay, sinabi nilang, huwag ka nang umalis.
02:35Responsibilidad ka namin at bahagi ka na ng pamilya.
02:38Sa isang iglap, ang dating kasambahay ay hindi na lamang isang tagapaglingkod,
02:43kundi isang ina nang magiging apo nila at isang taong tunay nilang tinanggap.
02:49Isang kwentong humahamon sa expectations, pumupunit sa agwat ng estado,
02:54at nagpapakita kung paano nabubuo ang pamilya sa pinakahindi inaasahang paraan.
03:01At dito nagtatapos ang ating recap.
03:03Kung nagustuhan mo ang ating video, huwag maiyang mag-like sa iba ba.
03:06Maraming salamat sa panunood!
Comments