24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasa Cebu na po ang kontraktistang si Sara Descaya para sa kasong may kinalaman sa Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
00:08Nakatutok si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
00:15Isa-isang dumating kahapon sa Mactan Cebu International Airport ang mga inaresto para sa mga kasong kaugnay sa mga umanoy Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
00:27Kabilang dyan ang contractor na si Sara Descaya na dumating pasado alasais kagabi.
00:34Bantay sarado silang dinala papuntang Hall of Justice ng Lapu-Lapu City.
00:38Ang RTC Branch 27 ng Lungsod ang naglabas ng arrest warrant kay Descaya at siyam na individual na nahaharap sa kasong graft at malversation of public funds.
00:56They're the first court that issued warrant to arrest against Mrs. Descaya as well as the eight DPW Davao engineers.
01:08So kung may ibang courts niya, mag-atubang silang kaso, video call na lang ilang appearance?
01:11Video is unless extremely needed by the court. But normally, video conferencing.
01:18Dinala ang mga kusado sa Lapu-Lapu City Hospital para sa required medical check-up bago inilipat sa Lapu-Lapu City Jail.
01:28Hindi pinayagan ang media na makapasok sa loob.
01:31Pero sa video at photo na inilabas ng NBI 7, makikita si Descaya na naghahanda na kanyang gamit na dadalhin sa kanyang selda.
01:41Ininspeksyon ng BGMP personnel ang kondisyon ni Descaya at mga kapwa akusado.
01:47Sinuri rin ang dala nilang mga gamit sa kulungan.
01:50Ayon sa NBI 7, nagpunta ang dalawang anak ni Descaya sa korte bago siya ilipat sa piitan.
01:57Pag didiin ng NBI, walang special treatment para sa mga akusado.
02:03Iginiit ang mga abogado ng 7 sa 8 iba pang akusado na hindi ghost project ang concrete revetment project sa barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental, taliwas sa inaakusa sa kanila.
02:17Naging collateral damage lang daw ang mga kliyente.
02:21Apektado rin daw sila sa paglipat ng kaso sa Cebu, lalot apat sa mga kinasuhan ay senior citizens.
02:29We believe since the alleged crime is committed in Malita, Davao Occidental, we think that the proper venue should be in Malita, Davao Occidental.
02:39As the detention, we are exploring the best place to detain them, to emphasize and maximize their safety and security.
02:50Sa paunang impormasyong nakuha ng NBI, sa January 2026, nakatakdang i-arrain, umasahan ng sakdal ang mga akusado.
02:59Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Nico Sereno, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment