Skip to playerSkip to main content
Pera o kahong regalo?! Lumang tanong na raw 'yan sa mga praktikal at tumatanggap ng perang pamasko. Ang bagong tanong - aguinaldong cash o via digital wallet? May sagot ang Bangko Sentral pero magkakaiba sina ninong at ninang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pera o kahog regalo?
00:03Lumang tanong na daw yan sa mga praktikal na tumatanggap ng perang pamasko.
00:09Ang bagong tanong ganito,
00:11aginaglong cash o via digital wallet?
00:15May sagot ang Banko Sentral,
00:17pero magkakaiba si Naninong at Ninang.
00:21Nakatutok si Oscar Oida.
00:26Papasok pa lang daw ang Christmas season si Ninong Lari.
00:30Inihahanda ng mga malulutong para sa mga inaanak
00:33na inaasahan niyang mamamasko sa kanya ngayong Christmas.
00:37Ako, siyempre, pinaghahandaan ko yun.
00:40Mag-effort din sila pupunta sa akin para mabigay ko sa kanila yung aginaldo.
00:47Ayaw daw niyang sapiti ng kanyang mga inaanak
00:49ang naranasan niya sa ilan niyang mga ninong
00:52na tila nakipagtaguan sa kanya noong bata pa siya.
00:57Madami, hindi ko pa nakikita.
01:02At effort daw yan ha,
01:04pagkat sa sobrang busy at tindi ng Christmas traffic,
01:08for the love talaga kung magpapapalit ka pa ng malutong sa bangko.
01:13Ang tanong tuloy ng ilan,
01:16perang papel pa ba o perang digital na lang?
01:20Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas,
01:23mas convenient daw na ipamigay ang aginaldo o pamasko
01:26via e-wallet.
01:28Isang tap, isang send, may pamasko ka na agad.
01:32Nakatutulong din daw ito sa pagtaguyod ng mas digital at inklusibong ekonomiya sa Pilipinas.
01:38Walang bit-bit na sobre,
01:40walang nakakalimutang sukli,
01:42at walang ninong na mag-ne-next year na lang.
01:46Pero ano nga ba ang say ng mga inaanak?
01:49Mas maganda po pag e-wallet kasi pwede mo po siyang gamitin sa mga online store,
01:54ganun, derecho na po agad.
01:56At wala nang kawala si ninong.
01:57Para sa iba, masaya pa rin daw ang in-person
02:01kasi iba pa rin ang feeling ng perang may amoy pasko
02:05at may kasamang yakap.
02:08Kasi nakikita mo po sila at nakakamusta mo po sila.
02:11Mas ramdam po kasi na namamasko ka po sa ninong at ninang mo po.
02:15Pero sa mga mas teki na inaanak,
02:17okay lang daw ang e-wallet
02:19dahil mas madali itong ipunin o ipang budol sa online sale.
02:25Pag may babayaran po, pwede ko po siya madirect pag mababayaran.
02:29Pero karamihan sa mga ninong at ninang na nakausap namin,
02:33kapag wala daw personal na abot, parang may kulang.
02:37Para sa akin, mas maganda yung makikita mo yung tao,
02:41syempre may personal touch.
02:43Kung dadaanin natin lahat sa electronic,
02:46parang nawawala na yung Christmas spirit.
02:49Sa huli, pera man ay papel o digital,
02:54ang mahalaga ay ang diwa ng pagbibigay.
02:58Dahil sa Pasko, ang pinakamahalagang aginaldo
03:01ay ang alaala, ang tawa at ang pagmamahal
03:05na hindi kayang i-transfer via app.
03:09Para sa GMA Integrated News,
03:11Oscar Oida, Nakatutok 24 Horas.
03:19wandkutok 24 Horas
Be the first to comment
Add your comment

Recommended