00:00Bumiida sa kalsada ang mga nagniningning na tricycle na lumahok sa isang Christmas competition sa Takurong Sultan Kudarat.
00:07Sa Pampanga naman, nagliwanag din ang kalsada sa parada ng mga naglalakihang parol.
00:13Narito ang unang balita.
00:18Makulay, maliwanag at puno ng pananampalataya.
00:23Ang prosesyon ng taon ng Lubenas ning Pasku sa magalang Pampanga.
00:26Naglalakihang parol na may iba't ibang disenyo ang ipinarada ng 26 na barangay na lumahok sa parada.
00:33Isinagawa yan bilang hudyat ng pagdaraos ng Christmas novena o simbang gabi para sa mga magalinyo.
00:40Matapos ang opening prosesyon, iikot ang mga parol sa kanika nilang barangay sa loob ng siyam na araw para anyayahan ang mga deboto na dumalo sa simbang gabi.
00:49Shining and shimmering naman ang peg na mga tricycle na yan sa parada sa Takurong Sultan Kudarat.
00:58Para yan sa Christmas Rides Competition na nilahuka ng 30 tricycle.
01:02Ang mga tricycle, dinisenyuhan ng iba't ibang Christmas decorations.
01:06Gaya ng Christmas tree, snowman at sleigh ni Santa.
01:09Ang paandar na yan ay bahagi ng Inugyunay Festival na ginagawa tuwing Pasko sa lungsod.
01:14Ang mga mananalo, kikilalanin sa huling araw ng festival.
01:22Give na give naman ang bandang yan na nangangaruling sa residential area sa Buwak, Marinduque.
01:28Hindi lang ang bahay na pakay nilang nagising sa kanilang performance, kundi pati mga kapitbahay.
01:34Ikinatawa naman ang mga residente ang full band karuling paandar ng grupo.
01:38Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:44Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments