Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong holiday season, maaga nang nagpaalala ang PNP na maging mapanuri kapag bibili ng paputok.
00:06Ayon po sa PNP, wala pang isang kutsarita ang dami ng pulbura na pinapayagan sa isang paputok.
00:12Saksi si June Venerations.
00:17Pagkasindi na tiyak, nagkakaalaman kung gaano kalakas o katindi ang mga paputok.
00:23At pagiging mapaminsala nito, mas pinaniwalaan lang ng ilan pag may nasaktan na.
00:30Pero may paraan kayang malaman yan bago pa bumili kapag sobrang laki at sobrang bigat.
00:35Pasok agad yan kaya nasa kategoryang bawal na paputok o pailaw ng PNP Firearms and Explosives Office o FEO.
00:43Gayunman, ang sukatan kung gaano kadelikado ang isang paputok ay hindi ang makikita sa labas, kundi ang nasa loob.
00:50Ito ang dahilan kung bakit ikakda ng FEO na hindi dapat lalampas sa 130 teaspoon o 0.2 grams ang pulbura ng isang paputok.
01:00Kung mas malaki yung content ng firecracker, definitely yung lakas o impact ng pagsabog niya ay mas malawak rin.
01:13So kung malapit sa katawan mo at sumabog, definitely affected yung katawan mo.
01:20Ito ang sample kung gaano ka-konteng explosive content lang ang pinapayagan.
01:24Mula dito sa Judas Belt, ito po yung ano, para ma-visualize natin, makita natin yung ano, yung gaano karami yung laman nito.
01:36Ito po yung sinasabi na one-third of the teaspoon.
01:42So yung mga ginagawa na ganito ang mga firecrackers, ganito kalaki,
01:46definitely ang laman ng mga ito ay mas marami pa doon sa one-third teaspoon.
01:53May regulasyon din dapat sundin sa paggawa ng mitsa.
01:59Kailangan hindi ito sisindi at hindi sa sabog,
02:02ng mas mababa sa 3 segundo matapos hindihan,
02:05o ng lalampas sa 6 segundo.
02:08Delikado kasi kung lapitan pa ito dahil delayed lang ang pagsabog.
02:12Kung minsan yung mitsa ay may defect or yung, yun nga, yung medyo masyadong maiksi,
02:24doon yung ano, nakaka-cause ng injury or disgrace siya.
02:30Hindi rin puro malaki ang bawal.
02:32Ang maliit na Watusi, matagal ng bawal dahil kumakapit ang lason sa kamay at nakakalason.
02:38Kasama yan sa 31 bawal na paputok ngayong salubong sa bagong taon.
02:43Tulad din ang Lolo Thunder, Lapla at marami pang iba.
02:47Pero di porket wala na sa listahan ay pwede na.
02:51Ang iba, maaaring iniba lang ang pangalan.
02:53Pero sobra rin sa binanggit nating limitasyon ng pulbura.
02:56Sa mga pinapayagang pailaw at paputok, kailangan pa rin maging mapanuri.
03:02Tiyaking, merong label at PS mark sa pamimili.
03:05Para sa GMA Integrated News, June venerasyon ng inyo, Saksi!
Comments

Recommended