00:00May bagong kakampiyang publiko laban sa hindi maayos na servisyo ng gobyerno at mga tauhan nito.
00:10Hi Tala.
00:12Hello po.
00:15Mga kapuso, meet Tala, ang high-tech chatbot ng Anti-Red Tape Authority o ARTA.
00:21Pinapatakbo si Tala ng Artificial Intelligence o AI at makakausap sa 17 wika kabilang ang Bisaya.
00:28Hindi tulad ng iba na maaaring tumaas ang boses, si Tala hinding-hindi ka raw pe-personalin.
00:35Pwede pang isikreto ang inyong pagkakakilanlan.
00:37Ayon sa ARTA, bina-validate ang mga sumbong bago ipadala sa Committee on Anti-Red Tape ng inireklamong ahensya.
00:45Sa ngayon, maaaring makakausap si Tala sa mga kiosk na deployed sa ilang piling ahensya ng gobyerno o sa eGov app.