00:00Patok sa mga bisita ang Christmas Pasyalan at Art Installation sa Tokyo, Japan.
00:05Sa Amerika naman, nagningning na ang ilang kalsada na napuno ng mga Christmas decoration.
00:09Papasada na ang UB Express Overseas.
00:16Nagningning ngayong Kapaskuhan ang ilang kalsada sa Chicago, Illinois sa Amerika.
00:21Bukod sa Christmas lights sa mga puno sa ilang pangunahing kalsada,
00:25may paandar din na mga naglalakihang trumpeta na nakasabit sa pader na mga gusali.
00:30Hindi siyempre mawawala ang giant Christmas tree.
00:34Pwede rin mag-ice skating sa Millennium Park o kaya naman mamili sa Christmas market.
00:42Dinagsa naman ang mga bisita ang pagpapailaw sa mga Christmas decorations sa Tokyo, Japan.
00:47Gamit ang mahigit siyam na rang libong LED lights,
00:50nagliwanag ang maraming puno na papunta sa sikat na Tokyo Tower.
00:53Patok din ang isang art installation na may paandar na bubble machine na kinaaaliwan ng mga bata.
01:02Circus naman ang tema ng Christmas land na binuksan sa New Taipei City sa Taiwan.
01:07Pagpasok, bubungad ang nagliliwanag ng mga dekorasyon at rides tulad ng karusel.
01:13Dinayo rin dyan ang giant Christmas tree na may Christmas elves.
01:17Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:22Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments