00:00Ngayong dumarami ang mga bumabiyahe para sa Kapaskuhan,
00:03pinaiting ang kampanya sa mga kolorum na sasakyan.
00:06At sa tala ng LTFRB, abot sa 70,000 ang mga sasakyan kolorum.
00:11Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:15Dahil sa malalang problema raw sa mga sasakyan kolorum o walang prangkisa,
00:20naglunsad ng Special Task Force at Department of Justice para labanan ito.
00:24Ayon kay Justice Acting Secretary Frederick Vida,
00:27nagtalaga ang DOJ ng mga prosecutor para tumutok sa case build-up laban sa mga kolorum
00:33at tumulong sa information campaign laban dito.
00:36Malaking bahagi raw kasi ng kita ng mga lehitimong pampasaherong sasakyan
00:41ang nawawala dahil sa mga kolorum.
00:43Meron nung injustice nun.
00:46Yung lumalagay sa tama, siya pa yung nadedehado.
00:49Magkakascade po kami ng aming mga bagay na natutunan
00:53at yung iba't iba pong strategiya para po mag-case build-up
00:58at para po lalo nating mausig yung dapat usigin.
01:01Dumating din sa DOJ si na Transportation Secretary Giovanni Lopez
01:06at LTFRB Chairman Vigor Mendoza.
01:09Anila, malaking tulong ito sa kanilang kampanya kontra kolorum.
01:13Teka-tekada na po na wala na hindi natin ginagamit yung sinasabing ngitin ng batas.
01:20Hindi na po kasi effective yung pagmumulta lang.
01:24Kailangan po natin maipakita na itong ginagawa ng ating mga sinasabing mga nagkokolorum
01:33ay talagang bawal sa mata ng batas.
01:37Up to 30% of their income ang tinatamaan ng kolorum operations.
01:44More or less, mga 30% ng mga sasakyan sa daan ay kolorum.
01:49You're looking at somewhere in the vicinity of 90,000 vehicles.
01:54Hirit na isang miyembro ng transport sector,
01:56dapat papanagutin din ang mga protektor ng kolorum.
02:00Papanag naman po yung mga patong, mismo nasa gobyerno,
02:04naglalagay po doon kaya tumadami at umalakas sa loob ng mga nagkokolorum.
02:10Pagtitiyak ng DOJ at DOTR,
02:13Bigyan niyo ako ng workable and actionable intel.
02:16Tatrabahuhin mo ng NBI, tatrabahuhin mo natin dito sa DOJ.
02:20Baka may listahan ka na po ng mga nasa patong,
02:23ibigay niyo na po sa akin, yayariin na po natin.
02:26Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.