Skip to playerSkip to main content
Posibleng ipagpaliban ulit ngayong araw ang pagtalakay sa 2026 National Budget ng Bicameral Conference Committee. Dahil pa rin 'yan sa diskusyon kaugnay sa budget ng DPWH.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Posibleng ipagpaliban ulit ngayong araw ang pagtalakay sa 2026 National Budget ng Bicameral Conference Committee.
00:07Dahil pa rin yan sa diskusyon kaugnay sa budget ng DPWH.
00:12At kaugnay niyan, nakatutok live si Rafi Tima. Rafi!
00:19E may lang sa mga oras na ito hindi pa rin nagsisimula itong Bicameral Conference Committee meeting dito sa PICC.
00:25Alas 4 ng hapon ay nagdatingan na dito sa PICC ang mga senador at ang mga kongresista para nga sa pagpapatuloy ng Bicam meeting para sa 2026 General Appropriations Bill.
00:36Namataan natin dito nag-uusap sa Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian at kanyang counterpart na si House Appropriations Committee Chair Michaela Swan Singh.
00:44Pero lumipas ang mga oras, hindi pa rin binubuksan ng pulong.
00:48Pasado alas 7 ng gabi, lumamba si Senate Finance Committee Vice Chairperson Kiko Pangilina at nagpaliwanag kung bakit hindi pa rin nagsisimula.
00:55Ang Bicam.
00:57Narito ang kanyang pahayag.
00:59Itong sinabi ni Seclins, reason na ire-recompute nila yung kanilang cost of materials.
01:10So we're waiting for that.
01:12Merong mga preliminary numbers pero yung detalye hindi pa napipirmit.
01:19They're also cross-checking.
01:20And we will also have to cross-check.
01:22Pero kaya po ba maanalyze lahat doon nung data kapag kahit nandiyan na?
01:25Yun ang dilemma.
01:26Depending on what we see.
01:28Depending on ano na yung ibibigay sa atin at ano yung ire-report.
01:32So we will have to wait for that data.
01:35Yun ang pagkakaliwanag sa atin.
01:37Dahil nga dito, may posibilidad na hindi ulit matuloy ang Bicam ngayong araw dahil kahit maisumiti ang lahat ng datos.
01:47Kailangan pa itong pag-aralan.
01:49Hindi ngayon makausad ang Bicam dahil ang Senado at Kamara gusto raw parehong matapos na ang issue ng DPWH budget.
01:55Kahapon, ito rin ang dahilan kung bakit pinuspo ng Senado ang pangatlong araw sana ng Bicam.
02:01Target email ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maratify ang budget sa December 22 para ma-i-sumiti na ito sa Pangulo bago matapos ang taon.
02:10Dahil sa pagkakantalang ito ay bukas na rin daw si Senador Pangilinan para sa isang re-enacted budget.
02:15Pero kailangan daw nila itong ayusing mabuti.
02:18Sa ngayon ay narito pa rin naman yung mga staff at yung mga mamabatas.
02:21Kaya mag-aantabay pa rin tayo rito, Emil, kung matutuloy ngayong araw ang Bicam.
02:25Yan ang latest mula dito sa PICC.
02:28Emil?
02:28Maraming salamat, Rafi Tima.
02:31Maraming salamat, Rafi Tima.
Comments

Recommended