00:00Nagkasundo si Public Works Secretary Vince Dizon at Budget Secretary Amena Pangandaman na upuan para repasuhin ang hinihinging budget ng DPWH sa 2026 sa susunod na dalawang linggo.
00:15Kasunod ito ng utos ng Pangulo na pag-review dahil sa mga punang may mga naisingit na proyekto sa hinihinging budget sa ilalim ng National Expenditure Program o NEP.
00:26Ayon sa mga kalihim, iisa-isahin nila ang mga proyektong naroon at itatama ang mga dapat itama.
00:34Dahil DPWH lang umano ang natukoy na may problema, hindi naan nila kailangang ibalik ang buong NEP sa Budget Department gaya ng mungkahin ng ilang kongresista.
00:44Sa pagsusuri, balak ng dalawang kalihim na gamitin ang teknolohiya para mas madaling matukoy ang mga nagdodoble o mga kwestyonabling mga item sa hinihinging budget.
00:57Maglalatag din ng mga internal o pansariling mga sistema ang DPWH para mas mabantayan ang pondo.
01:05Ipapadala natin sa kanila yung bagong listahan, yung mga changes na mangyayari doon.
01:13Sa tingin po namin, mas madali yun na proseso at procedure kesa magbalikan tayong ganyan.
01:22Kasi never pa po siya nangyari.
01:24Diba? Pag never pa nangyari, baka umakit pa kung saan saan yan.
01:28Kung completed na, abah, para sa akin, sa aking simpleng utak, o di tatanggalin natin.
01:35Kung doble ang entry, o di tatanggalin natin yung isa.