00:00Umarangkada na ang pagpalo at paghagis ng mga Pinoy at Pinay softballers sa 2025 Southeast Asian Games.
00:07Panalo ang Philippine Men's National Softball Team o RP Blue Boys kontra sa bansang Malaysia.
00:13Sa loob ng limang innings, pinataob ng Blue Boys ang Malaysian team na nagtapos sa score na 11-1.
00:20Habang panalo rin ang Philippine Women's Softball Team o RP Blue Girls sa kanilang game match kontra Singapore sa score na 2-1 sa Queen City Stadium sa Thailand.
00:30Samantala ngayong araw naman, December 16, muling papalo ang national squad kung saan makakaharap ng Blue Girls ang pambansang Indonesia.
00:37Ang bansang Indonesia ng 12.30pm habang host country na Thailand naman ang makakasagupa ng Blue Boys sa ganap na alas 3 ng hapon.
Comments