Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipagpapatuloy mamaya ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee para sa 2026 National Budget.
00:07Isasalang ulit sa deliberasyon ng budget ng DPWH.
00:10Kasunod yan ang hiling ng ahensya nitong weekend na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas sa panukalang budget nito.
00:18Balita natin ni Bea Pinlak.
00:19Ilang oras na urong bago nagsimula ang ikalawang araw ng Bicameral Conference Committee hearing para talakayin ang panukalang 2026 National Budget.
00:32Ang dapat sana'y 2pm na hiling kahapon, mag-aala 5 na nagsimula.
00:36Nagkaroon ng kokos sa majority block ng Senado kasama si Senate President Tito Soto.
00:41It's because some of our colleagues in the Senate raised some concerns about some of the items that have been tackled and will be tackled
00:52and we felt the need to convene a, I wouldn't say emergency, but a meeting to be able to thresh these matters out.
01:06Maaga naman dumating ang contingent ng House, pero nagkaroon din sila ng hiwalay na pulong.
01:11Lalong na antala ang deliberasyon ng Bicam sa 2026 National Budget kahapon nang magtalo ang mga mambabatas.
01:18Kung pwede bang humarap si DPWH Secretary Vince Dizon, bagay na bihira lamang ginagawa.
01:24This is a bicameral conference committee ng Congress and Senate. Wala naman po nakalagay dito na kasama po executive.
01:32We have the power to invite and we are saying that let us listen. We will not agree, we may agree, but the point is that transparency requires that we hear the executive.
01:43After all, it's the executive that will implement what will pass.
01:48Giit ng ilang senador, ilang beses nang humarap sa Senado si Dizon.
01:52At paulit-ulit na itong natanong kung sapat ba ang budget na inilaan ng Senado para sa DPWH.
01:58Ang DPWH daw kasi mismo ang nagbawas ng bilyon-bilyong piso sa kanilang panukalang pondo.
02:05Pero noong Sabado, humirit sila na may balik ang nakaltas na budget dahil sa construction materials price data o costing sa mga materyales sa mga proyekto.
02:14Ang ibig ba sabihin, i-re-restore yung mga duplicated, completed and overlapping projects.
02:21Doon ako nagtataka at ano ang garantiya natin na sa loob ng dalawang buwan na naman, after two months, he may change his mind again.
02:31Let it be very clear, the Senators did not invent the numbers. These are from the Department of Public Works and Highways.
02:40Kalaunan, nagkasundo ang BICAM na payagan ng pagharap ni Dizon.
02:46Nilinaw ni Dizon na walang proyektong tinanggal sa DPWH na ibabalik.
02:50At walang presyo na ibinaba na basta na lang dadagdagan.
02:53Ang hinihingiling lang po natin is yung pong binawas na 45 billion approximately, ibalik po ulit para po ma-implement po ito ng tama.
03:09Hindi po talaga natin pwedeng ibaba na lang ng basta-basta across the board.
03:14Paliwanag niya, sa pagkatapyas ng DPWH budget sa Senado, dalawa ang pwedeng mangyari.
03:20Magkulang ang pondo sa ilang proyekto o kaya'y sumobra naman ang mabawas sa iba.
03:25Iba-iba pa rin daw ang presyo ng materyales sa iba't ibang lugar.
03:29Kaya kakailanganin daw na isa-isang busisiin ang mga ito.
03:33Hindi pa rin nakaligtas ang DPWH sa panggigisa ng mga mambabatas.
03:37I truly resent the fact that the BICAM is being hostaged by the Secretary of the Department of Public Works and Highways.
03:47Dapat tanggalin na lang ninyo lahat kasi pinapadagdagan mo yung budget tapos yung mga mag-i-implement, wala kang tiwala, ano namang kami?
03:56Matapos malagay sa hot seat ng BICAM si Dizon, mahigit dalawang oras natigil ang deliberasyon.
04:01Nag-usap-usap muna ang mga mambabatas at pagbalik nila, tinapos na ang ikalawang araw ng BICAM.
04:08Hindi pa naa-aprubahan ang budget ng DPWH.
04:11Kailangan pag-usapan pa namin lahat. Kaya sinospend muna namin yung session.
04:16Ang mga gantong bagay hindi mo pwede madaliin. Hindi porkit kailangan, may deadline, tapusin natin.
04:21Isasalang ulit ang budget ng DPWH sa BICAM ngayong araw.
04:25Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:31Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended