00:00Nage-inspeksyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DPWH Secretary Vince Dizon sa isinasagawang dredging activity sa Mangbulo Creek sa Bacolod City.
00:10Yan ang ulat ni Janelle Baclay ng Radio Pilipinas.
00:15Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamalaan na mapaganda ang urban disaster preparedness at pagsusulong ng mas malinis at maayos na kapaligiran,
00:24mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bumisita sa implementasyon ng Oplan Kontrabaha Bacolod City Waterways Clearing and Cleaning Operation sa Mambulok Creek sa Bacolod City kaninang tanghali.
00:36Dito ininspeksyon ng Pangulo kung paano gumagana ang Oplan Kontrabaha Waterways para matiyak na malaki ang magiging pakinabang nito,
00:44hindi sa ilang residente kundi pati na rin ang buong lungsod ng Bacolod.
00:48Sa proyektong ito ng DPWH, DINR, DISOG, PCG, PNP, BFP at suporta ng pribadong sektor, layunin itong maging maayos ang daloy ng tubig tuwing may baha.
01:00Ayon kay Bacolod Congressman Albi Binites, umpisa lamang ito sa mga proyektong magbibigay solusyon tuwing binabaha ang lungsod.
01:07At the end of the day, we will decide kung ano gina ang mga projects ngayon sa master plan.
01:14So this is just the start of our solving the problems and finding ways para hindi na magbahama ko.
01:26Sakop ng operasyon ang dredging, deklogging, paglilinis sa siyam na creek kabilang ang Banago Creek, Mandalagan River, Mambulo Creek, Maupay Creek, Lupit River, Magsungkay River, Tangub Creek, Pahanukoy Creek at Sumag River na aabot sa 169,447 meters.
01:46Bukod sa makakatulong sa agarang paghupa ng baha, malaking tulong din ito sa kabuhayan ng ilang residente dahil nasa 3,000 tupad beneficiaries ang katuwang ng lokal na pamalaan sa paglilinis ng mga creek sa pangunguna ng Department of Labor and Employment o DOLE.
02:02Para sa Bagong Pilipinas, Chinel Baclay, Radio Pilipinas, Radio Publiko.
Be the first to comment