Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Paparusahan na ang mga TNVS rider at driver na nagkakanselan ang booking ng walang sapat na dahilan.
00:07Apob yan sa ilang pasahero pero ang ilang driver may alinlangan.
00:12Live mula sa Maynila, may unang balita si Bea Pinlak.
00:15Bea?
00:19Susan, dragdag stress raw para sa ilang commuter ang magbook sa mga ride hailing app ngayon.
00:24Minsan kasi nagkakansel ang mga rider o yung mga driver.
00:27Kaya ang LTFRB pagmumultahin ang mga magkakansel ng biyahe ng walang sapat na dahilan.
00:37Totoong may forever.
00:40Sabi yan ng commuter na si Jessa na sobrang stress na raw sa haba ng oras ng pagbubuk sa mga ride hailing app.
00:47Naglalaan na nga raw siya ng hanggang isat kalahating oras para magbook pero minsan hindi pa rin pinapalad.
00:54Very stressed talaga.
00:55Marami akong drivers na sinasabihin, kuya please don't cancel late na ako.
00:59Kasi wala na talagang nag-a-accept or if meron man matagal siya.
01:03Ayon sa LTFRB, pagmumultahin na ang mga TNVS driver na magkakansela ng booking.
01:095,000 piso multa sa unang offense, 10,000 piso multa at 30 araw na i-impound ang unit sa ikalawang beses.
01:18At sa ikatlo at susunod na mga paglabag, mahaharap sila sa 15,000 piso multa at cancellation ng Certificate of Public Convenience ng unit.
01:28Kabilang daw sa mapaparusahan yung mga magkakansela ng booking para makaiwas sa mga biyaheng hindi gaano kataasang singil.
01:36Pati na rin kung diskriminasyon ito sa mga senior citizen, PWD at iba pang vulnerable groups.
01:42At ang mga magkakansel habang nasa gitna ng biyahe ng walang valid reason.
01:46Sabi ng LTFRB, abala kasi sa mga commuter ang mga booking cancellation, lalo na kung may emergency.
01:54Ngayon pa lang, nagre-reklamo na ang mga TNVS driver at rider.
01:59Sinasala rin daw nila ang mga natatanggap nilang biyahe sa mga lugar na delikado o kaya traffic.
02:05Ang kaso raw, may ilang app na naka-auto-accept ang booking.
02:09Pag magkakansel kami, tas kami yung magmumulta, siguro para mag-ahalisan yung mga rider nun.
02:17Pag ganun naman, mahirap po yung ganun. Wala na akong kikitain nun. Lalo minsan matumal pa po.
02:22Pag traffic, maraming umiiwas sa bumiyahe, ganun. Kasi talo eh.
02:29Marami nang aayaw niyan. Mas lalo mahirapan na silang sumakayin yan.
02:34Eh, i-reject mo na lang. Huwag mo nang acceptin kung ika-cancel mo lang din.
02:40Sa ibang apps kasi, naka-auto-accept kasi sila. Yun naman ang mahirap sa ibang apps.
02:47Pag ma-traffic talagang kaka-cancel ka talaga eh. Pag ma-traffic eh.
02:50Baos kita talaga yun.
02:51Ayon sa LTFRB, may ilang exemption naman sa pagmumulta tulad ng pag-cancel ng booking dahil sa kalamidad, nasirang sasakyan o dahil sa ugali ng pasahero.
03:07Susan, may pananagutan din daw ang Transport Network Company na hindi mamonitor o mababantayan yung mga driver o rider na pala-cancel ng booking.
03:17Susubukan pa namin makuha ang kanilang pakaya.
03:20Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:22Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended