Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinukumpuni na ang diking nasira sa Bayan ng Baco sa Oriental Mindoro dahil sa mga pag-uulan noon pang Desembre.
00:08Nadagdagan pa ang pinsalan ng diking nang humagupit ang habagat nitong Julio.
00:13Saksi, si Maki Pulido.
00:18Bayan ng Baco sa Oriental Mindoro ang isa sa pinaka-flood prone area ng provinsya.
00:23Kaya umasa ang mga residenteng nakausap namin na tapos na ang problema ng baha nang sinimulang itayo ang diking ito
00:29na may habang 220 meters sa halagang nasa P250 million pesos.
00:35Ayon sa Engineering Department ng Bayan ng Baco, walang koordinasyon ang proyektong ito sa munisipyo
00:40pero batay sa kanilang monitoring, natapos ang diking ito noong April 2024
00:45pero gumuho ang ilang bahagi ng proyekto matapos lang ng nasa 7 buwan.
00:52Gumuho ang halos kalahati ng diking noong nakaraang Desembre kasabay ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha
00:58at noong nakaraang Hulyo, panahong hindi dapat sila binabaha, nalubog uli sila sa malalim at rumaragas ang tubig.
01:05Pinasok na ang bahay ng mag-asawang Juliet at Marcelo at nalubog ang kanilang tanim na dati naman daw hindi nangyayari.
01:12Sabi ko sa amin hindi na ito babahain ang aming ito. Libre na kami sa baha. Mas malaki ang bahang mangyayari sa amin.
01:18Patiwa aming taniman, nalulubog, nalulubog ang mga taniman.
01:21Ang dike na dapat haharang sa tubig, nalubog daw sa dami ng tubig na rumagasa sa ilog.
01:27Ang proposal po dapat dito ay dahil po sabi nga po ng mga taga rito ay matataas po ang baha.
01:33So dapat po mas matataas yung design ng flood control.
01:37Dalawang linggo na mula nang simulang i-repair ng kontraktor ang gumuhong dike, ang relay construction.
01:42Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng kontraktor.
01:45Kung same design siguro po baka po maging ganun po ulit. Baka po bumagsak ulit. Kung ganun pa rin po ang gawin nila.
01:51Mahira po ang pagbaha dahil sobrang laki ng tubig.
01:54Wala ang aming mga halaman, wash out lahat po ang aming mga tanim.
02:00Kaya po ang mga tao, kawawa po.
02:02Sa bayan ng Nauhan na ayon kay Governor Bons Dolor ay hindi maituturing na flood prone area,
02:08higit sa kalahati ng flood control projects sa probinsya ay doon itinayo.
02:13Nasitanan ang gobernador ang mga gumuhong dike sa bayan dahil daw substandard.
02:17Bakit sabi kong substandard? Ang cost, 561,000 per linear meter. Tapos ganyan ang result.
02:22Gawa ang mga ito ng SunWest Inc. na sinusubukan pa namin makuhana ng panig.
02:27Kabilang ang SunWest sa labing limang kontraktor na tinukoy ni Pangulong Marcos
02:31na naka-corner umano sa 20% ng flood control projects sa buong bansa.
02:37Wala namang pagguho sa dalawang proyektong nakakuha ng pinakamalaking budget
02:40na may kabuang halaga na higit 578 million pesos sa dike ang may habang higit 500 meters
02:47ayon sa kapitan ng barangay.
02:49Sa halagang yan, tinatayang nasa 1 million ang budget sa kada metro ng itinayong dike.
02:55Sa halagang ito, ayon sa kapitan ng barangay,
02:58naprotektahan sa baha ang dalawang sityo ng barangay Metolsa at isa pang kalapit na barangay.
03:03Siyempre, magtataka ka rin. Bakit? Gano'ng kalaking pondo to.
03:07Pero nung nakita ko naman po na gano'ng kaganda yung ginawa sa barangay namin.
03:12Sa kabuuan, isang Oriental Mindoro sa nakakuha ng pinakamaraming flood control project
03:17na umaabot sa higit 11 billion pesos.
03:20Higit 3.3 billion pesos nito na corner ng top 15 construction companies na binanggit ni Pangulong Marcos.
03:27Kasama na rito ang mga proyektong may pinakamahal na project cost.
03:31Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
Comments

Recommended