Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakikitaan ang butas ng mga eksperto at mambabatas ang versyon ng Anti-Political Dynasty Bill
00:06na inihain ni House Speaker Faustino D. III at Presidential Sun, Congressman Sandro Marcos.
00:12Isa sa mga probisyon ng panukala, limitahan ang mga magkakamag-anak na tatakbo sa eleksyon.
00:18Saksi, si Tina Panganiban Perez.
00:20Kasunod ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na isa sa apat niyang priority legislation
00:30ang para sa Anti-Political Dynasty, naghain si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos
00:37ng panukalang batas para rito. Kasama niya naghain si House Speaker Faustino D. III.
00:44Dito, pinagbabawalan ang mga magkakamag-anak hanggang 4th degree of consanguinity at affinity
00:51na tumakbo ng sabay sa isang eleksyon. Halimbawa nito ang asawa, kapatid, magulang at anak.
00:59Kung ang miyembro ng pamilya ay incumbent o kaya'y kandidato sa isang national position,
01:04ang kanyang kaanak ay hindi pwedeng mahalal sa isa pang national position.
01:09Halimbawa, bawal na ang magkapatid na parehong senador
01:13o kaya magkapatid na presidente at vice-presidente.
01:18Bawal ting umupo ang magkakamag-anak ng sabay sa posisyon sa parehong probinsya,
01:23syudad, munisipalidad o barangay.
01:26Pero sabi ng isang political scientist,
01:28kung susuriin ang mabuti ang panukala, may mga butas daw ito.
01:32Ang aking nakikita ay may kakulangan ito dahil hindi niya sinasabi kung ilan sa magkakamag-anak
01:42ang pwede at hindi pwedeng tumakbog.
01:45Sa mga ibang version ng batas na minumungkahi,
01:49ay sinasabi ng diretsyo na no two members of the same family within the fourth degree
01:59can run and hold office.
02:02Dito, ang kanilang version ay if a person,
02:07ang kanilang definition.
02:09So, hindi malinaw kung ilan at kung paano.
02:15Malamya at tila nagpapanggap lang daw na contra-political dynasties ang panukala
02:20dahil pinapayagan pa rin ito ang magkakamag-anak
02:24na sabay-sabay tumakbo sa magkakaibang posisyon at lugar.
02:28Tapos, ang isa pa, ang kanilang pagkakalatag ng kanilang listahan ng bawal tumakbo
02:36ay ayon sa teritoryo or hierarchical territory,
02:44national, sa local, whether provincial, municipal, city, or barangay.
02:55Kaya lang, hindi maliwanag paano kung may overlapping constituency.
03:03Halimbawa, hindi ka nga tumakbo sa isang distrito,
03:07o bilang kongresista, tatakbo ko naman dun sa ibang distrito,
03:11sa ibang probinsya, or sa ibang jurisdiction.
03:16So, kailangan linawin ito kung hindi,
03:20iisipin ng mamamayan at mga nagmamasid na ito'y mga loophole.
03:26At ito ay, again, isang malaking pagpapanggap lamang na merong kinutulak na anti-political dynasty.
03:40Mahigit isang dosenang panukala contra-political dynasties ang inihain na rito sa Kamara.
03:46At ang ilang may akda, nakukulangan sa panukalang inihain ni na Speaker D.
03:51at House Majority Leader Marcos.
03:54Sabi ni House Deputy Minority Leader Laila Delima,
03:58pwede nga magresulta sa Fat Dynasty ang panukala ni Nadie at Marcos.
04:03Ibig sabihin, ang isang pamilya,
04:06posibleng may nakaupong miyembro sa lahat ng posisyon mula national hanggang barangay level.
04:12Tinawag ng makabayan block ang panukala na kapos, mapanlinlam at malabnaw
04:17dahil pwede pa rin sabay-sabay na tumakbo at manalo ang mga magkakabag-anak sa iba't ibang posisyon,
04:24gaya ng may senador, may kongresista, may gobernador at may mayor.
04:29Pangamba ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice,
04:34baka lalo pang palakasin ng panukala ang mga political dynasty.
04:38Under their proposal, a family can have five sitting officials, public officials, simultaneously.
04:48So it's not an anti-political dynasty bill.
04:54It's a bill that legitimizes the existence of political dynasties.
05:01And I think it is against the provisions of Article 2, Section 26 of the 1987 Constitution.
05:14Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended