Skip to playerSkip to main content
Walang awang pinagpapalo ang isang aso sa Mountain Province hanggang sa mamatay. Arestado na ang lalaking nagmalupit na posibleng nagalit daw dahil inihian siya ng aso! May report si Sendee Salvacio ng GMA Regional TV.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Walang awang pinagpapalaw ang isang aso sa Mountain Province hanggang sa mamatay.
00:05Arestado na ang lalaking nagmalapit na posibleng naggalit daw dahil inihian siya ng aso.
00:11May report si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:17Sa gilid ng umpukan ng mga tao, biglang hinataw ng lalaking yan ng dos por dos ang American bully na si Axel.
00:26Hindi pa siya nakuntento. Hinabol sa kamuling pinalo ang walang kalaban-laban na aso.
00:34Namatay kalaunan si Axel.
00:37Nag-viral sa social media ang video na kunan sa barangay Saklit sa Danga Mountain Province.
00:42May belief kasi kami na pagkaihiyan ka ng aso, may malas o kamatayan yun sa galit niya siguro.
00:51Nagawa niya yun sa harap ng mga tao.
00:54Sinampahan na ng kaso ang lalaki na driver ng lokal na pamahalaan, ang Animal Kingdom Foundation, maraing kinundina ang brutal na pananakit sa hayo.
01:04Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuhana ng pahayag ang sospek.
01:08Tila nagsusumbong naman ang kambing na ito habang iika-ika sa paglakad at may bakas ng dugo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
01:20May bakas din ng matulis na bagay ang leeg nito.
01:23Paniwala ng may-ari na pagtripa ng kambing.
01:26Sino ba namang matinong taong gagawa niyan? Kahit pa paano po, may buhay yan.
01:31Any form of maltreatment, cruelty, exploitation and abuse is considered animal cruelty.
01:39Other acts of maltreatment, inflection of unnecessary injury or maltreatment is considered a criminal offense under our Animal Welfare Act.
01:49Natagpuan namang nakabigti sa puno ang kalabaw na iyan sa Ibahay Aklan.
01:54Ikinababahala ito ng mga magsasakat residente lalot hindi ito ang unang beses na nangyaring may pinaslang na kalabaw at baka sa kanilang lugar.
02:03Inaalam pa kung sino ang may kagagawa nito at ano ang motibo.
02:07Alinsunod sa Animal Welfare Act, sino mang mapapatunayang nagmamaltrato ng mga hayop ay maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon at pagmumultahin ng hanggang 100,000 piso.
02:19Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended