Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinagap na bilang state witness ang magkapatid na si na Julie at Elaki yung patito ngang kagnoy sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:07Sa resolusyon ng DOJ, binasura naman ang reklamo laban kay Gretchen Barreto at sampung iba pa.
00:13Saksi si Chino Gaston.
00:18Halos limang taon matapos unang maipaulat ang tungkol sa mga nawawalang sabongero, ito na raw ang pinakabalayong narating ng kaso.
00:26Welcome development para sa amin ito, lalo na doon sa mga kapamilya ng mga nawawalang mga sabongero.
00:32Sa matagal na panahon, ito na yung pinakamalayang narating ng kasong ito.
00:37Base sa resolusyong inilabas ng Department of Justice, nakitaan nila ng sapat na basihan
00:42para magsampa ng kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention
00:47laban kina Charlie Atong Ang at 21 iba pa.
00:51Na ipakita raw sa sworn statement ng magkakapatid na patidongan na sina Julie, Elakim at Jose
00:57na sa pagitan ng Abril 2021 hanggang January 2022,
01:03dinukot ang mga sabongero sa Santa Cruz, Laguna, Lipa City, Batangas, Manila Arena at San Pablo City sa Laguna.
01:11Binanggit din sa resolusyon ang ilang eyewitness accounts na pagtatapon umano sa mga katawan ng mga sabongero sa Taal Lake.
01:17Pero hindi kasama bilang ebidensya ang mga buto na nakuha sa lawan ng Taal.
01:23Ayon sa DOJ, magaling umanong magtago ng kanilang krimen ang mga sangkot.
01:29Ang reklamo naman laban sa aktres na si Gretchen Barreto at sampupang miyembro ng tinatawang na Pitmaster Alpha Group,
01:36ibinasura ng DOJ Panel of Prosecutors.
01:39Base sa resolusyon, espekulasyon at wala raw sapat na ebidensya laban sa kanila.
01:45Dumalo lang daw sila sa pulong kung saan napagdesisyonan umanong parusahan ang mga sabongero para sa pagdaraya.
01:52Batay na rin daw sa testimonya ng magkakapatid na patidongan.
01:56Sa pamamagitan ng kanyang abogado, nagpasalamat si Barreto sa mga sumuporta sa kanya.
02:02Kasabay ng muling pag-iit na walang katotohanan ang akusasyon laban sa kanya
02:06at wala siyang kinalaman sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
02:11Hindi rin kakasuhan si na-retired police Lt. Gen. Johnel Estomo
02:15na dating hepe ng National Capital Region Police Office at Police Colonel Jacinto Malinao Jr.
02:23Dismiss na rin ang lahat na reklamo laban kina Julie at Elakim
02:26na natanggap na bilang state witness ng Witness Protection Program.
02:30Ayon sa abogado ni Ang, dismayado pero mahinahon na tinanggap ng negosyante ang resolusyon.
02:37Hindi raw patas ang resolusyon ng DOJ dahil may mga affidavit daw at mga ebidensya mula sa kanila
02:44na tila hindi raw naisama.
02:46Doon sa mga ebidensya namin, halimbawa, may sampung affidavit po na yung mga testigo namin na naka-fired sa CIDG.
02:59Ngunit yun sa sampung affidavit na yun na hindi na nakidulog sa DOJ.
03:07Dito si mismo sa resolusyon, hindi man lang nabanggit yung sampung affidavit na punin ngayon.
03:13Nasa Pilipinas lang daw si Ang at maghahain sila ng motion for consideration.
03:19Hindi naman kasama sa kakasuhan ang mga anak at iba pang kaanak ni Ang na nadawit din.
03:25Ayon sa Malacanang, naging mapanuri at maingat ang proseso ng pagbuo ng kaso alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos.
03:33Kung nais naman lagi ng Pangulo ay dapat kung magsasampan ng kaso, ito yung naaayon sa ebidensya.
03:39Hindi madali.
03:39Natutuwa raw ang pamilya ng mga nawawalang sabongero sa pag-usad ng kaso.
03:45Pero marami sa kanila ang naniniwalang nagsisimula pa lang ang laban.
03:50Ayon sa grupong Justice for Missing Sabongero Network na tumulong sa mga pamilya,
03:55hindi pa tapos ang laban hanggat wala pang hatol at hindi pa napapanagot ang lahat ng sangkot.
04:00Maasa kami na mabigyan ng pag-aasa itong mga kapamilya namin, kapamilya ng mga biktima para sa ganun.
04:08Makita nung taong bayan na may pag-aasa pa tayo.
04:11Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston ng inyong saksi.
04:15Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:20Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended