00:00Sa ibang balita, sa harap ng banta ng fake news at misinformation sa bansa,
00:04mga estudyante at guro ng Special Geographic Area ng BARM sumailalim sa Basic Journalism Training.
00:11Silipin natin kay Christopher Hinayon at PIA Sox Surgeon.
00:16Lubos na napakikinabangan ng mga mag-aaral at guro mula sa iba't ibang paralan sa Pahamudin Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,
00:25ang Basic Journalism Training na hatid ng Islamic Relief Philippines.
00:30Ang aktibidad na dinaluhan ng mahigit 30 kalahok ay sinagawa sa pagkikipagtulungan ng IR Philippines sa Philippine Information Agency 12.
00:38Para kay April Baliwan, estudyante ng Matilak High School, mahalaga ang pagsasanay para matuto sila ng iba't ibang kaalaman sa journalism.
00:46Marami po akong alamans dito sa programang ito na makakatulong po sa akin sa pagsijournalist.
00:52Sana po magpatuloy po yung mga ganitong mga seminar and trainings kasi yung mga kabataan po ngayon ay kailangan nila po yung mga seminars na ganito.
01:03Ayon naman kay Muhammad Hudnangi, guro mula sa Matilak High School, sa pamamagitan ng aktibidad ay mas mapapabuti ang kanilang sistema ng paghahatid ng informasyon sa kanilang institusyon.
01:13Ito pong seminar ito ay makakatulong po sa amin bilang isang guro at isang coach po sa aming mga estudyante sa Campus Journalism.
01:24At ito po ay makakatulong din po sa aming mga students na mapalawag pa ang kanilang kaalaman patungkol sa journalism
01:31at mapalawag pa ang kanilang kaalaman patungkol naman sa usapin ng mga trahedya or crisis na nangyayari dito sa aming municipality.
01:41Naging daan din ang naturang aktibidad upang isulong ang advokasiyan ng ahensya na maghatid ng tama at napapanahong impormasyon sa komunidad.
01:49Mula dito sa Pahamudin, Special Geographic Area ng Bangsa Morotonomous Region,
01:54para sa Integrated State Media, Chris Verhinayan ng Philippine Information Agency, Soxergen.
Be the first to comment