00:00Pwede na mag-apply at makakuha ng trabaho sa gobyerno ang nasipagtapos ng K-12 Basic Education Program.
00:07Ayon sa Malacanang, kasunod ito ng pag-amienda ng Civil Service Commission sa Kwalifikasyon at Standard
00:13na mga nais mag-apply bilang kawani ng gobyerno.
00:17Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500229,
00:21pasok na sa minimum requirement ng gobyerno ang mga nagsipagtapos ng Grade 10 o Junior High School
00:27at Grade 12 o Senior High School sa ilalim ng K-12 program.
00:32Kasama rin ang mga nakakumpleto ng Technical Vocational Course at may TESDA National Certification Level No. 2.
00:40Maaari silang matanggap sa mga first level na pwesto sa mga tanggapan ng pamahalaan
00:45tulad ng clerical, custodial at subprofessional na posisyon.
00:49Layunin ng pagbabagong ito na bigyandaan ang mas maraming kabataan na makapasok sa servisyo publiko
00:58bilang tugon sa reforma ng K-12.
01:02Paalala ng CSC, bukod sa educational requirement,
01:05kailangan pa rin tugunin o tugunan ng mga ka-aplikante
01:09ang iba pang requirements gaya ng mga relevant training, experience at civil service eligibility.