Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00HIV Awareness Month
00:30555% ang itinaas ng HIV infection sa Pilipinas noong 2024 kumpara noong 2010, malayo sa negative 17% sa Asia Pacific at negative 40% sa buong mundo.
00:51667% naman ang itinaas ng namatay na may kaugnayan sa AIDS, habang negative na rin ang mga bilang ng namatay sa Asia Pacific at sa buong mundo.
01:01Iniulat niya ng Department of Health sa pagdinig ng Senate Committee on Health.
01:05This means that we have an ongoing local concentrated epidemic that requires sustained and intensified interventions.
01:12Mahigit 250,000 naman ang people living with HIV sa Pilipinas ngayon.
01:17At kung magpatuloy ang bilis ng infection, maaaring umabot ito sa halos kalahating milyon sa 2030.
01:24Halos tatlo sa bawat lima sa kanila ay galing sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Marami sa kanila ay kabataan.
01:32Half of all confirmed HIV cases were among individuals aged 25 to 34 years old.
01:38While 30% fall within 15 to 24 age group, HIV continues to disproportionately affect younger populations.
01:46Sa Asia Pacific, Pilipinas ang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV epidemic.
01:52From July to September 2025 alone, DOH recorded 5,583 new cases, 30% of them under 18.
02:03May isang pitong taong gulang na bata mula sa South Cotabato ang nag-ositibo sa HIV.
02:10Di umano, hindi inborn.
02:11Panukala ng Philippine National AIDS Council, bigyan din ng akses ang mga edad 15 hanggang 17 sa anti-retroviral treatment o mga gamot para makontrol ang epekto ng HIV pati sa ibang HIV services.
02:25Sa ngayon kasi, kailangan pa ng pahintulot ng mga magulang bago sumailalim sa gamutan ang mga nasa ganyang edad.
02:31Kaya maraming kabataan ang hindi nilang nagpapagamot.
02:35Kaugnay sa problema sa gastos, nasa proseso na ang PhilHealth sa pagsama sa kanilang packages ng HIV screening, diagnostics, treatment at preventive care.
02:45Sa Quezon City naman, nakikipag-ugnayan na ang City Hall sa mga paaralan para turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.
02:53Mataas kasi ang mga bagong kaso ng HIV sa mga edad 14 hanggang 24.
02:58Bagaman sexual contact ang karaniwang paraan ng pagkahawa sa HIV.
03:02Sabi ng DOH, kailangan din tutukan ang mga sanggol na ipinapanganak ng inang may HIV kaya may HIV rin.
03:09Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended