Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Underutilized o hindi raw lubusan na gamit ang budget ng MMDA nitong 2024
00:05para tugunan sana ang mga problema sa baha at traffic sa Metro Manila.
00:10Base po yan sa report ng Commission on Audit.
00:13Tutugunan naman daw ng MMDA ang mga pinuna ng COA.
00:16Narito po ang aking unang balita.
00:21Lumalala lang siguro tuwing Christmas rush,
00:24pero all year round naman talaga ang traffic sa bansa.
00:273.5 billion pesos pa nga ang nalulugi sa ekonomiya ng Pilipinas dahil dyan,
00:32ayon sa Foreign Aid Agency na Japan International Cooperation Agency.
00:37Pinalalala pa ang traffic pag may mga binabahang kalsada.
00:41Sa Metro Manila, isa sa nakatokang mag-ayos sa traffic
00:44at sa baha ang Metro Manila Development Authority o MMDA.
00:48May pondong inilaan para dyan, pero hindi lubusan na gamit noong 2024?
00:52Yan ang lumabas sa audit report ng Commission on Audit sa mga gastusin ng MMDA noong 2024.
00:59Tatunayan, mahigit 1 bilyong pisong pondo ng MMDA noong nakaraang taon ang hindi nagamit.
01:04Bukod sa mababang budget utilization,
01:07sunod-sunod ayon sa COA ang mga naantalang traffic management at flood control projects.
01:12Ayon sa COA report,
01:13Sa kabuo ang Php 11.8 billion na budget ng MMDA,
01:1791.30% ang naobliga o'y pinangakong gagamitin sa mga proyekto,
01:22pero 75.25% lamang ang nailabas o nagastos.
01:26Ang sanhiraw nito ayon sa COA ay ang pagkaantala ng mga proyekto at proseso ng procurement,
01:32kabilang na ang bidding, pagkuhan ng contractors at pagbili ng mga kagamitan.
01:37Ang resulta, naantala rin ang servisyo para sa publiko.
01:40At may banta rin ang pagbalik ng pondo sa National Treasury.
01:44Ibig sabihin ito, oras na maibalik sa National Treasury,
01:47hindi na ito magagamit pa ng MMDA sa kanila mga proyekto.
01:52Sa traffic management projects,
01:54hindi nasunod ang target schedule sa annual procurement plan,
01:57kaya kinailangan mag-request na extension para hindi mag-lapse ang pondo.
02:01Sa flood control projects, labim-pito ang tuloy naman,
02:05pero may zero disbursement rate o hindi pa nagbabayad sa contractor
02:08dahil hindi sila nagsusumitin ng billing o kulang sa dokumento.
02:12May inutang ding pondo para sa Metro Manila Flood Management,
02:16pero 40.40% lang ang nagamit para sa Phase 1 hanggang October 2024.
02:21Kaya nagbayad pa ang gobyerno ng P37.4 million pesos mula 2018 hanggang 2024,
02:27bilang multa sa hindi paggamit sa pautang sa oras.
02:30May 29.57 million pesos na pondo ang hindi pa rin nagagamit.
02:35Sa 68 proyekto, may 40 dipa tapos noong panahon ng audit,
02:39bukod pa sa limang dipa na ipatutupad dahil sa pumaliang bidding.
02:43May 21 billion peso projects din na delayed dahil sa kahinaan sa interagency coordination,
02:49external disruptions at permit issues.
02:52Anim na 700 million peso project naman ang hindi natapos noong 2024.
02:56At may halos 30 million pesos na advance payment ang hindi nabawi mula sa mga kontraktor
03:02ng mga proyektong tinerminate o inabandon na na.
03:05Sabi ng MMDA nang hingan namin ng pahayag,
03:08hindi na sila magbibigay ng komento dahil nasa COA report na rin
03:11ang sagot nila sa mga obserbasyon ng COA.
03:14Sabi nila tutugunan nila ang mga kakulangan at patitibayan ng monitoring,
03:18procurement efficiency at coordination na pinuna ng COA.
03:22Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
03:26Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:32at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended