Skip to playerSkip to main content
Aired (December 7, 2025): Para matupad ang matagal nang pinag-ipunan na dream home, hindi bababa sa Php 1.5 million ang ibinayad ng dating OFW na si “Sheena” sa isang construction company na pagmamay-ari daw ng isang architect.

Kalaunan, panay palusot na raw ang arkitekto, at sige hingi ng karagdagang bayad??

May mga kliyente pang nabiktima umano ng arkitekto, at tumambad ang mga tila natengga nang mga proyekto. #Resibo

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa darating na Pasko, bagong takanan sana ang inaasakan ni Sheena.
00:05Hindi niya tunay na pakalan para sa kanyang pamilya.
00:07Matapos ang dalawang taon na pagtatrabaho sa Australia bilang nutritionist at chef.
00:12Sa wakas, may papagawa na rin daw niya ang luma nilang bahay na matagal niyang pinag-ipunan.
00:18Pinagtrabahoan din naman namin to at saka hindi lang pera ko, syempre pera din ng mga anak ko to.
00:23At least by 2025 ay magpapasko na kami sa bahay namin.
00:30Taong 2023, nang i-refer ng isang kaibigan ang 28 taong gulang na architect na si Christian Agripa kay Sheena.
00:37May-ari daw si Arki ng isang architectural and construction firm sa silang kabite na Corinthian Construction Services.
00:45So nakita ko yung project ni Architect sa kanya.
00:49At tama-tama, tumitingin ako ng gagawa ng bahay namin.
00:53Binisita ni Architect ang bahay ni Sheena na nais na niyang iparenovate at ipaayos.
00:57Nang makita ang property, binigyan daw si Sheena ng inisyal na mga plano at ang kabuoang presyo para sa pagpapaayos sa bahay, 3 million pesos.
01:07Para mapabilis ang trabaho niya, binigyan ko siya ng 1.5 million.
01:12Halos kalahati na yung nabigay ko for my initial down payment sa kanya.
01:17March 2024, sinimula nang ayusin ang grupo ni Architect Christian ang bahay ni Sheena.
01:27Pero si Arki, hindi raw mabilang ang mga kondisyon.
01:31Ang bahay namin, sa lukuya nun, ay walang kuryente.
01:34Naging kasunduan namin ni Architect, kukuha kami ng generator para may supply ng kuryente.
01:42Pinagbibigyan ko pa rin siya kahit walang trabaho, marami siyang nire-reklamo dahil kesyo mainit daw doon.
01:50Hindi daw makakonsentrate yung mga tao dahil generator lang ang gamit.
01:56Sa mga susunod na buwan, nakahalata na raw si Sheena na pabawas ng pabawas ang mga pumapasok na construction workers.
02:04At ang napagkasundoan nilang 7 buwan na renovation period, bumabot na lang 8 buwan!
02:09Ako mismo yung tumatawag sa kanya na para bisitahin mo naman yung site kasi parang wala namang nagtatrabaho tuwing pumapasyal ako.
02:18Pero sa kalip na paliwanag, ang binigay raw ni Arki, malibagong billing statement!
02:23Nagbibill ka sa akin pero wala nagtatrabaho doon sa site.
02:28But despite December 3, binigyan ko pa siya another 600,000 para daw maituloy niya yung project.
02:37Kasi ang inaalala ko ay masisira yung pundasyon ng bahay ko dahil tubig, ulan, init, at saka nilulumot na yung buong bahay.
02:46Sabi ko, lagyan mo naman ng bubong yung bahay ko.
02:50Nang humirit ang arkitekto ng mayigit 200,000 pesos para mapabubungan na raw ang bahay,
02:56dito na raw humingay si Sheena ng second opinion.
02:58Pina-assess ko yung bahay namin, yung ginawa niya, yung project, ay ang lumalabas, 40% pa lang.
03:06Wala pa sa 40% papasok yung completion ng bahay niya.
03:10Parang maubos na yung budget, hindi pa niya inuumpisan.
03:14Dahil, ghosted na raw si Sheena ng taong pinagkatiwalaan niyang gagawa ng kanyang dream house,
03:20kinausap na niya ang project manager ni Architect.
03:22Sabi mo nga sa akin, ano ba talaga nangyari sa inyo?
03:26Personal niyo bang away ito? Dinadamay niyo lang ba ako?
03:30Sabi niya, hindi ma'am, ano to?
03:32Talagang, nung nag-meeting tayo na sinabi mo, binigyan mo siya ng compromise agreement,
03:38e pinagtawanan ka na nun dahil sabi niya, akala mo babalikan pa kita.
03:43Nalaman din niya sa project manager na hindi raw ito,
03:46ang unang proyektong iniwan ni Christian na nakatengga.
03:49Gaskasta po yan, Architect!
03:50Nawala na ako nalakas nung nalaman ko na marami pala siya, hindi lang ako niloko niya.
03:55Hindi ako nakakatulog kasi nakakaya dahil...
03:59Yung bahay na yun, dun lumaki yung mga anak ko eh.
04:04Dun sila, dun na sila lumaki yung pinanganak ko.
04:10At ancestral yun eh.
04:13Malami nang alaala dun.
04:14Tsaka, lahat kami nangangarap na yung bahay na yun, magsasama-sama kami tuwing Pasko.
04:21Maraming salamat sa panunood, mga kapuso.
04:25Para masundan ang mga reklamong nasolusyonan ng resibo,
04:29mag-subscribe lamang sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended