Skip to playerSkip to main content
-2 lalaki, patay sa pamamaril; ugat ng krimen, posibleng dahil umano sa ilegal na droga, ayon sa pulisya

-P50,000 halaga ng undocumented na paputok, kinumpiska sa checkpoint ng pulisya; 2 arestado

-PBBM: Warrant of arrest vs. Sarah Discaya, inaasahang ilalabas ngayong Linggo; 8 DPWH officials sa Davao Occidental, susuko sa NBI

-Mahigit 140,000 rolyo ng tissue na binili ng SSS noong 2024, kinuwestiyon ng COA

-Garrett Bolden, Thea Astley, at Arabelle Dela Cruz, looking forward na sa kanilang laban sa "The Veiled Cup" sa South Korea

-2 menor de edad na na-trap sa malaking bato nang biglang rumagasa ang tubig sa sapa, sinagip

-15 bahay sa Brgy. Duljo Fatima, nasunog; 27 pamilya o 117 residente, apektado

-Mga pasyalan at pagkaing may mainit na sabaw, patok sa Baguio City

-Minimum temperature sa Baguio ngayong araw, umabot sa 15.8 degrees celsius

-ICC-accredited lawyer Atty. Andres: Hindi isasapubliko ng ICC kung may arrest warrant na laban kay Sen. Dela Rosa

-INTERVIEW: ATTY. POLO MARTINEZ, DOJ SPOKESPERSON

-Apela ni FPRRD kaugnay sa jurisdiction ng ICC sa kanyang kaso, ipinababasura ng prosecutor at kampo ng mga biktima

-Sen. Lacson sa imbestigasyon sa flood control issue: "I wonder why Malacañang's enthusiasm is lost all of a sudden"



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinutugis ngayon ang tatlong sospek sa pamamaril sa dalawang lalaki sa Baseco Compound sa Maynila.
00:05Ang ugat ng krimen posibleng dahil umano sa legal o iligal na droga ayon sa pulisya.
00:10Balitang hatid ni Joe Marapresto.
00:15Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa Block 1, Gasangan sa Barangay 649, Baseco Compound sa Maynila kahapon.
00:22Ayon sa pulisya, rumesponde sila sa tawag ng isang concerned citizen at nadatna nila ang isang biktima na duguan at may tama ng bala sa ulo.
00:31Ang isa pa, naisugod sa ospital pero binawian din ang buhay kalaunan.
00:36Base sa salaysay ng mga testigo, tatlo ang salarin sa krimen.
00:40Hindi rin daw bababa sa tatlong putok ng barilang umalingaungaw sa lugar.
00:44Ayon sa barangay, marami silang CCTV sa lugar pero nataon na hindi na nahagip ang nangyaring pamamaril.
00:49Kung CCTV po namin na sa mga major road lang o sa mga daanan na yung mga areas na palaging may kulo.
00:58Lumalabas sa investigasyon ng pulisya na ang dalawang biktima at ang tatlong salarin ay sangkot daw sa kalakalan ng iligal na droga sa lugar.
01:05Kabilang yan sa mga tinitignang anggulo ng mautoridad.
01:09Patuloy ang backchacking ng mautoridad para matuntun ang mga salarin.
01:12Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:16Ito na ang mabibilis na balita.
01:22Bulto-bultong undocumented na paputok ang nasabat sa checkpoint ng pulisya sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
01:28Ayon sa mautoridad, sakay ng isang van na mga nakabalot na paputok na nagkakahalaga ng P50,000.
01:34Base sa investigasyon, itinuring na undocumented firecrackers sa mga paputok dahil lumagpas sa sales invoice ang naipakitang permit ng driver nito.
01:42Inaresto ng pulisya ang driver ng van at kasama nito na maaharap sa kaukulang reklamo.
01:48Wala silang pahayag.
01:52Sugata ng isang lalaking 18 taong gulang matapos sumalpok sa concrete barriers ang minamaneho niyang kotse sa Dagupan, Pangasinan.
02:00Base sa investigasyon, iniwasan ng driver ang biglao nung tumawid na tricycle sa New de Venecia Highway.
02:06Ayon sa pulisya, walang lisensya sa pagmamaneho ang lalaki.
02:10Nagka-UPUP ang sasakyan habang nagtamu naman ng minor injuries ang driver.
02:15Wala siyang pahayag.
02:25Malapit na raw ilabas ang warrant of arrest laban sa kontratistang si Sara Descaya.
02:29Inaasahan na rin natin lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Descaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.
02:41Iisa si Descaya sa sampung kinasuhan ng ombudsman ng graft at malversation of public funds.
02:47Dahil sa umunay flood, the August flood control project sa Davao Occidental na may halagang halos 100 million pesos.
02:53Bukod kay Descaya, isa pang opisyal ng St. Timothy Construction ang kinasuhan, pati ang walong opisyal ng Department of Public Works and Highways ng Davao Occidental.
03:02Ayon kay Pangulong Marcos, sumunod na ang walong DPWH officials tungkol sa kanilang pagsuko sa National Bureau of Investigation.
03:10Wala pang komento ang kampo ni Descaya, kaugnay sa sinabi ng Pangulo.
03:14Kainwestiyon ng Commission on Audit ang liibolibong rodyo ng tisyo na inorder ng social security system noong nakarang taon.
03:24Sa sobrang dami, hindi yun nagkasha sa bodega at naiwan lang sa supplier.
03:30Balitang hatid ni Maki Pulido.
03:35Tila hindi pondo ang ikinatatakot na maubos ng social security system, kundi tisyo paper.
03:41Sagdami ng inorder nito noong 2024.
03:43Sa audit report ng COA o Commission on Audit, mahigit 140,000 rodyo ng tisyo paper ang inorder ng SSS na nagkakahalaga ng halos 13.2 million pesos.
03:56Sobra pa ito sa dalawang buwang supply na kailangan ng SSS.
03:59Sa sobrang dami ng supply, hindi ito nagkasha sa kanilang bodega.
04:03Ayon sa COA, mahigit 116,000 rodyo ng tisyo paper ang nasa bodega pa ng mga supplier.
04:10Na batay lang sa verbal agreement at wala man lang pinirmahan kaugnay sa pag-iimbak.
04:14Sabi ng COA, malinaw itong paglabag sa patakaran sa mga transaksyon at operasyon ng gobyerno.
04:20Puna ng mga state auditor, may panganib na mawala o masira ang daanlibong tisyo paper at indikasyong di napagplanuhan ng maayos ang procurement.
04:30Nakahihinayang, lalo kung masayang.
04:32Lalo't sa 6,548 pesos na monthly average pension ng SSS, ang pinambili ng tisyo paper ay katumbas ng isang buwang pensyon ng nasa 2,000 pensioner.
04:43Kung funeral benefit naman, hanggang mahigit 600 yumaong miyembro ang maaaring matulungan.
04:49Pero kahit sa mismong funeral benefits, pino na.
04:53Halos 300 kasi na mga nag-claim ang kulang ang binigay na funeral benefit.
04:57Lumabas sa COA audit na may underpayment na halos 3 million pesos dahil sa hindi kompletong computation na mga kontribusyon ng mga yumaong SSS member.
05:08Maaring naapektuhan daw nito yung entitlement o binipisyong karapatang matanggap ng mga asawa o kaanak ng mga yumaong SSS member.
05:18Kung merong nagkulang sa funeral benefit, may mga miyembro namang nakatanggap pa rin ang pensyon kahit patay na.
05:23Napuna ng mga auditor na nagbayad ang SSS ng higit 24 million pesos na pensyon para sa mga yumaong mga miyembro.
05:31Ayon sa COA, nahahighlight nito ang kahinaan sa pagbabantay sa kanilang pera para maiwasan ang pagkawala o pagkasayang ng pondo kaya't nalalagay sa panganib ang pension fund ng SSS.
05:42Sa kabila ng mga pulang ito, sabi ng COA, sa ilalim ng prestige award ng SSS, binigyan nila ng 50,000 pesos cash incentive ang mahigit 6,500 na mga opisyal at empleyado na may kabuang halaga na 333 million pesos.
06:00Ipinunto ng mga auditor na batay sa CSC Memorandum Circular, maari lamang magbigay ng pera bilang gantimpala kung may hakbang ang binigyan na nagresulta sa pagkakatipid ng pondo at ang igagawad na pera sa kanila ay hindi dapat lumampas sa 20% ng natipid.
06:16Pinasusumitin ang auditor sa SSS ang kanilang batayan. Kung hindi, ay pinapasauli ang cash incentive.
06:23Gigit ng SSS, meron silang mahigit 16 billion pesos na productivity-related savings.
06:28Ang incentive ay katumbas-umano ng ekstrang pagsisipag ng mga empleyado kahit kulang sa tauhan.
06:34Kaya nakatipid ang SSS ng pambayad sa ekstrang tao.
06:38Hinihingi pa namin ang komento ng SSS sa iba pang mga puna ng Commission on Audit.
06:42Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:50Tuesday latest mga mare at pare.
06:53Hashtag feeling blessed ang ating mga pambato sa global reality singing competition na Veiled Cup.
07:01Yan si na Garrett Bolden, Thea Astley at Arabelle de la Cruz na nasa the land of the morning calm na.
07:08Chika ng Kapuso Singers, grateful sila sa opportunity na i-represent ang Pilipinas sa international competition.
07:17May pressure man, mas nangingibabaw daw ang kanilang excitement at drive to win.
07:22Looking forward na rin silang makilala at matuto sa kanilang mga makakatunggali.
07:27Ipinakilala naman ang four grand finalists ng The Voice Kids Philippines ang pambato ng Project Z, headed by Coach Zach Tabudlo si Sofia Maliarez.
07:41Si Gianni Sarita naman ang napiling benkada ni nag-coaches Miguel at Paolo Benjamin.
07:46Napili ni Coach Julian San Jose para sa dual squad si Marian Ansay.
07:51At si Yana Gupio ang pambato ni Coach Billy Crawford para sa Team Bilib.
07:57Sino kaya ang magwawagi?
07:59Abangan ang finale ng Kid Singing Competition this Sunday, 7pm sa GMA Network.
08:07Ito ang GMA Regional TV News.
08:11May init na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
08:24Dalawang minority-edad ang natrap sa malalaking bato sa gitna na isang sapa sa Zamboanga City.
08:30Sara, nasagit pa sila?
08:33Rafi na rescue naman ang opisyal ng Bargay Bungyao, ang dalawang binatilyo.
08:38Malakas ang ragasa ng tubig sa sapa kung saan natrap ang dalawa.
08:43Habang nakakapit sa lubid na nakatali sa puno,
08:46sinuong na isang barangay ofisyal ang ragasa ng tubig at binuhat isa-isa ang mga binatilyo.
08:51Napag-alaman na pumunta roon ang dalawa kasama ng isa pang lalaking 18 anyos
08:56para maligo ng rumagasa ang tubig.
08:59Unang nakaligtas ang kasama nilang 18 anyos.
09:02Ayon sa opisyal ng barangay, biglang tumaas ang tubig sa sapa kasunod ng pagulan sa taas ng bundok.
09:10Binulabog ng sunog ang mga taga-barangay Dulho Fatima sa Cebu City.
09:15Sa tala ng Cebu Fire Station, umabot sa labing limang bahay ang nasunog
09:19habang 27 pamilya o mahigit sandaang residente ang apektado.
09:23Ayon sa isang residente, nagsimula ang sunog sa bubong ng kanilang bahay
09:27matapos mahulog ang live wire mula sa kanilang kapitbahay.
09:31Inabot na isang oras bago tuloy ang naapula ang apoy.
09:35Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad sa sanhinang apoy
09:38na nag-iwan na mahigit sandaang libong pisong daniyos
09:41na bigyan na rin ng tulong ang mga apektadong pamilya.
09:50Ramdam na ang mas malamig na panahon sa City of Pines, Baguio City.
09:53Kaya bukot sa mga pasyalan, patok din ngayon doon ang ilang pagkaing may mainit na sabaw.
09:58Balita natin ni Darlene Kai.
10:04Maraming turistang in-enjoy ang malamig na panahon dito sa Baguio City.
10:09Dinayo ang Christmas Village na may iba't ibang atraksyon.
10:13Christmas in Japan ang tema kaya may mga anime characters,
10:17Sakura Blossom at Snow.
10:18Actually, sa taga Bulacan kami eh. Sa Bulacan din kasi, ramdam na namin na malamig.
10:24So, mas gusto pa namin ang mas malamig na weather kaya nagpunta kami dito.
10:29Nagsarin ang mga namimili sa night market.
10:31Mga damit panlamig ang puntirya ng ibang namimili.
10:35Sa balita din, mga nasa 12 degree kaya required mga jacket.
10:40Baka lamigin talaga.
10:43Sakto lang yung price, affordable naman.
10:46Nararanasan ngayon ang pinakamalamig na panahon mula ng magumpisa ang Amihan season
10:51na nagdadala ng malamig at tuyong hangin sa maraming lugar sa bansa.
10:55Bumagsak sa 12.6 hanggang 13.6 degrees Celsius ang temperatura rito nitong nagdaang weekend.
11:01Malamig.
11:02Actually, parang nasa US yung klima.
11:04Ano pong ginawa niya parang hindi masyado kanyo, hindi kayo ma-enjoy nilamig,
11:08but at the same time, hindi kayo magkasakit.
11:10Walking. Walking kami sa session road.
11:14Nagdala kami ng sweater namin kasi alam namin malamig dito.
11:20Pila ang mga nagpapapicture dito sa iconic na lion's head sa Cannon Road.
11:24Marami rin namamasyalat ng bibisikleta sa Burnham Park.
11:28Karaniwang kasama sa OOTD nila ang mga jacket, sweater at balabal.
11:32Yan ay kahit sarado pa rin ang Burnham Lake na suma sa ilalim sa rehabilitasyon.
11:36Mabenta ang strawberry taho na bukod sa masarap ay pampainit din sa pakiramdam.
11:43Paghigop naman ang mainit na sabaw ng mami ang panlaban ng ilang dumayo
11:48sa pagbubukas ng enchanting bagu Christmas sa Rose Garden sa Burnham Park.
11:53Sarap nito, Brad. Wow.
11:57Okay ito, man.
11:58Pinipilahan nga ang kainang ito dahil sa kakaibang mami
12:01ng pampalasa ay kiniing o smoked meat.
12:05Isa pang panlaban sa labig ang kanilang Black Forest Cake Coffee
12:08na may dark chocolate, whipped cream at cherry on top.
12:13Sabi ng pag-asa, simula pa lang ito ng malamig na panahon.
12:18Asahan daw na mas bababa pa ang temperatura
12:20at lalo pang lalamig sa mga susunod na araw.
12:23Around between 11.4 to 14.3 po yung lowest temperature na forecasted ng pag-asa.
12:29Ngayong December and then between 7.9 to 11.8,
12:34yan po yung mga possible na mga lowest temperature na pina-forecast po ng pag-asa
12:39mula January up to February 2026.
12:42So medyo mas papalamig pa at mararanasan pa rin natin yung mga tinatawag natin cold surges.
12:49Pero dapat din mag-ingat, sabi ng pag-asa, dahil nakapamiminsala rin ang sobrang lamig na panahon.
12:55Mag-ingat yung ating mga kababayan, lalong-lalo na po dyan sa may mountainous areas ng Luzon,
13:01dyan sa my car, dahil possible din po yung formation ng mga frost.
13:06So posibleng pong makaapekto dun sa kanilang mga tanim sa ating mga high-value crops dyan po sa my car region.
13:12Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:16Ngayong araw, lalo pang lumamig sa City of Pines.
13:20Naitalang ng pag-asa ang 15.8 degrees Celsius na minimum temperature sa Baguio City kanina
13:26kumpara sa 16.8 degrees Celsius kahapon.
13:2919 degrees Celsius sa Kasiguran Aurora.
13:3219.5 degrees Celsius sa Malay-Balay Bukidnon.
13:3520.5 degrees Celsius sa Tanay Rizal.
13:38Habang 24.7 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
13:42Apektado pa rin ang malamig na hanging amihan ang malaking bahagi ng northern at central zone kasama na ang Metro Manila.
13:50Dahil din sa amihan, maalon po ngayon sa silangang baybayin ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
13:55kaya delikadong pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.
13:58Samantala, wala raw impumasyon ng abugado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman
14:06kung may arrest warrant na ang International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa.
14:11Ayon si Kaufman, sasalungat sa prosecutorial logic kung maglalabas ang ICC ng arrest warrant
14:16lalot hindi pa nare-resolva ang isyo ng jurisdiction sa kaso ni Duterte.
14:20Hindi rin daw siya naniniwalang nag-aumang papabaya si Ombudsman Jesus Crispin Rimulla
14:25sa posibilidad na ma-contempt dahil saan niya ay pag-leak ng confidential na arrest warrant.
14:30Pero ang anya, walang parusa sa pagpapakalat ng peking impormasyon.
14:35Sabi naman ni ICC Accredited Lawyer Atty. Gilbert Andres,
14:38hindi isa sa publiko ng ICC kung meron na nga itong warrant of arrest laban kay De la Rosa.
14:44Mas magiging maingat daw kasi ang korte dahil sa magulong pag-aresto noong Marso
14:48kay dating Pangulong Duterte.
14:51Kaugnay ng sinasabing ICC arrest warrant laban kay Sen. Bato de la Rosa at iba pang isyo,
14:56kausapin natin si Department of Justice Spokesperson Atty. Paulo Martinez.
15:00Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
15:04Sir Rafi, good morning. Magandang umaga po sa mga viewers at nakikinig.
15:07Apo, sabi po ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque,
15:10may ICC arrest warrant na laban kay Sen. Bato de la Rosa.
15:14Ano po ba ang latest na hawak na impormasyon ng DOJ
15:16kaugnay sa sinasabing ICC warrant of arrest para sa Senador?
15:20So sa ngayon po, wala pa po kami nakikita o na natatanggap na arrest warrant from the ICC
15:26or any warrant for that matter with respect po ay Sen. Bato.
15:30So until meron po kaming nareceive na warrant, we cannot enforce it
15:34nor can we publish that there is one.
15:38Kung matatanggap po ba ito ng DOJ, ano po ba yung mga susunod na hakbang ng gobyerno?
15:42Opo. So ang warrant po kasi, as any other warrant that may exist,
15:49enforceable po yun ng law enforcement.
15:52But considering na ang ICC warrant is a warrant po yun na nagagaling sa ICC
15:57na hindi naman po local court,
16:00we'll have to see po pag-aaralan po namin kung para natin may implement to
16:04kung sakaling nandiyan na nga po yun.
16:06Ang commitment lang po ng DOJ is that under the law,
16:11meron po tayong tungkulin at responsibilidad sa Interpol bilang state party.
16:17So we will assist Interpol in whatever manner it may ask us to do so,
16:22in whatever manner we could,
16:24as a state party,
16:26by virtue of the principle of community of nations.
16:30Pero ano po yan, maliban po dyan sa graphic,
16:34kailangan po natin tingnan yung RA-9851,
16:36yung batas po on International Humanitarian Law,
16:39na sinasabi na dalawa lang ang modes kung paano ma-return
16:45or paano ma-surrender ang isang individual sa estado natin.
16:51So one of which is surrender, isa po extradition.
16:54So yun ang pindalawang modes dito.
16:57Right now, talagang pag-aaralan po po natin paano may implement.
17:01So, but maliban po doon,
17:03kailangan din po natin tandaan na may pending po kasi
17:05ng mga petisyon sa Supreme Court
17:07kung po pwede po talaga ma-implement ng ganyang warad
17:10kung sakaling nandiyan na.
17:12So marami po ang factors into play.
17:14Yun ang nga po.
17:15Paano po yung mga kaso na kahain nga?
17:17Sa korte, mapipigilan ba nito
17:19sakaling dumating na yung ICC warrant of arrest?
17:22So ngayon po, sir,
17:24yung mga petisyon sa nakasampan na,
17:26na ihahain na sa Supreme Court,
17:28ano po yan eh, nandiyan na po yan.
17:29So hindi na po yan pwede galawin.
17:31Ang prudent po na gawain ng kagawaran
17:34is to hold in abeyance
17:36whatever, ano no,
17:39whatever warrant may be issued by the ICC.
17:44Meaning,
17:44isuspending muna ang pag-inforce ng warad
17:46kung sakaling nandiyan na,
17:48habang,
17:49habang wala pa pong desisyon yung
17:51Korte Suprema on the matter.
17:53But again,
17:54maraming po kasing factors into play eh.
17:56So nandiyan po yung issue
17:57naresolban na ba ng Korte Suprema?
18:00Nandiyan na yung issue
18:01ng commitment natin sa Interpol.
18:03So hanggat,
18:04hindi pa po natin talaga
18:05natatanggap yung warat
18:06at kung ano nakasulat doon,
18:07ano yung mga charges,
18:09hindi po po talaga tayo
18:10makakapagbigay ng definitive na sagot.
18:12Possibly po ba
18:12makipag-ugnayan muna
18:13ang ICC sa inyo
18:14bago nila ilabas
18:15yung warrant of arrest?
18:17Oppo sir,
18:17of course.
18:18So makipag-ugnayan po
18:19ICC,
18:20maliban po doon
18:21ang Interpol din,
18:22syempre.
18:24So yan po yun,
18:24dalawa po yan.
18:26At tandaan na po natin
18:28na kasi under the rules,
18:30either the Rome Statute
18:31or local law,
18:32wala po kasing
18:33nakadesignate na agency
18:34or department
18:36kung saan po
18:37itatransmit ng ICC
18:38or Interpol
18:39ang warrant of arrest.
18:41So po pwede po
18:41sa amin ibigay yun,
18:42po pwede po sa DFA
18:44for example,
18:44po pwede sa DILG.
18:45So hindi po po tayo
18:47nakakasigurado sa ngayon.
18:48In any case,
18:49pag may lumabas pang
18:50warrant of arrest,
18:51hindi po itong magiging sekreto
18:52kapag nailabas na
18:53at ibinigay na po sa inyo.
18:55Of course, sir.
18:56Opo.
18:57Wala po sekreto dito.
18:59Pag nandiyan na po
18:59yung warrant of arrest,
19:00it is our duty.
19:01Assuming po na sa amin
19:02po tira-insmit,
19:04tungkulin po namin
19:05na isabihin
19:06na may warrant of arrest na
19:07at na kailangan po
19:09implement ito
19:10and enforce
19:10ayon po sa batas
19:12and ayon po
19:13sa international law.
19:14May impormasyon po ba
19:16ang DOJ
19:16sa kinararuanan
19:17ng Sen. Bato de la Rosa?
19:19Nasa Pilipinas pa ba siya
19:20sa mga sandaling ito
19:21at minomonitor po ba siya
19:22ng DOJ?
19:25Sa ngayon po,
19:25wala pong impormasyon
19:26sapagkat hindi naman po
19:28kasi pugante,
19:30hindi naman po
19:30akusado sa ngayon
19:31si Sen. Bato.
19:32So, wala naman po
19:34kaming mandato
19:35na i-arrest siya
19:37o hanapin siya
19:38sa ngayon
19:39dahil nasa
19:40current situation na ito.
19:41So, hanggang
19:42hanggat nakikita po namin
19:44yung warrant of arrest
19:44ng ICC,
19:45hanggat nakipag-ugnayan na po
19:47sa amin
19:47ng Interpol
19:48o ICC,
19:49wala pa po kaming
19:50ginagawa.
19:51Wala pa po
19:51enforcement na tinutupan.
19:53Opo.
19:54Paano po tinitina
19:55ng DOJ
19:55yung pioneer
19:56ni Harry Roque
19:56kay Sen. De La Rosa
19:57na huwag
19:58magpakidnap?
19:59Well, wala naman po
20:02kasing kidnap
20:03na magaganap, no?
20:04Tandaan po natin
20:04gaya po na sinabi ko kanina
20:06under Republic Act
20:079851,
20:09dalawa lang po
20:09ang modes
20:10o
20:10methods
20:13by which na
20:14a person can be
20:15brought
20:16to a different state
20:17other than
20:18his own state.
20:19So, yan po
20:19yung extradition
20:20or surrender.
20:22Alam po natin
20:22na wala pong
20:23extradition treaty
20:24sa ICC
20:25sapagkat hindi naman po
20:26estado
20:27ang ICC.
20:28Isa po siyang
20:29tribunal.
20:29International Entity.
20:31So, ang natitira po
20:32mode is surrender
20:33kung sakali.
20:34Yan po yung
20:35ayon sa batas, no?
20:36So, yun lang po yun.
20:38Okay.
20:39Clear po ang batas
20:40natin dyan.
20:40Speaking of
20:41Attorney Harry Roque,
20:42may update na po ba
20:43sa Interpol Red Notice
20:44na hiniling
20:45ng pamalan
20:45laban sa kanya?
20:48Yes, sir.
20:48So, as of now, sir,
20:49we have not received
20:50any communication
20:50with respect to
20:52the ICC's
20:54decision
20:55and resolution
20:56on any
20:57request
20:59for Red Notice.
21:01So,
21:01with respect to that,
21:03wala pa pong development.
21:05Mahingi na rin po namin
21:06yung inyong
21:06reaction,
21:0716 days
21:09na lang,
21:09Pasko na.
21:09Ano po yung paghahanda
21:10o latest development
21:11sa sinasabing
21:12pagpapakulong
21:13sa mga big fish
21:14kaugnay sa
21:15questionabling
21:15flood control projects
21:16bago po
21:17magpasko.
21:18Opo.
21:19So,
21:20ang alam po natin
21:20is may limang
21:21kaso po
21:22na nahihain
21:23sa kagawara
21:24ng katarungan
21:25on the
21:26flood control
21:27mess,
21:28anomalies.
21:29So,
21:30pending preliminary
21:31investigation po yan,
21:33pero at this point,
21:34submitted na po siya
21:35for resolution.
21:36Ibig sabihin,
21:37lahat po ng
21:37ebedensya
21:38ng both
21:39complainant
21:40and respondents
21:41ay naisumite na.
21:42So,
21:42ang trabaho na lang po
21:43ay isuriin ito
21:45at alamin kung
21:46merong bang
21:46prima facie evidence
21:48at sapat na ba
21:49yung ebedensya
21:50para maihain
21:51yung kaso
21:52in court.
21:53Baliban po
21:54sa limang kaso na yun
21:55na narefer ng
21:56ombudsman sa DOJ,
21:58nasabi rin po
21:59namin dati
22:00na yung mga
22:01cases on tax evasion
22:03din po
22:04na isinampan
22:04ng BAR
22:05sa DOJ.
22:06Opo.
22:07So,
22:07yan ay ongoing
22:08preliminary investigation.
22:10Pero,
22:11ongoing pa po
22:13yung P.I.
22:14So,
22:14hindi pa po siya
22:15submitted for resolution.
22:16Okay.
22:17I mean,
22:18we could expect
22:18developments
22:19with respect to
22:20these cases
22:21in the near future.
22:23Within the month po,
22:24makakasigurado po
22:25ang taong bayan
22:25na may
22:26development po dito.
22:28E kamusta po ba
22:29yung pakikipag-ugnayan
22:30ng mag-asawang
22:32diskaya
22:33sa DOJ?
22:35Sa ngayon po,
22:36Sir Rafi,
22:37walang aktibong
22:39pakikipag-ugnayan.
22:41Sa diskaya.
22:43So,
22:44hanggat sila po
22:45ay lumapit
22:46at sabihin nila
22:46na handa na sila
22:47mag-tell all,
22:49ngayon,
22:49ayan po,
22:50we will maintain
22:51status quo
22:52and we will
22:53stick by our rules
22:54and that
22:54we will have to
22:55impose conditions
22:56before a person
22:57could be granted
22:58immunity
22:59or privileges
23:01under the law.
23:01Pero bukas pa rin po
23:02ang DOJ
23:03sa posibilidad na ito
23:04na mag-tell all sila
23:05at lumapit sila
23:05sa inyo?
23:06Opo,
23:07syempre,
23:07ang goal po namin dito,
23:09ang hangarin namin
23:10ay to ferret out
23:11the truth,
23:12hanapin po ang katotohanan.
23:13So,
23:14kung may ibibigay po
23:14ang mga diskaya
23:16o kahit sino pong
23:17aplikante
23:17for state witness
23:18ng informasyon
23:19na makakatulong talaga
23:20sa investigasyon namin
23:21sa pag-uusig
23:22namin ng mga kaso
23:23ay bukas pa rin po
23:24ang kagawaran.
23:25Okay,
23:26marami po tayong
23:26abangan mula sa DOJ.
23:27Maraming salamat po
23:28sa oras na ibinahagi nyo
23:29sa Balitang Hali.
23:31Thank you,
23:31rin po.
23:31Maraming salamat.
23:32Yan po si DOJ
23:33spokesperson
23:34attorney
23:34Paulo Martinez.
23:36The International
23:37Criminal Court
23:38is now in session.
23:40Rodrigo
23:41Roa
23:42Lutero.
23:50Ipinababasuran
23:51ng prosecution
23:52at kampo
23:52ng mga biktima
23:53sa International
23:53Criminal Court
23:54Appeals Chamber
23:55ang apelan
23:56ni dating Pangulong
23:57Rodrigo Duterte
23:57tungkol sa
23:58jurisdiction ng
23:59korte sa kanyang kaso.
24:00Guit ng
24:01ICC Office of the
24:02Prosecutor
24:03at Office of Public
24:04Counsel for Victims
24:05bigong mapatunayan
24:06ng Duterte
24:07defense team
24:07na may mali
24:08sa naunang
24:09desisyon
24:09ng ICC
24:09Pre-Trial
24:10Chamber 1.
24:11Hindi lang
24:12anila sumasang-ayon
24:13ng defense team
24:13sa naging pasya
24:14ng Pre-Trial
24:15Chamber
24:15sa kaso
24:16ni Duterte
24:16na crimes
24:17against humanity.
24:19Batay sa pasya
24:20ng Pre-Trial
24:20Chamber 1
24:21noong Oktubre.
24:22May jurisdiction
24:22ng ICC
24:23sa mga krimeng
24:24nangyari
24:24noong State Party
24:25pa ang Pilipinas
24:26sa Rome Statute
24:27mula November 2011
24:28hanggang March 2019.
24:37Nagtataka
24:37si Sen. Pink
24:38Laxon
24:38kung bakit
24:39tilan na walan
24:39anya ng gana
24:40ang Malacanang
24:41sa investigasyon
24:42sa flood control
24:42projects.
24:44Sabi ni Laxon,
24:45nakakuha
24:45naman ng
24:46mahalagang
24:46impromasyon
24:47ng Independent
24:47Commission
24:48for Infrastructure
24:49para makapaghahain
24:50ng kaso
24:51ang Ombudsman
24:52at Department
24:52of Justice
24:53laban
24:53sa mga
24:53nangorakot
24:54o mano
24:54sa kabanang
24:55bayan.
24:57Gumawa rin
24:57naman anya
24:58ng mga
24:58hakbang
24:58ang Kongreso
24:59para panaguti
24:59ng mga sangkot
25:00sa questionabling
25:01flood control
25:02projects
25:03tulad na lang
25:04ng mga
25:04pagdinig
25:04ng Senate
25:05Blue Ribbon
25:05Committee
25:06at paghahain
25:07ng mga
25:07panukalang
25:08batas
25:08para bigyan
25:09ng dagdag
25:09kapangyarihan
25:10ang ICI.
25:12Sinabi ni Laxon
25:13matapos sabihin
25:14ni Palace Press
25:14Officer
25:15Claire Castro
25:15na baka
25:16maulit lang
25:17ang trabaho
25:18ng Ombudsman
25:18at DOJ
25:19kung itatatag
25:20ang Independent
25:21People's Commission
25:22na isinusulong
25:23sa Senado.
25:24Tineak naman ni Castro
25:25na hindi
25:26nawawala
25:26ang kagustuhan
25:27ng Pangulo
25:27na mapanagot
25:29ang mga
25:29umabuso
25:29sa pondo
25:30ng bayan.
25:31Suportado rin
25:32anya ng Pangulo
25:33na palakasin pa
25:34ang ICI.
25:35NAMASTE
Be the first to comment
Add your comment

Recommended