Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ramdam na ramdam na ang holiday season sa summer capital of the Philippines, Baguio City.
00:04Bugon sa mas malamig na panahon, dinarayo ng mga turista ang iba't ibang attraction doon.
00:09Live mula sa City of Pines, may unang balita si Darling Kai.
00:14Darling, gaano nakalamig dyan ngayon?
00:21Igan, good morning. 18 degrees Celsius ang temperatura dito sa Baguio City ngayong umaga.
00:26Sektong lamig na ine-enjoy ng mga turista, sabi ng pag-asa.
00:30Patikim pa lang daw ito sa lalo pang lalamig na mga panahon sa mga susunod na araw.
00:39Maraming turista ang in-enjoy ang malamig na panahon dito sa Baguio City.
00:44Dinayo ang Christmas Village na may iba't ibang attraction.
00:48Christmas in Japan ang tema kaya may mga anime characters, Sakura Blossom at Snow.
00:53Actually, sa taga Bulacan kami eh. Sa Bulacan din kasi, ramdam na namin na malamig.
00:59So, mas gusto pa namin ang mas malamig na weather kaya nagpunta kami dito.
01:04Nagsarin ang mga namimili sa night market. Mga damit panlamig ang punterya ng ibang namimili.
01:09Sa balita din, nasa 12 degree kaya required mga jacket. Baka lamigin talaga.
01:18Sakto lang yung price, affordable naman.
01:20Nararanasan ngayon ang pinakamalamig na panahon mula ng mag-umpisa ang Amihan season na nagdadala ng malamig at tuyong hangin sa maraming lugar sa bansa.
01:30Bumagsak sa 12.6 hanggang 13.6 degrees Celsius ang temperatura rito nitong nagdaang weekend.
01:36Malamig. Actually, parang nasa US yung klima.
01:39Ano pong ginawa niya? Parang hindi masyado kanyo. Hindi kayo ma-enjoy ni lamig. Parang at the same time, hindi kayo magkasakit.
01:44Walking. Walking kami sa session road.
01:49Nag-dala kami ng sweater namin kasi alam namin malamig dito.
01:55Pila ang mga nagpapapicture dito sa iconic na lion's head sa Cannon Road.
01:59Marami rin namamasyalat ng bibisikleta sa Burnham Park.
02:02Karaniwang kasama sa OOTD nila ang mga jacket, sweater at balabal.
02:07Yan ay kahit sarado pa rin ang Burnham Lake na suma sa ilalim sa rehabilitasyon.
02:11Mabenta ang strawberry taho na bukod sa masarap ay pampainit din sa pakiramdam.
02:16Paghigop naman ang mainit na sabaw ng mami ang panlaban ng ilang dumayo sa pagbubukas ng enchanting Bagu Christmas sa Rose Garden sa Burnham Park.
02:27Sarap na ito, Brad, no?
02:32Okay ito, Brad.
02:33Pinipilahan nga ang kainang ito dahil sa kakaibang mami ng pampalasa ay kiniing o smoked meat.
02:40Isa pang panlaban sa labig ang kanilang Black Forest Cake Coffee na may dark chocolate, whipped cream at cherry on top.
02:47Sabi ng pag-asa, simula pa lang ito ng malamig na panahon.
02:52Asahan daw na mas bababa pa ang temperatura at lalo pang lalamig sa mga susunod na araw.
02:58Around between 11.4 to 14.3 po yung lowest temperature na forecasted ng pag-asa ngayong December.
03:06And then between 7.9 to 11.8, yan po yung mga possible na mga lowest temperature na pina-forecast po ng pag-asa mula January up to February 2026.
03:17So medyo mas papalamig pa at mararanasan pa rin natin yung mga tinatawag nating cold surges.
03:24Pero dapat din mag-ingat sabi ng pag-asa dahil nakapamiminsala rin ang sobrang lamig na panahon.
03:30Mag-ingat yung ating mga kababayan lalo na po dyan sa may mountainous areas ng Luzon, dyan sa my car dahil possible din po yung formation ng mga frost.
03:40So posibleng pong maka-apekto dun sa kanilang mga tanim sa ating mga high value crops dyan po sa my car region.
03:46Igan, sarado pa rin itong Burnham Lake kaya katulad nang nakita nyo may harang kasi sumasa ilalim sa rehabilitasyon.
03:58Nakakordon din yung mga bankang dating nirirentahan ng mga turista.
04:01Gayunman ay marami pa rin yung mga pumupunta rito sa Burnham Park para mamasyal at mag-ehersisyo ngayong umaga.
04:09Yan ang unang balita dito sa Baguio City.
04:11Ako po si Darlene Kay para sa GMA Integrated News.
04:13Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended